Chapter 7

125 9 5
                                    

Cilobia at si Evans

Knight

Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit may mga baliw na Prinsipe ang mundong ito, nakakaawa ang kanilang Bansa kung sila na ang mamumuno.

Master, hindi mo ba alam ang salitang pag-ibig, pag tinamaan ka maari kang mabaliw hahaha.

Kung mababaliw lang din naman ako hindi na lang ako iibig.

Hahaha, sigurado ka ba diyan master, alalahanin mo may mga prinsipe na handang mag away para sayo.

Mga baliw ang mga iyon, una ung lalaking magulo ang buhok (si Marshall) natulala nalang bigla, at nabasa ko sa isip niya na papakasalan niya daw ako kapag nagkita kami hindi na ako magpapakita dun. Pangalawa ung may pulang buhok (si Elliot) sinabi niya na ako daw ang magiging reyna ng Bansa nila baliw nga talaga hindi naman siya Hari para maging reyna ako.
At ung isip bata (si Hale) isa pang baliw, gusto pa akong gawing pag aari niya hindi naman ako pinag bibili. Hindi na kami magkikita ng mga baliw na yun.

Hahaha, nakatadha na makikita mo silang muli master, at madadagdagan pa yan.

Hindi ko nalang sinagot si Ashmir at umiling nalang. Hindi ko talaga maintindihan ang mga baliw na yun.

Nasa bansa na sila ng Cilobia na may anim na bayan isa na dito ang Kirab na kilala sa pambihiring galing sa pangangso. Ang Cilobia ay pinamumunuan ni Haring Etos na kilala sa pagiging hunter at mayroong dalawang anak sina Evans at Agatha. Si Evans ay dalawampong taong gulang kilala bilang seryoso at ayaw lumaban kung hindi naman kinakailangan, ang kanyang mahika ay kayang komontrol ng espiritu katulad din ng kay Knight ang kaibahan lamang ay kinakailangan niya pa ng card at malakas na pangangatawan para makatawag ng malakas na espiritu habang kay Knight naman hindi na kinakailangan pa ng card dahil siya ang kinikilalang master ng mga espiritu, isa din si Evans sa mga hinahangaan na estudyante dahil sa taglay na gwapuhan, Agatha labing pitong taong gulang hinahangaan dahil sa kanyang kagandahan at kabaitan may lihim na pagtingin kay Prinsipe Owen.

Balak namin pumunta sa bayan ng Kirab ngunit pagod na akong maglakad kaya naisipan ko gamitin si Ashmir, isa sa mga kakayahan ni Ashmir ang lumipad, habang nasa himpapawid tanaw ko ang kagandahan ng Cilobia mayroong itong napakalawak na kagubatan at sa loob nito ay may mga mababangis at kakaibang hayop. Malapit na kami sa Kirab naisipan ko na bumaba sa loob ng gubat dahil baka may makakita kay Ashmir sa kanyang totoong anyo. Napakalawak ng kagubatan ito maraming hayop na nananinirahan, may kakayahan akong makipag usap sa mga hayop at mag paamo kaya hindi sila umaatake saamin. Habang naglalakad may nararamdaman akong malakas na presensya palapit ito ng palapit saakin may kakaiba lang dahil kilala ko kung kaninong presensya ito at hindi ko naman siya tinawag.

Magandang umaga master. bati saakin ni Taurus.

Anong ginagawa mo dito Taurus. tanong sa kanya ni Ashmir.

Pinapabantayan ng prisipe ang gubat Ashmir.

Ahhmm siya ba ang may kakayahang tumawag ng mga espiritu, bakit ka nandito at hindi mo siya samahan dahil siya ang tumawag sa iyo.

Ou nga naman Taurus, bakit ka nandito baka hanapin kana ng Prinsipe.

Master, nararamdaman ko po kasi ang presensya nyo kaya pinuntahan ko kayo at si Prinsipe Evans naman po ay natutulog nais niya lamang na bantayan ko ang kagubatan habang natutulog siya.

Ganun ba, tamad pala ang prinsipe, kamusta naman ang mundo ng mga espiritu, matagal ko ng hindi nadadalaw ang mundo niyo. tumawa naman ang dalawa sa aking sinabi.

Maayos naman po ang mundo namin, at nais po kayong makita na mga kapwa ko espiritu.

Masyado pa akong abala ngayon, sa mga susunod na araw dadalaw ako. Bumalik ka na  dun sa tumawag sayo.

Umalis na si Taurus kaya't pinagpatuloy na namin ang aming paglalakad palabas sa kagubatan. Malapit na sana kami sa bukana ng gubat ng may napansin ako na mga tao na mukhang nagkakasiyahan sa pangangaso hindi ko na lamang pinansin at tuluyan na akong lumabas.

Sa labas pa lamang tanaw na ang palasyo ng Cilobia napakalaki nito at napaganda masasabi na mayaman ang bansang ito. Habang naglalakad sa bayan ng Kirab naririnig ko ang usapan ng mga tao tungkol sa gaganaping paliksahan sa pangangaso at meron din silang panauhin mula sa ibang bansa hindi ko alam kung anung bansa at ang mag wawagi ay magkakaroon ng gantimpala at isa itong itlog na kasing laki ng pakwan nais kong sumali dahil gusto ko malaman kung anu ang laman ng itlog at gusto ko maranasan kung paano mangaso ang mga taga Kirab. Pumunta ako sa tagapangasiwa ng paliksahan para malaman kung paano sumali simple lang ang patakaran matira ang matibay pwede mong kalabanin ang kapwa kalahok pero bawal ang pumatay isa lamang ang dapat hulihin at ito ang ibong bagwis isa sa pinaka malakas at mabilis na ibon. Kailangan nasa tamang edad ka bago makasali at bawal gumamit ng mahika tanging sandata lamang ang dapat gamitin. Bukas gaganapin ang laban at mukhang marami ang balak sumali isa na dito ang mga kilalang hunter tulad ni Ichino na walang nakakaalam  kung sino dahil misteryoso ito katulad ko balot na balot din at tanging mata lamang ang kita.
Bukas pa naman gaganapin ang paliksahan kaya naisipan ko muna mamasyal sa Kirab katulad din naman ito sa mga unang bayan na napuntahan ko simple pero maayos naisipang kung maghanap ng makakainan at napadpad ako sa isang maliit at mukha naman maayos, mukhang masasarap lahat ng pagkain nila kaya punong puno ang lamesa na inuukupahan ko sarap na sarap ako sa kinakain ng may istorbo nanaman lumapit saakin bakit ba sa tuwing kumakain ako may asungot na darating.

Ginoo, nais ko sanang bilhin ang pagkain na ito naubos na kasi ang paninda nila binili mo daw lahat maari ba? Sabi ng lalaking asul ang buhok.

Hala ka, un pa naman ang gustong gusto ko sa lahat ng kinuha kong pagkain. Ayaw ko sanang ibigay kaya lang baka magalit at dayo lamang ako dito tumango lamang ako sa kanya at magbibigay pa sana siya ng isang ginto pero hindi ko tinanggap tumango lamang siya, bakit ba hindi pa rin umaalis ang lalaking may asul na buhok na ito anu pa ba ang kailangan niya baka naman gusto pa niyang makikain saakin nahihiya lamang siyang magsabi. Aalokin ko na sana siya ng bigla siyang magsalita anu ang iyong pangalan Ginoo?

Knight

Sasali ka ba sa gaganaping palaro ng aming bayan? Bakit ba ang dami niyang tanung tumango lamang ako at pinagpatuloy ang pagkain hindi pa rin siya umalis kaya tinanung ko siya may kailangan ka pa ba? Hindi niya ako sinagot bagkus nagsalita nanaman siya nakakahinga ka pa? Ehh buhay pa kaya ako kaya nakakahinga pa ako tumango lamang ako tumayo na lamang siya at umalis nahihiya siguro magsabi na gusto niya rin kumain.

Evans

Nakakainis si Agatha pasalamat siya at kapatid ko siya kung hindi ipapadala ko un sa kabilang mundo utusan ba naman ako bilhin ang paborito niyang pagkain hindi niya ako katulong kaya dapat hindi niya ako inuutusan. Kagagaling ko lamang sa gubat natutulog ako sa taas ng puno ng may naramdaman ako na malakas na presensya mukhang nanggagaling ito sa taas tumingala ako at nagulat sa aking nakita isa sa pinapangarap ko na magkaroon at isa sa mga pambihirang hayop ang lobo na may siyam na buntot pero may nagmamay ari  na sa kanya nakasakay ito sa lobo delikado ang lobo at nagmamay ari dito kung nandito sila sa bayan kaya tinawag ko ang isa sa mga pinakamalakas kong card si taurus para bantayan ang gubat at panatilihing tahimik habang natutulog ako.

Pagkapasok sa kainan bibili na sana ako ng pagkain ng matanaw ko ang misteryosong nakasakay sa lobo kumakain at punong puno ang kanyang lamesa ang takaw naman nito. Bibili na sana ako pero sabi ng tindero naubos na dahil binili lahat ng misteryosong nilalang hindi ako pwede umuwi ng walang dala kaya lumapit ako sa kanya at nagtanung kung pwede kong bilhin ang paboritong pagkain ni Agatha habang kausap ko siya nakatitig ako sa kanyang mga mata ang ganda ng abuhin niyang mga mata ang sarap titigan at parang ang gaan ng pakiramdam ko pagdating sa kanya nais kong makita ang kanyang mukha pero mukhang ayaw niyang ipakita umalis na lang ako dahil ayaw ko ng ganitong pakiramdam.

Sasali siya sa gaganaping paliksahan mukhang maganda ang magiging laban ngayong taon at sisiguraduhin ko yan.

Knight huh..

Ang gandang pangalan
Ang gandang Binibini

Knight

Naglalakad ako pabalik sa aking silid tuluyan ng may makabangga ako nahablot niya ang panakip sa aking mukha kaya nalantad ang aking mukha hindi ko napansin ang kanyang reaksyon dahil may balot ang kanyang mukha tumakbo na lamang ako dahil baka may makakita pa saakin sa ganitong ayos, ang alam ko siya si Ichino ang lalaking kilala bilang hunter pero walang nakakaalam kung sino siya at kailangan ko na siyang iwasan at pagkatapos ng laban hindi na dapat kami magkita pa.

 Si Knight at ang kanyang mga PrinsipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon