Chapter 3

161 9 0
                                    

Ang Bayan ng Shinwa at si Marshall

Makalipas ang sampung taong pagsasanay, umalis si Knight sa gubat kasama ang alagang si Ashmir.

Ang kanyang alaga ay magiging takaw pansin kung nakalabas ang siyam na buntot.

Ashmir itago mo ang iyong mga buntot at maging normal na lobo ka muna sabi niya sa isip ni Ashmir.

Hindi tayo pwedeng umalis ng ganyan ang itsura mo magiging takaw pansin ka, tumango naman ang kanyang alaga at sa isang iglap ay isa na lamang itong ordinaryong lobo.

Masasabing nasasabik siyang lumabas ng gubat pero may halo din lungkot dahil naiwan si Celestina, ayaw nitong sumama dahil wala na daw magbabantay sa gubat. Sa sampung taon nilang pagsasama masasabing may nagbago kay Knight, hindi na siya malamig makitungo at nagiging madaldal na din siya kay Celestina.

Nakalabas na sila sa gubat at madadaan nila ang bayan ng Shinwa. Ang mundo ng Entasia ay nahahati sa labing tatlong bansa, Ang bansang Hitsu ay isa sa pinaka malaking bansa, meron itong sampung bayan isa na dito ang Shinwa, isa ang bayan ng Shinwa sa masasabing mayamang bayan at dito nakatayo ang palasyo ng Hari.

Pinamumunuan ni Haring Kahel ang bansang Hitsu na isang mabuting pinuno, mayroon din itong taglay na malakas na mahika. Ang bansang Hitsu ay kilala sa pagawaan at biliin na mga sandata, marami din ditong mga mangangakal kaya karamihan sa mga nakatira dito ay masasabing mahusay sa sandata. Habang naglalakad si Knight sa bayan nadaan niya ang pook pamilihan. Maraming pangkaraniwang tao at mahikero at mahikera kang makikita na namimili.

Ginoo, nais mo bang bumili ng prutas sariwa pa ang mga ito alok ng walong taong bata kay Knight.

Mata lamang ang kita sa mukha ni Knight nakasuot pa ito ng maluwang na kasuotan kayat napagkamalang lalake, hindi naman siya nagsalita bagkus lumapit siya sa bata at nagbigay ng limang pirasong ginto kapalit ng isang supot ng mansanas, tuwang tuwa ang bata dahil sa laki ng halaga na binayad sa kanya ng Ginoo, maaari na silang mabuhay kahit hindi siya magtinda.

Maraming salamat magiting na Ginoo, ngunit sobra sobra ang iyong binayad sampung pilak lamang ang katumbas na iyong pinamili  mangiyakngiyak na pahayag ng bata.

Sa iyo na iyan,

Ang sabi ni Knight sa bata at iniwan ang batang nagagalak sa saya. Habang naglalakad at kumakain ng mansanas, napansin niya ang tindahan ng mga sandata, binuksan niya ang pinto at naghatid ng ingay dahil sa kalumaan nito, pagpasok pa lamang ay namangha na agad siya sa dami ng sandata hindi man mapapansin sa kanyang walang emosyong mukha.

Habang naglilibot napansin niya ang isang pana, kung iyong pagmamasdan para lamang itong pangkaraniwan pero hindi nakaligtas sa kanya na mahiwaga ang pana na kanyang napupusuan. May lumapit sa kanyang matandang lalake na sa edad pitumpo.

Iho gusto mo ba iyang pana, gawa iyan sa pinaka matibay na puno, magaan at mura lang, ibibigay ko sayo ng  isang ginto. sabi nito kay Knight.

Mukhang manggugulang ang tindero na ito master.
sabi ni Ashmir sa isip ni Knight.

Kumuha siya ng isang pirasong ginto at ibinigay sa matanda, tuwang tuwa ang nasabing matanda at agad binigay ang pana na may sampung palaso at may kasamang lagayan.

Hindi alam ng matanda na mahiwaga ang pana na kanyang pinagbili, bawat palaso ay may ibat ibang kakayahan. Siya ang nagulangan natin Ashmir, hindi lamang isang ginto ang halaga ng pana, wala siyang alam sa kakayahan ng pana sabi ni Knight sa isip ng kanyang alaga.

Pumasok sila sa isang kainan, pagkatapos kumuha ng makakain puwesto sila sa pinaka dulo, ang dami niyang kinuhang pagkain na ibat ibang putuhi, karamihan sa paninda ng nasabing kainan ay kinuha niya, maganang kumakain si Knight pinakain niya din ang alaga, pagakatapos kumain ay lumabas na sila ng kainan, kailangan nilang makahanap ng bahay paupahan dahil nais na nilang makapag pahinga. Ayaw niyang magtanung dahil tamad siyang magsalita, habang naglalakad ay kumakain nanaman siya ng mansanas walang kabusugan si Knight basta pagkain walang hinihindian. May nakita siyang bahay paupahan malapit lamang sa pook pamilihan, hindi gaano kalaki ang silid pero maaliwalas naman, pankaraniwan lamang may higaan, lamesa, banyo at isang bintana na tanaw ang palasyo, isang gabi lang naman siya matutulog at aalis din siya kinabukasan para maglakbay. Maagang nakatulog si Knight dahil narin sa maghapon paglalakbay, ganun na din ang kanyang alaga na si Ashmir hindi na nga siya na kapag linis ng sarili at humilata agad dahil tinatamad daw siya.

Sa palasyo nakatira si Haring Kahel meron itong dalawang anak ang labing siyam na taong  binata na si Marshall at walong taon gulang na binibining si Marhill.
Si Marshall ay mabait, matulungin at mapag kumbaba, Isa rin siya sa may pinakamalakas na mahika sa eskwelahang pinapasukan niya. Masasabing may kagwapuhang taglay ang nasabing binata, maraming binibini ang gustong makuha ang kanyang puso, subalit wala pa din siyang napupusuan. Mahusay siya sa paggamit ng mga sandata, ang kanyang mahika ay kayang komontrol ng hangin, namana niya ito sa kanyang ama, kayat tulad ng hangin mabilis din kumilos ang binata.

Kinaumagan, tanghali na nagising si Knight napasarap ang kanyang tulog dahil sa pagod. Kailangan pa nilang maglakbay para makarating sa akadameya, ayaw niyang gumamit ng mahika dahil tinatamad siya at gusto niya din malibot ang ibang bansa. Nakaligo at nakabihis na siya, ganun pa din sa dati ang kanyang kasuotan balot na balot nanamam at mata lamang ang kita. Naglalakad na siya palabas sa bayan ng Shinwa ng may nadaan siyang kaguluhan. Isang lalake na nasa tatlumpo ang edad na may hawak na bata at nakatutok ang isang patalim sa leeg ng bata.

Bigyan ninyo ako ng salapi kapalit ng buhay ng batang ito, sigaw ng lalake sa mga taong nasa paligid.

Takot na takot ang bata at sinasambit ang kanyang Ina na tulungan siya. Wala naman sanang plano na tumulong si Knight dahil siya ay tinatamad, subalit nakonsensya siya dahil umiiyak ang bata. Lumapit siya sa pinagkakaguluhan at pumunta sa likod ng lalake na may hawak na patalim sa bilis ng pangyayari ay di mapapansin ang ginawa niya sa lalake, tinusok niya sa batok ang lalake ng karayom na may halong pampatulog.

Sa palasyo naman, inireport ng kawal na may kaguluhan sa nasabing pamilihan, agad tumalima ang anak ng hari na si Marshall, pagdating sa pamilihin agad nilang nakita ang kaguluhang nangyayari lalapit na sana siya sa pangyayari ng na pansin niya ang paglapit ng isang misteryosong nilalang, nagulat nalang siya sa pangyayari dahil hindi niya nakita kung anu ang ginawa nito sa lalake.

Napakabilis niyang kumilos para talaga siyang hangin sabi niya sa isip.

Lumapit siya sa kaguluhan agad yumukod ang mga tao para magbigay galang sa mahal na prinsipe, nilipitan niya ang lalake humihinga pa ito nakatulog lamang, ang bata naman ang nilapitan niya at tinanung kung ayus lamang ba ito.

Maayos po ako mahal na prinsipe, maraming salamat po sa inyo.

Nginitian lamang niya ang bata, hinanap niya ang misteryosong tao, nakita niya itong paalis na sa kanilang bayan, hinabol niya ito at tinawag.

Ginoo, saglit lamang Ginoo.
Ginoo, saglit lamang,
hindi pa din ito lumilingon kaya't tinawag niya itong muli.

Ginoo, saglit lamang,
Ginoo, ginoo.

Sa isip ni Knight ay may tumatawag sa kanya pero hindi naman siya Ginoo kaya baga hindi naman siya ang tinatawag at mapahiya  lamang siya, biglang may humawak sa kamay niya, sa gulat ay nabalibag niya ito ngunit natanggal ang kanyang panakip sa mukha dahil nakahawakan ang kanyang balabal na pantakip sa kanyang magandang mukha.

Ang sakit ng likod ko sabi ni Marshall.

Ganun nalang ang gulat niya ng may naglahad ng kamay sa kanya upang tulungan makatayo, kinuha niya ito at tinignan ang may ari ng kamay.

Dug.dug.dug.dug

Bakit ganito ang pintig ng aking puso. Ang bilis ng tibok ng aking puso, ang gandang babae, para siyang dyosa ng kagandahan, siya ba ang tumulong sa bata kanina, ang buong akala ko lalake siya ayun pala ay napaka gandang binibini sa isip ng binata, napatulala lamang siya sa harap ng babae at bigla nalang nag init ang kanyang mga pisngi, hindi man lamang niya namalayan na nakaalis na ang binibing bumihag sa kanyang puso.

Magkikita tayong muli Binibini, sa susunod na magkita tayo ay papakasalan kita.

 Si Knight at ang kanyang mga PrinsipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon