IBERIA AT SI HALE
Knight
Umalis na kami sa bayan ng Pandora baka habulin pa ako ng lalaking baliw na yon. Kweninto ko kay Ashmir lahat ng ginawa at sinabi ng lalaking baliw at anak ng lobo naman talaga tinawanan ako.
Haha master sabi ko diba may gusto ang prinsipe ng Pandora sa inyo mukhang may dalawang prinsipe kayong nabihag, ilan pa kaya ang dadagdag hahaha.
Lahat nalang kilala ng lobong ito.
Tigilan mo na ako Ashmir kung hindi tatawagin ko si Kanser para gupitin iyang dila mo.
Hehe nagbibiro lamang ako master, hindi mo na kailangan tawagin ang mukhang Alimango na yun.
Isa sa kapanyarihan ko ang kumontrol ng celestial spirit, hindi ko na muna sasabihin ang iba ko pang kapangyarihan.
Malapit na sila sa susunod na bansa ang Iberia, katulad ng Pandorama hindi kalakihan ang Bansa pero sagana naman ito sa pagkain. Ang Iberia at may limang bayan at ang Shinia ang pinakamalaking bayan, dito nakatayo ang kanilang palasyo na pinamumunuan ni haring Yamato ang tinaguriang pinakamabait na hari sa buong Entasia, isa lamang ang kanyang anak si Hale, mahilig kumain at may pagka isip bata pero mabuting prinsipe, isa din sa pinakamalakas na estudyante sa kanilang eskwelahan, maraming humahanga sa binata dahil sa kagwapuhang taglay subalit ayaw pa niyang umibig, may kasabihan nga siya " ang pag ibig darating sa tamang panahon, basta pag dumating huwag mo nang pakawalan pa". Malakas ang taglay na kapangyarihan ng prinsipe kaya niyang magpagaling ng may mga karamdaman at kaya niya din pumatay, may kakayahang siyang kontrolin ang lason, isa ito sa pinaka mapanganib na mahika. Ang bayan ng Shinia ay maituturing na sagana sa pagkain pagkat pagsasaka ang kinabubuhay ng mga tao sa bayang ito, sila ang nag bibigay ng pangkonsumo sa ibang bansa.
Nandito ako sa itaas ng puno nagpapahinga nakakapagod maglakbay, Habang nasa taas ako ng puno meron akong natatanaw mukhang madami nanaman mga mangangalakal. Nakikipagpalitan sila ng produkto kapalit ng kanilang dala dalang produkto. Nagugutom na ako sa haba ng nilakad namin, naglalakad kami sa pamilihan ng Shinia pumasok ako sa isang kainan na mukhang dinadayo dahil sa dami ng kumakain.
Ginoo, nais mo bang subukan ang aming palaro, kapag naubos mo ang isang malaking palayok ng ginadgad (gawa-gawa lamang yan hehe) sa loob ng limang minuto libre na ang lahat ng iyong kakainin, kapag hindi naman magbabayad kayo, nais mo bang subukan, isa pa lamang ang nagtagumpay sa aming palaro at iyon ay ang aming prinsipe. ang sabi ng lalaki sa kanya.
Ahmm..mukhang libre ang aking kakainin ngayong araw, tinanguan ko lamang ang lalaki at dinala kami sa isang lamesa na may isang malaking palayok na may lamang ginadgad, wow mukhang masarap at kulang pa para sa akin ang isang palayok.
Sinimulang kong kumain, at tatlong minuto lamang naubos ko na ang isang palayok, gusto kong tumawa sa itshura ng lalaki nanlalaki ang mga mata at nakanganga pa. Dahil nanalo ako sa kanilang pakulo libre lahat ng kakainin ko kaya't sinulit ko na ang libre minsan lamang ito mangyari habang kumakain ako may pumasok na lalaki, mukhang kilalang kilala siya dito dahil lahat ng taong nandito binabati at ginagalang siya pero wala akong pakialam dahil abala ako sa aking pagkain. Lumapit saakin ang lalaki at sinabing hinahamon niya ako sa pabilisang maubos ang ginadgad dahil hindi daw siya makakapayag na may nakatalo sa kanya sa pabilisang kumain ng ginadgad, nakakairita naman itong lalaki na ito alam na kumakain ang tao ehh, istorbo naman ohh.. bukas daw kami maglalaban pag hindi ako pumunta lagot daw ako sa kanya ayaw ko ng gulo kaya tumango nalang ako. Ahh diba sinabi ng lalaki na prinsipe nila ang nagiisang nakaubos ng ginadgad siya pala ang prinsipe nila para namang bata.
Naglilibot ako sa kanilang pamilihan mukhang marami akong mabibiling masasarap na pagkain dito, maraming nagtitinda ng pagkain at merun din namang mga sandata at isang sandata ang nakaagaw ng pansin sa aking isa itong punyal may kalumaan na pero masasabi kong hindi ito ordinaryo, binebenta lamang sa mababang halaga kaya't kinuha ko na, isa ito sa mga pambihirang sandata kasama na ang pana na nabili ko sa Shinia, nabasa ko ito sa isa sa mga libro ni Tandang Mangkukulam mayroong pitong pambihirang sandata na may kakaibang mahika at hindi alam kung saan na ito napadpad meron itong palatandaan na kalahating buwan kakaunti lamang ang nakakaalam nito.
Kung ang aking pana ay may iba't-ibang taglay na mahika ganun din ang punyal ito ay may kakayahang maglabas ng apoy, at manghigop ng mahika.Master, mukhang gusto ka maging master ng mga pambihirang sandata. At pustahan tayo kapag nakita ang iyong mukha ni prinsipe Hale mahuhumaling din sa iyo yon.
Sino nanaman si Hale?
Siya iyong lalaking nasa kainan kanina na naghahamon ng laban hahaha.
Aissst tantanan mo ako sa mga kalokohan mo Ashmir.
Kinabukasan, pumunta na ako sa kainan at nadatnan ko ang isip batang prinsipe na mukhang inip na inip na kaaantay hahaha.
Buti naman naisipan mo pang dumating, bago magsimula ang laban gusto ko magpakilala sa iyo ng pormal ako nga pala si Hale ang prinsipe sa bansang Iberia at ikaw ano ang iyong pangalan? Pwede ba ipakita mo ang iyong mukha.
Knight
At aking tinanggal ang balabal na bumabalot sa aking mukha
♡_♡
Ganyan ang kanyang mukha parang nakakita ng paboritong pagkain.
Mahal kita binibini, pwede bang akin ka nalang.
Anak ng lobo naman
Ano bang nakain ng isip bata ng ito. Tatalikuran ko na sana siya ng muli nanaman siyang nagsalitaMay paliksahan pa tayo na dapat tapusin, kapag ako ang nanalo papayag kang magpakasal sa akin at kapag ikaw ang nanalo ibibigay ko sa iyo anuman ang hilingin mo.
Wala na akong magagawa, pumayag ako sa kalokohan niya, mas malaking palayok ang ginamit ngayon sa aming laban at mas maraming ginadgad ang aming dapat na makain sa loob ng limang minuto masasabi ko na may laban ang prinsipe pero hindi niya ako matatalo, ako ang nagwagi sa laban sa loob lamang ng apat na minuto naubos ko na ang ginadgad siya naman ay limang minuto.
Natalo man ako ngayon pero hindi ako magpapatalo kung ikaw ang premyo, akin ka lang binibini, ako si Hale ang prinsipe ng Iberia nangangako na si Binibining Knight ang babaeng aking magiging reyna..
Ohhh teka lang mahal, huwag mo akong iiwan.Bago pa man matapos ang mga wala niyang kwentang sinasabi ehh tumakas na ako at ang magaling na lobo na ito pinagtatawanan lang ako anak naman talaga ng lobo ohh anu nanaman ang napasok kung gulo.
Hale
Pumunta ako sa kainan na madalas kung kainan at gusto ko uli subukan ang kanilang pakulo gusto kung matapos ito sa mas mababang oras. Pero pagdating doon ay masamang balita agad ang aking nalaman may nakatalo na sa oras ko sa pagkain ng ginadgad hindi ako papayag kaya naman hinamon ko ang misteryosang nilalang dahil balot na balot, mata at kanyang bibig lamang ang kita.
Kinabukasan maaga pa lamang nasa kainan na ako at nag aantay sa aking makakalaban. Ilang oras na akong nagaantay at wala pa rin siya, konti na lang at lalasunin ko na talaga yun. Sa wakas dumating din siya agad akong nagpakilala at tinanung siya na kung pwede niyang tanggalin ang kanyang balabal at ganun nalang ang kabog ng dibdib ko ng makita ko ang kanyang mukha at masasabi ko lang na hulog siya ng langit para saakin.
Mahal kita binibini, pwede bang akin ka nalang.
Hindi ko alam kong anung nararamdaman niya dahil wala lang emosyon ang kanyang mukha, aalis na sana siya ng sinabi ko ang dahilan kung bakit siya nandito, sinabi ko na kapag ako ang nanalo magiging akin siya at kapag siya ang nanalo kahit anu ang hilingin niya ibibigay ko. Hindi ako pwedeng matalo dahil ayokong mawala sa aking ang babaeng mahal ko, pero hindi ganun ang nangyari natalo ako sa kanya. Ang dami kong sinabi sa kanya pero hindi niya na ako pinakinggan at tuluyan na siyang umalis.
Hindi kita hahayaang mawala saakin Binibini, kahit ang pinaka masarap na pagkain ipagpapalit ko para lamang sayo.
BINABASA MO ANG
Si Knight at ang kanyang mga Prinsipe
FantasyLumaki sa gubat kasama ang makapangyarihang mangkukulam, bata pa lamang nakitaan na ng kakaibang lakas at kapangyarihan. Maglalakbay upang mahanap ang kanyang tunay na pagkatao, sa kanyang paglalakbay nakilala niya ang mga prinsipe ng iba't ibang ba...