Knight at Celestina
8 taong gulang lamang si knight ng mapadpad sa gubat. Hindi alam kung paano at saan siya nang galing, alam lamang niya ang kanyang pangalan at edad. Nakita lang ni Celestina si Knight sa gitna ng gubat naglalakad ng walang patutunguhan.
Nagtataka ang mangkukulam kung paano nakapasok ang nasabing bata sa kanyang teritoryo, "napakahirap pasukin ang gubat na ito, marami kang pagdadaanan dahil marami itong mga patibong at higit sa lahat, mga mababangis na hayop na anumang oras pwede kang atakihin."
Dinala ni Celestina ang bata sa kanyang tahanan. "Magiging taga pag alaga na pala ako ngayon"
Maraming takot kay Celestina dahil sa pagiging mangkukulam at taglay na kapangyarihan. Hindi siya tulad ng mangkukulam na may nakakatakot na mukha, maganda at mukhang bata si Celestina, hindi alam ng lahat na may pag kaisip bata, at may kayabangan ang mangkukulam.
Bata, andito na tayo sa aking tahanan, magiging katulong kita sa aking mga gagawin, ako na din ang iyong magiging master, ang pinaka magandang mangkukukam na si Celestina. Sasanayin natin ang iyong kapangyarihan.
Ano ang iyong ngalan, Bata? Kanyang tanong sa batang walang imik na naglalakad.
Knight
Nagulat siya sa lamig ng boses ng bata pero hindi niya nalang pinahalata.
Sa labas ng kanyang tahanan napapalibutan ito ng kakaibang puno at halaman, malapit din ito sa talon at may maliit na tulay.
Napaganda diba ng aking tahanan. tumango lamang ang bata.
Pag pasok sa loob, hindi mo aakalain na malaki ang tahanan ng mangkukulam, makikita agad ang mga garapon na naglalaman ng kung anu-ano, mayroon din nakasabit ng mga hayop at di kilalang mga halaman. Napakadami din libro ang mangkukulam, pumunta ang bata sa mga libro at nag hahanap ng mababasa. Ahhmm matalino ang batang ito, book of spells pa talaga ang napiling libro.
Knight, sumama ka saakin.
Naglalakad ang dalawa sa may pasilyo, maraming pintuan silang dinaanan at nakarating sila sa huling pintuan kulay kayumanggi, gawa lamang ito sa kahoy, kung titignan sa labas masasabing may kalumaan na ito, at nung pumasok sila hindi niya aakalain na napalawak ng lugar masasabing lugar ng pagsasanay.Marami din nakasabit na mga sandata, namamangha ang bata sa kanyang nakikita, lingid sa kaalaman ng mangkukulam na walang tigil sa pag sasalita ay hindi nakikinig ang kanyang kausap bagkus naglilibot na ito patungo sa mga sandata.
Anak ng pusa naman ohhh... kanina pa ako nag sasalita dito wala na pala akong kausap.
Dito tayo magsasanay, sasanayin natin ang iyong kapangyarihan, magsasanay ka rin gumamit ng mga sandata. Hindi sa lahat ng oras maasahan ang iyong kapangyarihan, dapat lagi kang handa sa anumang oras, naiintindihan mo ba bata?
tumango naman ang bata.
Hindi ka ba nagsasalita, sanayin mo ang sarili mo na magsalita. Hindi naman siya pinansin ng bata.Grabe ang batang ito, suplada.
Dito ang iyong silid, bukas na bukas sisimulan na natin ang iyong pagsasanay magpahinga ka muna, tatawagin na lamang kita kung tayo'y mag hahapunan na. Tumango naman ang bata, pumasok sa kanyang silid na hindi kalakihan, tama lang para sa kanya, may bintana na tanaw ang talon sa labas, may kama at lamesa. Nahiga ang bata sa kanyang kama at agad na nakatulog dahil sa pagod.
Kinaumagahan tinungo ni Celestina ang silid ni Knight, napansin niyang nakatanaw lamang ito sa labas na parang may malalim na iniisip.
Parang ang tanda naman ng batang ito para mag drama.
Naramdaman ni Knight ang presensya ni Celestina kaya naman lumingon ito sa kanya.
Bumaba ka na, kakain na tayo.
tumayo naman ang bata mula sa kanyang pagkakaupo at sumama kay Celestina.Bumaba ang dalawa, dahil nasa pangalawang palapag ang kanyang silid. Pagkadating sa hapagkainan, nagningning ang mata ng bata sa dami ng pagkain na nakahain.
Namangha si Celestina sa kanyang nakita at hindi napigilang tumawa.
Hahaha nag kakaroon ka pala ng ekspresyon kapag may nakita kang pagkain.
Hindi naman siya pinansin ng bata dahil nag simula na itong kumain, gulat na gulat si Celestina sa dami ng nakain ng bata halos siya na ang nakaubos ng pagkain.
Mamumulubi ata ako sa bata na ito ehh. 10 tao ang katumbas ng pagkain kinain niya.
Pagkatapos nilang kumain ay agad nag pahinga ang dalawa, panibangon araw ang kanilang haharapin at dito na magsisimula ang matinding pagsasanay.
BINABASA MO ANG
Si Knight at ang kanyang mga Prinsipe
FantasyLumaki sa gubat kasama ang makapangyarihang mangkukulam, bata pa lamang nakitaan na ng kakaibang lakas at kapangyarihan. Maglalakbay upang mahanap ang kanyang tunay na pagkatao, sa kanyang paglalakbay nakilala niya ang mga prinsipe ng iba't ibang ba...