Chapter 13: Akin Lang Siya

159 3 1
                                    


→Chapter 13: Akin Lang Siya←

Tinignan ko si Milan. Mukhang embarassed siya.

"So this settles it. That's the reason i want to hear." sabi ni mam.

"Sorry po mam. Ako nalang isuspend niyo wag lang si Maverick." malumnay na sinabi ni Milan.

"I wont do that. Gusto ko lang marinig yung totoo. Bahala na kayo sa love triangle ninyo basta studies muna ha?" sabi ni mam habang nakangiti.

"Opo mam. Salamat mam." sabi namin.

Lumabas na kami. Maraming tao ang nakaharang. Lalo na yung mga babae. Todong todo ang lapit kay Milan.

May babae na nagsabi "Kuya Milan okay ka lang?" habang nakahawak sa braso niya.

May isa pa "Did Caddy hurt you? Im gonna hurt her."

Hay naku. At marami pang iba.

Sinalubong ako nina Sandy.

"Cad anyare?"

"Wala. Sige una na ako." naglakad na ako papunta ng classroom. Sinabayan ako ni Mav.

"So he likes you pala" sabi niya habang naglalakad.

"Ewan ko ba pano nangyari yun." sabi ko.

Inakbayan ako ni Mav papunta sa room.

○●○●○●○●

Milan's POV

Nagulat ako sa sinabi ko. Buti nalang hindi ako sinuspend. Patay talaga ako kay mom.

Hindi ko nalang pinansin silang dalawa paglabas namin.

Ang awkward. Maraming taong sumalubong sa amin. Parang mga artista tuloy kami. Maraming babae ang lumapit sa akin pero hindi ko sila pinansin.

Gusto ko sanang sabayan si Caddy papunta sa room. Pero naunahan na ako ni Maverick. Nakita ko na nagsabay sila at inakbayan niya si Caddy.

Ang sarap naman ang pakiramdam niya. Na malapit siya kay Caddy. Na may pag asa na maging sila.

Pero ako wala na. Naging masama ako sa kanilang dalawa.

Sumabay ako sa kanila papuntang classroom. Pero nasa likod lang ako.

Huminto ako at napaluha.

"Caddy sori talaga na nahulog ako sayo. Kasalan ko ang lahat. Ewan ko nga bakit ako nagkagusto sayo. Ewan ko ba nung niyakap mo ako ang sarap yung pakiramdam. Ewan ko ba bakit nagandahan ako sayo. Ewan ko ba bakit ako nagkaganito."

Napahito silang dalawa at humarap sa akin.

Lumapit si Caddy sa akin. " Milan. Okay lang yan. Hindi mo naman kasalanan. Wala namang masasaktan kung magkagusto ka sa akin diba?" ngumiti siya.

"Anong wala! Ako yung masasaktan! Dahil ang bobo ko kasi alam ko na nga na may gusto ka na sa iba, nahulog pa ako sayo! Wala na nga akong pag asa! Ang sakit!" tumulo pa ang mga luha ko.

"Milan. Stop this nonsense. Let's just forget about it." sabi ni Mav.

Susuntukin ko na sana si Mav. Pero pinigilan ako ni Caddy. Umiiyak siya sa harapan ko.

Niyakap niya ako. "Milan. Wag please. Tigilan mo na."

Napaiyak ako at niyakap ko din siya.

"Sori Caddy. Sori sori sori." sabi ko.

"Iwan ko muna kayong dalawa." sabi ni Maverick. "Pero huwag mong aagawin si Caddy. Papatayin kita." tinitigan niya ako na parang naninigurado.

Tinarayan ko lang siya. Tinitigan niya ako na galit tsaka umalis na siya.

Napangiti ako. Nakayakap parin si Caddy sa akin. Tinaggal ko kamay niya sa pagkayakap.

"Okay ka na?" sabi ni Caddy habang nakatitig sa akin.

"Oo." pinunasan ko luha ko.

"Hindi ka pa okay eh." nagpout siya.

Kiniss ko siya sa pisngi. Nashock siya. Napatakip ako ng bibig.

"Eh!" sigaw niya.

"Sori sori sori." namumula ako.

"Ah. Basta quits na tayo." sabi niya with thumbs up.

"Salamat Cad." napangiti lang ako.

"Sige ah. Friends na kayo ni Maverick ah?" sabi niya.

Biglang nawala yung ngiti ko.

"Gusto parin kita. Gusto kong mapasaakin ka. Ayokong mapunta ka sa kanya."

Napakamot siya sa ulo.

"Promise Caddy. I will make you proud. Just give me a chance to prove it." hinawakan ko mga kamay niya.

Ngumiti siya. "Ah. Sige sige. Bahala nalang"

Kahit hindi siya sigurado sa sagot niya ay dumulot ito ng ngiti sa akin.

"Sige na. Nakakahiya sayo." binitawan ko kamay niya.

"O-okay." nauutal na sinabi niya. Tapos umalis na siya.

○●○●○●○●

Pumasok na ako sa classroom. Lunch time na pala. Wala akong ganang kumain. Pinikit ko mga mata ko.

"Hoy Milan." pumasok si Dylan.

Napatingin ako. "Oh ano kailangan mo."

"May gusto ka rin kay Caddy. Himala yung babae na yun ah. Ginayuma ka yata." sabi niya.

"Kapatid mo siya at ganyan pinagsasabi mo." tiniganan ko siya ng masama.

"I treat her as garbage. Ikaw nga rin. Baka magarbage ka niya." sabi niya habang nakasandal sa pader.

"Anong ako?" nalilito ako sa sinabi niya.

"Masasaktan ka lang. Lalo na si Maverick." sabi niya tapos papalabas siya sa pintuan.

"Ano ba pinagsasabi mo!" sigaw ko.

Lumingon siya. "Di mo alam? Taken na si Caddy. May iba siya noon pa. May babalik para sa kanya." sabi niya.

"Ha!" may iba pa si Caddy.

"Nung una may nagkagusto kay Caddy. May gusto din pala si Caddy sa kanya. Naging sila. Pero nagkasakit yung syota niya at pumunta sa Amrica para magpaopera. Babalik siya next week para kay Caddy"

"She's a demon isnt she?" tinarayan niya ako.

"I dont care about those things. Sisiguraduhin ko na magiging sa akin si Caddy. Kahit sino pa yan. Ipaglalaban ko siya." galit na sinabi ko.

"Hmph. Masisiraan ka lang ng bait." lumapit siya sa akin.

"Di ka mananalo kay Maverick o sa boyfriend ni Cad." lumabas na siya ng classroom.

Napaluha ako. Ipaglalaban ko si Caddy.

A Teen StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon