Chapter 5

141 9 0
                                    

Pasensya na po kung madaming mali. Salamat

Ang Paliksahan

Knight

Ito ang araw ng paligsakan ng mga malalakas sa bayan ng Baler. Tinanghali ako ng gising, naglibot pa kasi ako kagabi sa kanilang pamilihan may nakita akong kainan at dahil pagkain kumain ako, kailangan ko talagang manalo sa paliksahan dahil wala na akong kayamanan.

Pumunta na ako sa paggaganapan ng patimpalak isa itong arena, iniwan ko si Ashmir sa bahay paupahan, pagkakaguluhan lamang iyon kapag sumama,unang beses kong makapasok sa isang arena, nababasa ko lamang ito sa mga libro at ang masasabi ko lang ay malaki at maganda talaga, nakakamangha ang laki nito, masasabing maraming makapanood sa laban mga sampung libong tao.

Ang lahat ng kalahok ay magkakasama sa isang silid, iba't ibang reaksyon ng mga kalahok ang makikita sa silid, merong kinakabahan, natatakot, may masaya, at parang wala lang sa iba. Ang patakaran sa laro ay walang gagamit ng mahika, at anumang sandata, bawal patayin ang kalaban, kapag hindi na kayang lumaban ng iyong kalaban ikaw ang panalo, at kapag nalaglag ka sa sa arena talo ka na.

Magsisimula na ang unang yugto ng laban, ito ang pagkakaroon ng malakas na resistensya tatakbo sa buong arena ng isang daang beses, kung sino man ang makakaabot hanggang sa dulo ay makakaayat sa susunod na yugto.

Nakakatamad naman ang pinapagawa nila, nung nasa gubat ako, walang ginawa si tandang mangkukulam kung hindi patakbuhin ako tuwing umaga, hanggang dito ba naman. Marami na din sumuko, merong nadapa dahil sa pagod, meron din naman sumuko na dahil hindi na kayang tumakbo, may napilayan at hindi maiiwasang may masugatan. Sa higit isang libong sumali, dalawang daan na lamang ang natitira, masasabi ko na may maibubuga ang mga naiwan, akalain mo si kuyang bato nakapasa, hingal na hingal nga lang.

Ang pangalawang yugto ay matira ang matibay, magtatawag sila ng dalawangpong katao para maglaban laban dapat isa lamang ang matitira, bali nahahati kami sa sampung grupo, sa huling grupo ako kabilang kasama din sa grupo si kuyang bato. Sa lahat ng nanalo sa bawat grupo ang nanalo sa pang limang grupo ang masasabi kung magaling si Tezuka, mabilis siyang kumilos, malakas, at nakakatakot kung tumingin.

Ang grupo ko na ang maglalaban karamihan mga lalaking malalaki ang katawan meron rin namang babae. Nakatayo lamang ako sa pinaka dulo, hindi ako lalaban, aantayin ko nalang kung sino ang matira, hindi ako madaya sadyang matalino lang. Ang gulo ng arena, kasama pa ang mga manunuod na nagsisigawan, si kuyang bato ay kalaban ang isa pang bato nakakatawa sila bato talaga, pati ata ang utak naging bato nagkasabayan sila ng suntok ayun parehong tumba.Kanya kanya silang laban at ako naman nasa gilid lang naramdaman kong may palapit saakin at tama nga ako isa sa mga lalaking bato, nagpakawala siya ng suntok na iniwasan ko lang suntok lang siya ng suntok iwas lang ako ng iwas napakabagal niyang sumuntok kaya ako naman ang sumuntok isang suntok sa panga, ayon tulog mahina lang ang ginawa kong  suntok tulog agad, maraming nakakita sa ginawa ko kaya't marami ang sumugod saakin apat sila, sampo nalang kaming natitira, dalawa sa harap at ganun rin sa likod sabay sabay silang nagpakawala ng malakas na suntok inapakan ko sa balikat ang lalaking nasa harap ko at tumalon ng mataas para sila ang magkatamaan hahaha ayos tulog silang lahat.

Tatlo na lamang kaming natitira pare pareho kaming babae, dahil nga nakatakip ang mukha ko napagkamalan akong lalake, mukhang magkakampihan ang dalawa para matalo ako, si puti at asul ang itatawag ko sa kanila dahil sa mga kulay ng buhok nila. Nasa magkabilaan ko sila nasa kanan si puti at nasa kaliwa naman si asul, si puti maliksi kumilos parang pusa, malakas naman si asul parang lalake sa laki ng katawan, hahaha ang hilig kong manlait. Magaling ang teamwork ng dalawa susuntok si asul at susundan ni puti pero mas magaling ako, alam ko na susuntok si asul saakin kaya't bago pa man mangyari inunahan ko na siya, sinuntok ko siya sa tiyan sapat lang para makatulog bigla naman humakbang pabalik si puti dahil sa gulat, ako na ang unang sumugod mabilis siyang kumilos pero mas mabilis ako sisipa na sana siya ng nahakawan ko ang paa niya bago pa niya mabawi ang paa niya ay sinuntok ko na siya sa mukha dahilan ng pagkawala niya ng malay. Naghihiyawan ang mga manunuod sa aking pagkawagi, sampo na lamang kaming natitira ganun pa din ang patakaran matira ang matibay at kung sino man ang mananalo ay kailangang labanan ang kampeon ng palaro.

Elliot

Nandito ako sa pinakatuktok ng arena kasama ang aking ama nanunuod sa pang huling yugto ng laban, dalawa sa mga kalahok ang masasabi kung malakas, isa dito ang lalaking masama kung makatingin at ang isa naman ung lalaking balot na balot. Sampo na lamang silang natitira, ayaw ko ng magpaliwanag sa mga nangyari sa walong kalahok dahil hindi naman sila malakas, dalawa na lamang silang natitira magiging maganda ang laban na ito.

Nagkatitigan muna silang dalawa na para bang kapag kumurap ka matatalo ka, unang sumugod ang lalaking nakakatakot tumingin na Tezuka pala ang ngalan, mabilis siyang kumilos at masasabi ko na sanay na sanay siyang lumaban, iwas lang ng iwas ang lalaking balot na balot na nag ngangalang Knight, mukhang mas mabilis siyang kumilos pero nataman si Knight sa mukha at natumba, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko kung bakit nasasaktan ako ng makitang nasaktan si Knight parang gusto kong suntukin si Tezuka sa ginawa niya, piniling ko na lamang ang aking ulo kung anu ano na ang naiisip ko naalala ko kasi ang babaeng pakakasalan ko sa tuwing titingin ako kay Knight pareho kasi sila ng mga mata. Sisipain na sana ni Tezuka si Knight ngunit gumulong ito para makaiwas, tumayo siya at agad na sumugod kay Tezuka napakabilis niyang kumilos hindi nakaiwas si Tezuka sa suntok at sipa ni Knight at nawalan ng malay. Ako ang huli niyang makakalaban, pero depende sa kanya kung gusto niya akong labanan dahil kahit hindi niya ako labanan makakakuha pa din siya ng isang daang ginto, dodoble ito kung lalaban siya saakin at mananalo, kung matatalo naman kalahati na lamang ang makukuha niya.

Knight

Madaya si Tezuka, hindi sana ako masusuntok kung hindi siya naghagis ng buhangin sa aking mukha, magaling sana madaya naman sa sobrang inis ko sinuntok at sinipa ko siya ng medyo malakas. Ako ang nagwagi sa patimpalak tinanong ako kung gusto ko pa labanan ang kampeon na prinsipe ng kaharian ito kahit gustuhin ko man tinatamad na ako at magagahol kami sa oras para makarating sa eskwelahan. Hindi na ako lumaban at kinuha na lamang ang aking premyo, palabas na sana ako ng arena ng may humawak sa kamay ko, yung lalaking natulala sa akin kahapon baka hihingi ng balato hindi naman ako madamot kaya binigyan ko ng isang ginto, mababasa sa kanyang mukha ang pagtataka hindi ko na lamang iyon pinansin at aalis na sana ako ng tinanong niya ako kung ako daw ba yung tumulong sa kanya kahapon tumango lamang ako, nagulat ako dahil bigla niya akong niyakap na para bang ayaw niya akong mawala.

Teka teka lang Ginoo, bakit ka nangyayakap, ganito ba magpasalamat dito, hindi siya sumagot bagkus niyakap niya akong muli hinayaan ko na lamang baka ganito magpasalamat sa lugar na ito. Pagkatapos niya akong yakapin ay nagsalita naman siya.

Ikaw ang babaeng papakasalan ko at nais na maging reyna ng bansang ito.

Nababaliw na ba ang lalaking ito, anong sabi niya magiging reyna ng bansa nila, siya ang prinsipe ng Pandora, hindi ko alam ang nangyari pero namalayan ko nalang na tumatakbo na ako paalis ng bansang Pandora, kinausap ko na lamang si Ashmir sa aking isipan na aalis na kami.

Ashmir, dalhin mo lahat ng gamit natin at aalis na tayo magkita nalang tayo sa labasan, magtelepot ka nalang.

Master may nangyari ba at nag mamadali tayo?

Sasabihin ko nalang sayo mamaya.

Elliot

Paalis na sana si Knight nung hinabol ko siya. Gusto ko lang sanang sabihin na gusto ko siyang makalaban at nung humarap na siya saakin ganun na lang ang lakas ng tibok ng puso ko, hindi ako pwedeng magkamali si Knight ang babaeng papakasalan ko pero ang akala ko lalake siya. Tinanong ko siya kung siya ba ang tumulong saakin at tumango naman siya. Niyakap ko siya ng mahigpit at sinabing papakasalan ko siya, nagulat nalang ako ng bigla siyang tumakbo hindi ko na siya hinabol dahil alam kung magkikita kaming uli kami ang nakatadhana para sa isa't isa.
Kami lang at wala ng iba pa.

 Si Knight at ang kanyang mga PrinsipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon