Chapter 12

127 6 2
                                    

Austin

Sa bansang Gatian naninirahan ang karamihan sa mga masasamang nilalang dahil dito makikita ang pinakamadilim at kinakatakutang gubat sa lahat ng bansa sa Entasia. Sa loob ng kagubatan makikita ang iba't ibang uri ng halimaw at isa na dito ang Ogre. Mayroong matibay na harang ang kagubatan kaya't hindi makakalabas o makakapasok ang sinuman kung hindi malakas ang iyong mahikang taglay.

Isa sa anim na bayan ng Gatian ang Olbik na pinamumunuan ni haring Cain. Masasabing sa lahat ng hari siya ang pinaka malupit at kinakatakutan. Ang Olbik ang siyang pundasyon ng Gatian dito nakatayo ang palasyo ng hari na mayroon nagiisang anak si Austin. Kilala sa pagiging tahimik subalit nakakatakot kapag nagsalita. Isa din siya sa mag aaral ng akademeya, na siyang kinakatakutan ng karamihan, at hinahangaan sa taglay na kakisigan. Si Austin ay may taglay na itim na mahika, isa sa pinakamalakas na mahika at ang kanyang abilidad ay ang makipag usap sa mga hayop, kaya't masasabing malapit siya sa mga hayop.

Knight Pov

Nandito kami ngayon sa Olbik sa bansang Gatian. Sa lahat ng bansang aking napuntahan ito na siguro ang pinaka maingay dahil sa mga nilalang na may kanya kanyang pinagkakaabalahan. Hindi ko masabi na nakakatakot sa bayan itong tulad ng mga naririnig ko, dahil para saakin napakaganda sa lugar na ito, bukod sa magagandang tanawin ay masasabi kong yayamanin ang bansang ito dahil sa mga pambihirang nilalang at sangkap na makikita dito. Nagbabalak akong pasukin ang Mandid, ang isa sa pinaka madilim at kinakatakutan kagubatan sa Entasia pero nagdududa ako dahil hindi ko ramdam na may panganib sa loob ng gubat.

Bago ko pasukin ang gubat naisipan ko munag maglibot sa bayan ng Olbik. Kumpara sa ibang bansa masasabi ko na mas malawak ito at kahit na maingay ang lugar hindi naman magulo. Nandito kami ngayon sa pamilihan para bumili ng makakain, malapit na maubos ang napanalunan kong kayaman sa paliksahan sa Baler, mukhang kailangan ko nanaman maghanap ng masasalihang patimpalak para kumita.

Master, meron po akong narinig na may isang mamamayan na nais magkakuha ng misia,

isa itong pambihirang bulaklak na kayang gumamot ng kahit anong karamdaman,

at magbabayad siya ng malaking halaga sa sinumang makakakuha nito.

Ashmir, nais kong makita ang nilalang na nag papahanap sa misia.

Naglalakad kami sa isang eskinita marami kaming kasabay sa paglalakad karamihan ay malalaking tao na may mga naglalakihang sandata, mayroon din naman mga normal katulad ko. Napadpad kami sa isang napakalaking bahay at masasabi ko na yayamanin ang nagmamay ari nito. Nasa harap namin ang isang lalaki na siguro ay katiwala sa mansyon.

Kayo ba ang mga nais makakuha ng misia, kung ganoon pumasok kayo sa loob at nag makausap kayo ng aking amo.

Pinapasok kami ng katiwala ng mansyon, at ang masasabi ko lang ay napakaganda talaga at napakalawak, nais kong tumawa dahil sa mga reaksyon ng aking mga kasama mga nakanganga at naglalakihang mga mata. Pinapasok kami sa isang malawak na silid higit kumulang nasa isang daan ang naririto. Lahat ay tahimik at nag aantay sa may ari ng mansyong na magpakita. Biglang bumakas ang pinto ng silid, pumasok ang katiwala at may kasama itong matandang lalaki. Lumapit ito saamin.

Nais kong malaman kung lahat kayo ang determinadong makuha ang misia. Alam niyo naman ang panganib na maari ninyong pagdaan sa kagubatan ng Mandid. At sa sino man makakakuha nito ay makakatanggap ng gatimpala at isang maalamat na sandata.  Sabi ng matanda na nagpapahanap ng misia, hindi man lang nagpakilala.

Bakit nyo nais makuha ang misia Ginoo. Tanong ng isang lalaking mukhang normal dahil wala akong maramdamang mahika sa kanya.

Alam nyo kung ano ang mahika ng misia, kailangan ito ng aking apo. Mayroong lamang kayong dalawang araw para makuha ang misia, at sana may makakuha sa inyo.

 Si Knight at ang kanyang mga PrinsipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon