Chapter 11

113 5 0
                                    

Cole ang babaero

Cole

Alam ko na gwapo ako kaya maraming babae ang gustong gusto ako hahaha.

Bilang isang maginoong lalake dapat mong pagbigyan ang hiling ng mga binibini. Hindi ako mayabang sadyang mabait lamang. Diamer ang ngalan ng aming bansa mayroon itong limang bayan isa na dito ang Rimbos na aming tirahan. Ang aming bansa ay kilala bilang isang kaharian ng tubig dahil napapaligiran ito ng tubig. Wala kaming mga buntot o hasang tulad ng mga isda sadyang nakakahinga sa tubig ang mga nakatira sa aming bansa dahil meron isang prutas na may kakayahang makahinga sa tubig. Hindi literal na sa tubig nakatira ang mga nilalang dito sa Rimbos, may kalupaan pa rin naman dito pero mas malawak ang katubigan.

Ako nga pala si Cole ang lalaking bibihag sa iyong puso, ang aking kapangyarihan ay tubig kaya't para akong tubig, hindi ka mabubuhay ng wala ako hahaha.. iba na talaga pag gwapo
^_~

*dapat pala hangin nalang kapangyarihan mo, lakas ng dating mo parang bagyo...panira hehe

Totoo ang sinasabi ko hindi ba't isa ka sa nahuhumaling sa aking.

*oo nalang, gwapo mo ehh.

Hahaha sabi na nga ba, may lihim na pagnanasa ka saakin. Nagpapapansin lang si author alam niyo na gwapo tayo ehh.

Isa ako sa mga malalakas na estudyante sa paaralan na aking pinapasukan at sa lahat ng prinsipe ako ang pinaka gwapo, kita naman ang ebidensya hindi ba. Hindi ako masungit, malamig, o tahimik, isa akong gwapong gwapong prinsipe na mabait at laging nakangiti. Sa dami ng babeng may gusto sa aking wala pa akong iniibig dahil hindi ko pa nakikita ang babaeng bibihag sa aking pihikang puso. Dahil ayaw ko masaktan ang puso ng mga binibining nahuhumaling saakin pinapansin ko naman sila.

Isa ang bayang ng Rimbos sa bayan na masasabi kakaiba dahil napaliligiran ito ng tubig. Ang Rimbos ay kilala sa kanilang mga pagkain at halamang dagat na sa kanilang bansa lamang makikita. Ang kanilang kaharian ay nakatayo sa gitna ng karagatan masasabi na napakaganda nito at talagang malaki.

Si Haring Calium ang namumuno sa bansang ito at kilala siya na palaging nakangiti at sa pagiging mapagbigay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Si Haring Calium ang namumuno sa bansang ito at kilala siya na palaging nakangiti at sa pagiging mapagbigay. Mayroon siyang tatlong anak ang panganay na si Pearl dalawampong taong gulang kilala sa pagiging mataray pero pagdating kay Evans nagiging maamong tupa. Cole, labing siyam na taong gulang, mahilig sa babae pero maasahan sa anumang oras at ang bunso na si Paula, sampong taong gulang isang makulit na bata at tulad ng kanyang ama palangiti ito.

Knight

Nandito na kami sa bayan ng Rimbos sa bansang Diamer. Kakaiba ang kanilang bansa dahil napapaligiran ito ng karagatan at napaganda dito. May nabasa ako sa libro tungkol sa bansang ito, dito daw makikita ang isa sa pinakamasarap na pagkain at makikita lang ito sa pusod ng dagat, dahil mahilig ako sa pagkain kailangan ko matikman iyon. Naghahanap ako ng makakainan at tatanungin ko na rin kung meron silang espesyal na pagkain. Pumasok ako sa isang kainan na may kakaibang desinyo para akong nasa ilalim ng dagat.

 Si Knight at ang kanyang mga PrinsipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon