Chapter 9

189 9 5
                                    

Pasensya po kung madaming mali.

Gray at ang Ghadia

Ashmir

Papunta na kami ni master sa susunod na Bansa, sa tagal ko siyang nakasama masasabi na nagkaroon na rin siya ng emosyon, bibihira ko lamang makita ng ngumiti ang aking master at maswerte ka kung makikita mo ito. Habang naglalakad kami papunta sa bayan ng Shurie sa bansang Ghadia ay may napansin kaming tao na tutulog sa ilalim ng puno mukhang dito na siya naabutan ng antok kawawang nilalang nilagpasan lang namin siya dahil wala namang pakialam ang aking master hangga't hindi ka naman napapahamak.

Ang bansang Ghadia ay may pitong bayan at isa na dito ang Shurie. Kilala ang Bansa sa pagawaan ng kasuotan, kahit anung uri ng kasuotan meron sila at gumagawa din sila ng matitibay na baluti at panangga. Ang Hari at Reyna ng bansa ay kilala sa pagiging kakaiba, iba't ibang kasuotan ang kanilang sinusuot ang masasabi na sa lahat ng namumuno sila ang may pagka isip bata pero nakakatakot pag nag seryoso. Sila ay may dalawang anak na kambal si Prinsesa Amber ang bunso, labing walong taong gulang kilala sa paggiging sopistikada lalo na sa kasuotan pero mabait din naman kung minsan. Ang panganay na si Gray na kabaliktaran ng kanyang kambal, hindi mo mapag kakamalang prinsipe dahil sa kanyang kasuotan, pangkaraniwan lamang ang kanyang suot at mapagkakamalan mo na ordinaryong nilalang. Ang kanyang mahika ay liwanag, sa lahat ng prinsipe siya ang maituturing na pinaka mabait, sikat sa eskwelahang pinapasukan at isa sa pinaka malakas.

Knight

Nandito na kami sa bayan ng Shurie, namamangha ako sa mga kasuotan nila pagka't bago ito sa aking paningin. Hindi ko maintindihan ang kanilang kasuotan pagka't ang bawat makita ko ay iba't iba ang suot. Tama nga sila na kilala ang Bansang ito sa pagiging makulay sa kasuotan. Habang nagiikot kasama si Ashmir ay napadaan kami sa gawaan ng baluti at panangga, hindi ko naman kailangan ng anumang baluti o panangga pero nawiwili akong tumingin dahil sa ganda ng pag kakagawa. Mayroon din silang tinitinda na mga sandata pero bibihira lamang, at nagtitinda din sila ng mga palamuti sa katawan. Isang kwentas ang nakaagaw saaking pansin, simple lamang ang pagkakagawa may desinyo itong kalahating buwan
at nag iiba ang kulay kung iyong pagmamasdang mabuti.

Ginoo, nais mo bang bilhin ang kwentas na iyan, sabi nila isa iyang pambihirang sandata.

Mukhang tama nga ang Ale na ito, nakita ko ang simbolo na nag papatunay na isa ito sa mga pambihirang sandata.

Magkano ho ito?

Mukhang nagulat ko ang ale, napatulala siya sa harap ko.

Ahhh Ginoo, dalawang ginto ang halaga nayan.

Binayaran ko siya, at agad na umalis. Ang kwentas na ito ay nagtataglay ng panangga o proteksyon sa anuman atake.

Naglilibot ako sa bayan ng Shurie ng may napansin akong isang lalaki na nakikipag laro sa mga bata, at tuwang tuwa ang mga ito. Hindi ko na lamang pinansin dahil hindi ko alam ang pakiramdam ng naglalaro.

Naghahanap ako ng makakainan ng may napansin akong kahina hinalang grupo, hindi sila pang karaniwan mga nilalang, lima sila sa grupo tatlong lalaki at dalawang babae, magkakasalubong kami at hindi ako nagpakita ng anumang emosyon at alam ko na nakatingin sila saakin pero hinayaan ko nalang.

Pumasok ako sa isang kainan na mukhang tindahan ng mga palamuti. Masasarap ang mga pagkain nila kahit medyo kakaiba dahil makukulay ang mga ito.

Babalik na sana ako sa aming silid tuluyan ng mahagip ng aking mga mata ang mga kahina hinalang nilalang na nagmamasid sa lalaking may kahel na buhok, mukhang may hindi magandang mangyayari dito.

Gray

Habang nakikipaglaro ako sa mga bata ay may naramdaman akong nagmamasid sa aking mga kilos hindi ito maganda.

 Si Knight at ang kanyang mga PrinsipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon