Shaun
Ropus Pov
Patungo kami sa bayan ng Laar sa bansang Helia. Marami na kaming pinagdaan nila Master sa sobrang dami nakalimutan ko na hehe. Ako nga pala si Ropus ang pinakamagandang ibon sa buong Entasia. Si master, isa siyang tahimik, malamig, at syempre napaka ganda. Isa sa katangian ni master ang pagiging makakalimutin sa mga taong nakakasalamuha niya, hindi ko alam kapag nakita niya ulit ang mga prinsipe ay makikilala niya pa ang mga ito, pasensyahan nalang sa mga prinsipe, batid namin ni Ashmir na iniibig nila ang aming master pero masyadong inosente ang pag iisip ni master kaya kapag nag tapat ang prinsipe sa kanya, iniisip ni master na nababaliw ang prinsipe. Isa pa sa kinatutuwa ko kay master, ang nakikilala niya ay tinatawag o binibigyan niya ng ibang ngalan. Kahit na malamig mag salita si master napakabuti naman nito at maasahan sa anumang oras. Kung ako ang papipiliin kung sino ang babagay sa aming master eh si prinsipe Austin ng Ishim dahil malapit siya sa mga katulad ko, nakakausap at inaalagaan niya ang mga hayop pati narin ang tirahan nito. Kay Ashmir naman ay si prinsipe Gray, ang sabi niya mabait daw kasi at simple lang ito. Hindi pa ako nabibiyak ng mga panahon nakilala nila si prinsipe Gray kaya hindi ko siya kilala.
Magbalik tayo sa bansang Helia. May kalakihan ang bansang ito at tinaguriang pinaka mainit na bansa. Ang Helia ay may siyam na bayan isa na dito ang Laar na pinakamainit na bayan sa Helia. Si haring Asmo ang namumuno sa bansa na maituturing na pinaka tahimik na hari. Siya ay may apat na anak, ang panganay na si Shaun, isa siya sa pinakamalakas na estudyante sa kanilang akademeya, labing siyam na taong gulang, kilala sa pagiging mainitin ang ulo, at ayaw na ayaw niyang natatalo. Ang kanyang kapangyarihan ay apoy kaya naman para siyang apoy kung magalit ay nagliliyab, hinahangaan sa taglay na gandang lalaki pero wala naman pinapansin bagkus sinasamaan niya pa ito ng tingin, para sa kanya sakit sa ulo lamang ang mga babae. Ang pangalawang anak na si Stella, labing walong taong gulang, kilala sa pagiging masungit at ayaw makitang may nagpapansin o lumalapit kay Prinsipe Cole, dahil para sa kanya, kanya lamang ito. At ang bunsong kambal na sina Sean at Lean, sampong taong gulang.
Knight Pov
Ang lugar ng Helia ay masasabi kong pinaka maiinit na bansa sa buong Entasia. Matatagpuan kasi dito ang talon ng lava, at napakarami rin disyerto dito kaya naman talagang mainit sa lugar na ito. Dito din daw makikita ang mga dragon sa Entasia, at gusto kong makakuha ng dragon. Nandito kami ngayon sa bayan ng Laar, naglilibot lamang kami, may bahaging maiinit ang temperatura meron din naman hindi, dahil may mga nilalang na hindi kayang tiisin ang init, kaya gumawa ang hari ng paraan para hindi lahat ng bahagi ng bansa ay maiinit, sa tulong narin ni haring David ng Linka. Nabasa ko lamang ito sa libro ni tanda. Habang naglalakad ay may nasalubong kaming matandang lalaki na parang matutumba na sa paglalakad, bago pa ito tuluyang matumba ay nasalo ko na ito, pupungay pungay ang mga mata nito ng aking titigan, magsasalita na sana ito ng bigla na lang nakatulog. Balak ko sanang ihatid kung saan man ito nakatira pero hindi ko naman alam kung saan ito ihahatid, ng biglang may sumulpot sa aking harap na Ale.
Ahh.. ehh, Ginoo, pasensya ka na kay Ginoong Isko, nasobrahan na naman siguro ng inom ng alak. Sabi ng Ale sa akin, kilala niya ang matandang aking buhat.
Ginoo, pasensya ka na talaga pero maari mo ba siyang ihatid sa kanyang tahanan, nasa tuktok ito ng bundok. Itinuro niya saakin kung saang bundok ang tahanan nito. Huwag kang mag alala, normal naman ang temperatura sa bahagi na yon. Tumango lamang ako sa kanya, sabi pa ng Ale, kaibigan niya daw ito at wala na daw siyang lakas para umakyat ng bundok. Ayos lang naman saakin kasi baka makakita ako ng dragon.
Isinakay ko siya sa likod ni Ashmir ng nasa paanan na kami ng bundok. Itinali ko nalang ito para hindi mahulog habang si Ropus naman ay lumilipad sa aming tabi. Hindi pangkaraniwan ang bundok na ito, para itong bundok na may nag mamayari. Ganito din ang naramdaman ko sa gubat ni tandang mangkukulam. Malapit na kami sa tuktok ng bundok ng may nagpakitang halimaw. Hindi ba ako tantanan ng mga halimaw lagi nalang, ahmm isa itong malaking halimaw, meron itong dalawang pangil, may dala rin itong malaking pamukpok.
BINABASA MO ANG
Si Knight at ang kanyang mga Prinsipe
FantasyLumaki sa gubat kasama ang makapangyarihang mangkukulam, bata pa lamang nakitaan na ng kakaibang lakas at kapangyarihan. Maglalakbay upang mahanap ang kanyang tunay na pagkatao, sa kanyang paglalakbay nakilala niya ang mga prinsipe ng iba't ibang ba...