Chapter 10

131 7 0
                                    

Owen at si Ropus

Matapos ang ikwentro sa lalaking may kahel na buhok ay umalis na sila sa bansang Ghadia. Bago pa sila mapunta sa eskwelahang nais niyang pasukan dadaan pa sila sa pitong bansa. Una nilang madadaanan ang Bansang Faustia ito ang may pinakamalamig na klima sa lahat ng Bansa literal na nagyeyelo ang lugar pero sagana naman ito sa mga krystal kaya't isa ito sa pinakamayamang Bansa. Ang Faustia ay may pitong bayan isa na dito ang Galaphia na may pinaka malamig na klima sa lahat ng bayan. Dito nakatayo ang palasyo ng Faustia na pinamumunuan ni Haring Lucas na kilala bilang masayahing Hari kabaligtaran ng kanyang anak na si Owen, labing siyam na taong gulang at kilala sa pagiging malamig at bibihira kung magsalita. Kaya niyang komontrol ng yelo kaya't para siyang yelo sa lamig. Meron siyang kapatid na babae si Galia labing pitong taon gulang, katulad ng kanyang ama masayahin ito at likas na mabait.
Isa sa mga hinahangaang estudyante sa kanilang eskwelahan si Owen, kahit kakaiba ang ugali marami paring umiibig sa kanya isa na nga dito si Prinsesa Agatha, pero wala siyang pakialam sa mga babae ang gusto lamang niya ay matulog. Mayaman ang Galaphia sa mga palamuti (alahas) na nagtataglay ng iba't ibang abilidad o mahika pero isang beses mo lamang maaaring gamitin dahil limitado lamang ang taglay nitong mahika.

Knight

Nagyeyelo ang lugar na aming dinadaanan, hindi ko masasabi na malamig dahil para saakin normal lamang ang temperatura nito, habang naglalakad natatanaw ko ang palasyo na gawa sa krystal, mayaman talaga ang bansang ito sa mga mahihiwagang bato. Hindi naman lahat ng bahagi ng Galaphia ay nagyeyelo meron dito na pinoprotektahan ng mga krystal kaya't normal ang temperatura dito ito ay ang pamilihan ng bayan kaya't maraming dumadayo dito.

Master mas marami atang mga nilalang ang nandito kaysa sa Shinwa.  Ashmir

Ang krystal dito ay nagtataglay ng iba't ibang mahika at may mga abilidad. Nararamdaman ko ito dahil sa pwersang nilalabas ng mga ito. Ngunit limitado lamang ito depende sa uri ng  krystal, ito ang dahilan kung bakit ito dinadayo.

Ahhh..kaya pala

Hindi ko na sinagot si Ashmir, at naglilibot na lamang. Madami nga talagang nilalang dito. May narinig akong usapan dahil mukhang nagagalit ang binata sa isang tindero.

Ginoo, limitado lamang ang taglay na mahika ng isang krystal kaya't pinagbabawalan kami ng aming hari na magbenta ng krystal ng higit sa dalawa.

Wala akong pakialam basta't bigyan mo ako ng sampong krystal na nagtataglay ng kakayahang magteleport.

Hindi maaari Ginoo.

Hindi mo ba ako kilala, anak ako ng isang tien, wala na akong magagawa kung hindi pwersahin kang ibigay saakin.

Maglalabas na sana siya ng kanyang mahika ng mabilis kong tinusok ang kanyang batok ng karayom. Hindi mahahalata na ako ang may gawa dahil may kalayuan ako sa lalake pero mukhang napansin iyon ng tindero. Aalis na sana ako dahil pinagkakaguluhan ang lalake na ngayon ay nakahilata at walang malay ng tinawag ako ng tindero, matanda na siya dahil puti na ang buhok nito at kulubot na ang balat.

Ginoo, saglit lamang may nais lamang akong sabihin sayo.

Humarap ako sa kanya at tinitigan siya, napalunok naman ito at namumutla ang mukha.

Nahalata niya siguro na naiinip ako at walang balak magsalita.

Ah ano.. nais ko lamang sanang magpasalamat sayo, hindi man nila nakita ang nangyari batid ko naman na ikaw ang salarin sa nangyari at lubos ko iyong pinasasalamat. Bilang pasasalamt may ibibigay lamang ako sayo pwede bang sumama ka saakin?

Wala naman akong naramdaman na masamang aura sa kanya at tumungo nalang ako sa kanya.

Habang naglalakad kami salita naman siya ng salita.

 Si Knight at ang kanyang mga PrinsipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon