Chapter 16: My Bro

151 1 0
                                    

→Chapter 16: My Bro←

Ilang araw na ba ako naging ganito. Parang natatae na parang nabubuyset na nagagalit na makakapatay ng tao.

Parang nagagalit ako sa lahat ng tao. Lalo na kay Mav at Milan. Ewan ko ba.

Alam niyo ba? Artista na ako ngayon.

Ilang channel na nakikita pagmumukha ko sa tv. Kahit nga sa Disney channel andun ako. Joke. Hehehe.

Si mama naman galit na galit sa akin. Lagi nalang "Ikaw kasing bata ka hindi mo muna iniisip pag aaral mo. Lagi nalang kaartehan mga kabataan ngayon." Haaaay naku.

Siyempre alam niyo na ang pinanggagawa ni kuya. Nanlalait nanaman. Malandi daw ako na slut. Diba pareho lang yun? Ginayuma ko daw silang dalawa. Eh kung kulamin ko kaya siya.

The last thing i knew na nagawa ko ay sinusuntok ko si kuya ng todong todo nang pagsabihan niya ako nun. Napaiyak din ako. Napatigil naman siya at hindi na ako pinapansin hanggang ngayon.

Sabado na ngayon pagkatapos ng 'incident' na nangyari sa school. Hindi pa nga ako kumakain ngayong alas dose na ng umaga. Hindi ko parin alam kung ano ang gagawin ko.

Ilang beses na akong tinatawag ni mama na kumain na pero tinatanggihan ko siya. Wala akong ganang kumain.

Sabi rin niya na pupunta kami ngayon sa bahay ni Lawrence. Naalala niyo pa naman si Lawrence. Yung British guy na masungit pero mabait pala yung nilalaman nito.

Pinag iisipan ko pa kung pupunta ba ako o hindi. Pero baka makatulong si Lawrence.

Kanina rin text ng text si Maverick pero di ko sinasagot. Pati na rin si Milan. Bahala na nga silang dalawa.

Sa wakas at naisipan ko nang lumabas ng planeta ko. Nagsasalita na kasi tiyan ko.  Lumabas na ako ng kwarto at nasilawan ako na parang bampira.

Napadaan si mama at tumingin sa akin. "Hoy mukhang kalalabas ka lang ng mental hospital sa itsura mong yan. Kumain ka na don sa baba at hinihintay ka ng kuya mo."

Umalis na si mama sa harapan ko.

Bumaba na ako para kumain. Nakita ko si kuya nanonood ng tv. Mabulag sana yung tao.

Naglakad ako papunta sa kusina nang kausapin ako ni kuya. "Ano nahihirapan ka na ngayon?" sabi niya habang nakatingin parin sa tv.

Sumagot naman ako. "Hindi ah. Mukha ba akong nahihirapan kapre?" tinuro ko mukha ko.

Tumingin siya sa akin. "Tingin mo?" binalik niya tingin niya sa tv.

Humarap ako sa salamin.

OH MEE GERD!! MUKHA AKONG MANGKUKULAM!

Bagong style to. Yung buhok buhaghag na parang afro. Yung mata namumula at makapal yung eyebags. At namumutla pa ako na parang patay. Isama niyo pa yung pokerface ko.

Nagsalita si kapre. "Ano? Mukha ka bang prinsesa?"

Napatawa siya at tinuloy niya sinabi niya "Prinsesa ng kapangitan?"tumawa pa ng malakas. Baliw na.

Hindi ko na siya pinansin at dumiretso ako sa kusina para kumain.

Habang kumakain ako kinausap ko si kuya. "Sya nga pala kuya," linaki ko yung boses ko pagkasabi ko ng kuya para polite naman diba?

"Si Cheryl, yang jowa mong minalas na naging jowa niya ang isang kapre na katulad mo, sinabihan ko siya yung tungkol sa baho mo."

Nanlaki mata ni kuya at kumaladkad palapit sa akin. Nawala naman yung galit na mukha niya kaagad at nginitian ako. " Talaga? Ano sinabi niya? Grabeh ang saya ko na sinabi mo yun sa kanya." sabi niya.

Alam kong sarcastic niyang sinabi yun pero hindi ko siya pinansin kundi kumain lang ako.

"Ano ha? Akala mo ikaw lang marunong lumaban? Akala mo ako lang yung pwedeng masaktan?" tinarayan ko siya..

"Hmph." nagcross arms siya. "I like your anger sis. Marunong ka palang lumaban. Manang mana sa akin." ginulo niya buhok ko.

Nalilito ako. Masaya siya na nagrevenge ako sa kanya?

"I dont get it." sabi ko with confused face.

"Basta labanan mo lang yang problema mo. Alam kong kaya mo yan. Nandito lang ako para sayo." tumalikod na siya sa akin at kinuha niya bag niya sa sofa para umalis.

Nagloading muna ako sa sinabi ni kuya. Pero nung natauhan ako, tinutulungan pala ako ni kuya. Nakakatouch naman.

Sister and brother talaga kami. Sometimes this is sparta, sometimes magkapatid. I really love my bro kahit gano kahalimaw tong kapre. May side talaga siya na may puso.

"Kuya joke lang yung sinabi ko kanina na sinabi ko kay Cheryl. Binubuyset lang kita." napahinto si kuya at tumingin sa akin. Ngumiti siya tsaka umalis na siya.

A Teen StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon