Chapter 8

121 8 0
                                    

Ang Pangangaso

Knight

Ito na ang araw kung saan gaganapin ang pangangaso sa bayan ng Kirab, pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari sa laban. Maraming kalahok karamihan mga lalaki na mukha na talagang hayop dahil sa sama ng itshura hahaha at may ilan ding kababaihan na animo kinulang sa tela ang suot na damit at meron din namang normal katulad ko at un mga kilalang hunter at si Ichino na nakatitig saakin. Maluwang ang kagubatan kaya mahihirapan kami mahanap ang bagwis lalo na at nagiisa lamang ito ang isa pa sa magpapahirap sa amin ay bawal gumamit ng mahika at napakarami pang patibong sa loob ng gubat. Sabay sabay papasok ang mga kalahok sa gubat pero kailangan mo pang pumili ng pinto na iyong papasukan dahil bawat pinto ay may katumbas na panganib swerte mo kung ang mapupuntahan mo ay walang patibong o mabangis na hayop. Pwede kang magdala ng kahit anung sandata may mahika man o wala basta't mismong sandata ang may mahika at hindi ikaw ang maglalagay ng mahika sa sandata, dala ko ang aking punyal at pana dahil alam ko na kakailanganin ko ito sa laban.

Pinili ko ang itim na pinto at pagpasok ko isang madilim na kagubatan ang napasok ko pinakiramdaman ko ang paligid madilim lang pero wala akong nararamdaman na panganib, naglalakad lamang ako, ng paunti unti nagkakaroon ng liwanag hanggang sa tuluyan ng lumiwanag naramdaman ko na may tao sa paligid dahil sa hangin at papunta ito sa kinaroroonan ko si kuang mukhang hayop pala.

Bata pasensyahan tayo pero hanggang dito ka nalang kung ayaw mong masaktan bumalik ka na sa labas ng gubat.

Hindi ko siya sinagot bagkus tumitig lamang ako sa kanya, sumali ako sa laro para panalo at hindi magpapatalo.

Aba't matigas ka bata ahh, ayaw mong sumuko sige labanan mo nalang ako.

Isang malaking palakol ang kanyang armas walang espesyal dito at kaya kong putulin ito sa isang suntok lamang sumugod siya sa akin pero hindi ako umalis sa kinalalagyan ko ihahampas na sana niya saakin ang palakol ngunit naunahan ko siya sinuntok ko siya sa tiyan dahilan ng pagkatilapon niya nauntog pa nga siya sa puno ayun tulog. Umaakyat ako sa puno at pumunta sa pinakatuktok nito titignan ko kung saan makikita ang bagwis sa lawak ng gubat mahihirapan akong puntahan lahat ng parte. Ang dami kong nakikitang mga kalahok na naglalaban, meron nabitag sa patibong meron din namang nakasagupa ang mababangis na hayop.

Asan na ba ang bagwis na yun, bibigwasan ko talaga yun pagnakita ko.

Nasa pinakadulo ng gubat ang bagwis dalawangpung kilometro ang layo mula saakin kailangan ko makarating agad bago ako maunahan ng ibang kalahok. Sa mga puno na ako dumaan tumatalon ako sa bawat sanga ng puno mas mapapadali ako dahil maraming patibong sa baba meron din naman sa taas pero bibihira lamang, sampung kilometro mula sa aking pakay ng may humarang sa akin na isa sa pinaka magaling daw na hunter hindi ko alam ang kanyang pangalan pero alam ko maraming nakakakilala sa kanya hindi nga lang ako kasama dun.

Pasensya ka na kung ako ang iyong nakasalubong dahil hindi kita hahayaang maunahan ako sa bagwis. Ako nga pala si Kotaro kilala bilang isa sa pinaka magaling na hunter at ang magpapatalsik sayo sa larong ito.

Ang daldal naman ng lalaking ito, wala naman akong pakialam sa mga pinagsasabi niya. Masasabing may ibubuga ang lalaking ito, sa kanyang hawak na espada may taglay itong mahika pero hindi ito kabilang sa pambihirang sandata. Aatake na sana siya saakin ng biglang may humarang saaking harapan ang lalaking nagngangalang Ichino.

Hindi ko hahayaang lumaban ka.

Nababaliw na ang lalaking ito paano naman ako mananalo kung hindi ako lalaban. Nakatitig lamang siya saakin na para bang ayaw niya akong mawala sa tabi niya.

Woaaahhh.. nagkita tayong muli Ichino, hindi ko hahayaang na muling matalo sayo.

Mukhang maglalaban silang dalawa at wala na akong pakialam sa kanila dahil mas importante ang bagwis. Para naman silang nagkahiwalay na magkasintahan at muling nagkita dahil sa mga titigan nila, ang sagwa hahaha. Aalis na sana ako dahil hahanapin ko pa ang bagwis ng magsalita si Kotaro.

 Si Knight at ang kanyang mga PrinsipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon