Chapter 13

87 5 2
                                    

Kira

Habang naglalakad patungo sa Cantor may madadaanan silang maliit na bayan na nagngangalang Delpa.  Nagbabasa lamang si knight ng mga spells sa librong nakuha niya sa ilalim ng karagatan ng Rimbos ng may naramdaman siyang panganib.

Master, mukhang may kaguluhang nangyayari sa lugar na ito.

Humanda ka Ashmir, maging ikaw Ropus, mukhang mapapalaban tayo.

Knight Pov

Napakagulo ng lugar na aming nadaanan, napakaraming sira sirang tahanan at ang daming sugatang nilalang, batid ko ang kaguluhang nangyayari at ramdam ko na nandito pa ang salarin. May nakita akong bata iyak lamang ng iyak sa isang sulok ng ako'y kanyang napansin agad siyang tumakbo at yumapos saakin.

Ginoo, nakikiusap po ako, tulungan mo po ako aking ama maging ang mga tao sa aming bayan. Nakakaawa ang paslit na ito, napakabata pa niya para maranasan ang kalupitang ito.

Ano bang nangyari dito?
Mukhang nagulat ko ata siya, lumaki kasi ang kanyang mga mata.

Ahh . Ehh.. ano po..
natatakot siya, kaya't hinawakan ko ang kanyang munting kamay.

Huwag kang matakot, tutulungan kita. Umaliwalas naman ang kanyang mukha at gumaan ang pakiramdam.

Ginoo, ang aking ama ang tien ng bayang ito, hindi magulo ang aming bayan, isa ito sa pinaka tahimik at payapa, hanggang sa.. sa may sumalakay saaming bayan, nais nilang sakupin ang aming bayan, napakaraming halimaw ang nandito ngayon, hindi kami makapag abot ng mensahe sa aming hari sapagkat may malakas na harang sa aming bayan.

Ginawa ang harang para hindi makalabas o makapasok ang sinuman, at hindi din mararamdaman ng hari na may panganib sapagkat nasa pinakadulo ang bayan ng Delpa. Pinatago ko si Vana kasama ng mga taga bayan, magagamit ko na ngayon ang aking espada o kaya ang libro ng mahika. Ang sabi ni Vana ilang araw na silang pinasok ng halimaw at nagpupugad sila sa punong pamahalaan ng bayan. Sinabi din ng paslit na may isang nilalalang na kasama ang mga halimaw, at kung hindi ako nagkakamali siya ang kumukontrol sa mga halimaw. Ang kanyang ama at ang ibang taga bayan ay nakikipaglaban sa mga halimaw subalit karamihan sa mga nakatira dito ay pangkaraniwang nilalang bibihira lamang ang may taglay na mahika kaya't hindi nila magapi ang kalaban. Ramdam ko na iba't ibang uri ng halimaw ang nandito, mukang malakas ang kumukontrol sa mga halimaw.

Gemini, labas.

Tinawag ko ang kambal, malaki ang maitutulong nila sa laban, may kakayahang silang  magpatulog at mag paamo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tinawag ko ang kambal, malaki ang maitutulong nila sa laban, may kakayahang silang  magpatulog at mag paamo. Hindi katulad ni Aquarius at Taurus na maingay at madaldal, tahimik lamang ang kambal.

Ano pong maipanglilingkod namin sa inyo Master?

May mga halimaw ang nandito sa bayan, ang gusto ko ay patulugin niyo sila. Hindi naman gagawa ng masama ang mga halimaw kung walang nagkokontrol dito. Pero huwag niyong gagalawin ang Pinuno akong kalaban niya.

 Si Knight at ang kanyang mga PrinsipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon