Chapter 14

128 4 2
                                    

Von

Dumaan muna si Knight sa Bayan ng Cantor bago siya tumungo sa susunod na bansa ang Linka na kilala bilang matalinong bansa. Sa Cantor nakilala niya si Prinsipe Kira ang nasa isip ni Knight ng mga panahon kausap si Kira ay napaka daldal nito at istorbo pero hinayaan niya na lamang dahil nagugutom na siya. At pag pagkain ang usapan walang pakialam si Knight kahit sino pa ang kaharap.

Patungo na sila ngayon sa Linka na pinakamaliit na bansa sa lahat sa Entasia. Maliit mang bansa ang Linka ay maunlad at payapa sa bansang ito, karamihan sa mga mamamayan ng bansa ay matatalas ang pag iisip. Ang namumuno sa bansang Linka ay si Haring David na kilala bilang pinaka matalinong hari sa Entasia kaya't ang ibang hari ng ibang bansa ay minsan ng hihinge ng payo sa kanya. Mayroong siyang nag iisang anak na si Von labing siyam na taong gulang, kilala bilang tahimik, at palaging nagbabasa ng libro, siya ang pinaka matalinong estudyante sa eskwelahang pinapasukan at pinaka weirdo para sa ibang prinsipe dahil bibihira mo lang itong marinig magsalita, hinahangan naman ng mga kababaihan dahil sa taglay na karisma, isa din siya sa pinaka malakas na estudyante, ang kanyang taglay na mahika ay salamangka o spells katulad ng kay Knight na may kakayahan din sa spells mas bihisa nga lang si Knight dahil kahit hindi niya na ito bigkasin at sa utak lamang sabihin ay magagawa niya hindi katulad ni Von na binibigkas pa ang mga salita.

Knight Pov

Kumpara sa Ishim napakaliit lang ng Linka, nandito kami ngayon sa siyudad ng Linka ang Petalia, ang sabi nila dito daw mabibili ang mga kakaibang bagay dahil sa lahat ng bansa sa Entasia dito karamihan naninirahan ang mga matatalinong mamamayan kaya maraming bagay ang nandito na nakakamangha. May mga kakaibang bagay din na ibinibenta tulad ng gamot o potion, gamot para mahalin ka ng isang tao, gamot para mag palit anyo, at marami pang iba, ang lahat ng binibenta nila ay walang masamang epekto o hindi sila nagbibenta ng mga pinagbabawal na gamot na makakasama sa iinum ng gamot. Pansin ko na maraming nilalang ang dumadayo dito karamihan mga binibini at binatang Ginoo. Nakakaaliw pagmasdan ang kanilang paninda nakakamangha dahil bago lamang ito saaking paningin. Habang naglalakad sa pamilihan maraming tindero at tindera ang nag aalok sa aking ngunit wala naman akong makitang bagay na aking nagugustuhan maliban sa isang bagay para ata ito sa mata kasi may dalawa itong bilog tapos may kawitan, hindi ko maintindihan pero parang gusto ko ang bagay na ito.

Ginoo, nais mo ba ang salamin ito. Nilahad niya saakin ang kanina ko pa tinitignan pero salamin, ang akala ko para ito sa mata para pala sa mukha. Wala na sana ako balak ngunit
Ginoo, salamin nga ito pero para ito sa mata, ganito yan ilalagay mo siya sa iyong mata kung masyadong malabo o masyadong malinaw ang iyong mata, may mahika itong taglay para manatilihing maayos ang iyong paningin. hinihingal niyang sabi, gusto kong tumawa dahil saaking nalaman, ang buong akala ko salamin ito para sa mukha hehe.. tumango ako sa ale bilang pag bili ng salamin sa mata, magagamit ko ito balang araw. (Si Knight po kasi ay lumaki sa gubat kaya konti lang ang alam niya sa kakaibang bagay. hehe)

Bibili ka ba Ginoo? 3 pilak lamang. Inabutan ko siya ng isang ginto at bigla nalang umalis, balak niya pa akong habulin pero sinenyasan ko na sa kanya nalang ang natitirang barya. Tuwang tuwa naman ang ale at nagtatalon pa habang umiiyak.

Master, bakit mo binili ang bagay na iyan, hindi naman malabo ang iyong paningin, kung pag uusapan ang linaw ng iyong mga mata ay napakatalas ng mga ito pero kaya mo naman itong kontrolin. Mahabang pahayag ni Ashmir sa aking isipan.

Natuwa lamang ako sa salamin na ito, malay mo magamit ko ito sa hinaharap. Tumango lamang sa aking si Ashmir at natulog na saaking ulo, mukhang napagod siya dahil sinakyan ko siya papunta dito sa bansang Linka galing sa Ishim.

Patuloy lamang ako sa paglalakad at tumitingin sa mga  bagay, bukod sa bago ito saaking paningin ay naaaliw pa ako dahil nakakabilid ang mga bagay na nandirito.

 Si Knight at ang kanyang mga PrinsipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon