Chapter 23: Change

61 1 0
                                    

HAPPY NEW YEAR PEOPLE!

Sana maging masaya yung buong year niyo <3. Amoy pulbura at usok na ba diyan? XD

•°•°•°•°•°

→Chapter 23: Change←

Buti nalang naging normal na nung pagpasok ko ng school. Meron iba nagbubululong-bulungan pero okay lang naman. Di naman maiiwasan yung tsismis.

"Cad!" Nakita ko ang mga kabarkada. Ilang araw ko na silang hindi nakasama at nakausap. Buti nalang nandyan parin sila para sa akin.

Nakangiti kong sinalubong sila. "Musta na kayo?"

"Namiss ka namin!" Niyakap nila akong lahat. "Basta Cad, nandito lang kami para sayo."

Buti nalang nandito pa sila para sakin. Okay lang sa akin kahit maraming mangyari basta nandyan lang sila sa tabi ko palagi.

"I love you guys." Hinigpitan ko pa yung yakap.

○●○●○●○●

Pumasok na yung adviser namin. Siya rin yung teacher namin sa English.

Umayos kami ng pagkaupo.

"Before we proceed, I would like to announce that next month, the Competition of Schools will be held at our rival's school."

Competition of Schools. Dito naglalaban ang iba't ibang paaralan sa iba't ibang paligsahan. Kasama kami rito dahil isa kaming private school. Once lang naman kaming nanalo at matagal na yun.

Isang kaklase namin ang tumaas ng kamay. "Ano pong school yung kalaban natin?"

"Harper Academy." Tumalikod siya at nagsulat na sa blackboard.

Napuno ng bulungan yung buong classroom. Harper Academy ba naman yung kalaban.

I mean brittish school yun at puro mayayaman. Usap-usapan nga na matatalino at magagaling yung nandoon.

Nagpatuloy yung discussion sa klase.

○●○●○●○●

"Grabe. Harper Academy?! Daming gwapo dun!" Kwento ni Shie.

"Sus. Marami naman magaganda." Si Anne naman.

Dumating naman si Sandy dala yung mga pagkain namin. "We need to make ourselves beautiful before we go to their school."

Tumango lang ako at binuksan yung potato chips.

"Uy, si Ivan nga pala."

Nakuha bigla yung atensyon ko. "Ahh. Dumating na siya. Tapos nag-date kami."

"Pano na sina Milan at Mav?" Malungkot na sabi ni Anne.

Ikekwento ko pa ba yung pictorial sa kanila? Feeling ko huwag nalang. Para hindi nila isipin na may something kami ni Milan. Hay.

○●○●○●○●

Maverick's POV

"Kasama ka sa magco-compete. I know you can win this, Maverick." Inilahad ni sir yung kamay niya sakin.

I shook hands with him. "I'll do my best." After that, I went out of the office.

I knew this day was coming. Magiging kalaban namin ang Harper Academy, my former school.

I have been there since kindergarten 'til gradeschool. Masaya naman dun. Marami akong nakilala, marami ang mga nangyari.

And I'll make sure everything that I have been through in that school will be put in the past.

Di ko namalayan na may nabunggo na pala ako sa kaiisip. Nag-sorry ako sa kanya. To my luck, si Milan pala ito.

"Hey Mav. Long time no talk." Nakapamulsang sabi niya. Di ko pa rin siya nakausap pagkatapos nung nangyari.

Di ko alam kung paano ko siya kakausapin. Di ko pa rin makalimutan yung pagconfess niya kay Cad.

Naisipan ko ring kausapin siyang parang walang nangyari. Afterall, he's still my bestfriend. "Oo nga. Kamusta pala yung photo shoot mo sa Bench?"

Parang biglang nailang siya. "It was great and about that... Si Cad-." Agad siyang napatingin sa kabilang direksyon. Sinundan ko yung tingin niya.

"Is that?" Tinuro ko ang isang babae na may kasamang lalaki.

"Yeah. That's her boyfriend. Kararating lang nung isang araw."

Tinignan ko lang sila habang papunta sa isang kotse.

Bumigat bigla yung loob ko. Halong galit at selos ang namumuo sa dibdib ko. Pakiramdam ko di ako makahinga.

"Okay ka lang Mav?" Inalalayan ako ni Milan.

Tinulak ko siya palayo at dumerecho ako palabas ng school.

Bakit ba hindi ako makahanap ng tunay na magmamahal sakin? Bakit ba lagi akong bigo? Is it because I'm a nerd? Is it because I'm stupid? Is it because of my looks?

I am tired of being rejected. I have been through enough already.

Babaguhin ko ang sarili ko. Ayoko nang mabalewala. I want them to see that i can be better.

A Teen StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon