Chapter 4

141 8 1
                                    

Pandora at si Elliot

Naguguluhan si Knight kung bakit natulala na lamang ang lalaking tinulungan niyang makatayo. Magara ang kanyang kasuotan masasabing mayaman, ang kanyang taas ay may anim na talampakan, asul ang kanyang mga mata at itim na itim ang kanyang magulong buhok.

Bakit ba natulala iyong lalaki Ashmir tanong niya sa alaga.

Master, nahumaling iyon sa inyong kagandahan.
At mukhang prinsipe iyon ng kaharian ng Hitsu, magiging reyna ka pala sa hinaharap hahaha.

Hindi na lamang niya pinansin ang sinabi ng kanyang alaga. Isang linggo ang kanilang nilakbay hanggang sa makarating sa Bansang Pandora, sa isang linggo ng kanyang paglalakbay, masasabing naging payapa ito, maganda ang bansang Hitsu tahimik at maayos, may ilan din naman silang nakasalubong na mababangis na hayop, ngunit titig pa lang niya ay talo na ang mga ito.

Patungo na sila sa bayan ng Baler sa Bansang Pandora, kilala ang bansang Pandora sa kanilang lakas sa pakikipaglaban, hindi man ganun kahusay sa sandata, pagdating sa mano-manong laban ay kilang kilala ang Bansang Pandora. Mayroon anim na bayan ang Pandora, isa na dito ang bayan ng Baler, dito makikita ang kanilang palasyo na pinamumunuan ni Haring Gideon, kilala ang hari dahil sa kasimplehan nito, pero may pagka istrikto ito. Mayroon itong tatlong anak, ang panganay na si Elliot, labing siyam na taong gulang, at ang kambal na si Payne, at Wayne tatlong taong gulang.

Taon taon ay nagkakaroon ng paliksahan sa palakasan ang kaharian, maaaring sumali ang lahat ng nais sumali, kasali din dito ang prinsipe na si Elliot na tatlong taon ng kampion.

Si Elliot ay prinsipe ng Pandora, malakas, makisig, magandang lalaki pero napaka sungit, isa din siya sa pinakamalakas sa eskwelahang pinapasukuan, maraming babae ang nagkakagusto sa prinsipe pero wala man lang siyang pinapansin kahit isa, ang kanyang kasabihan pagdating sa pag ibig  ay "unang tingin ko pa lamang sa kanya at tumibok ang aking puso ay siya na ang aking mapapangasawa". Kaya niyang komontrol ng lupa, kayat siya'y napakalas na parang isang matigas na bato.

Knight

Naglalakad ako sa bayan ng Baler, nais kong libutin ang buong Pandora bago ko lisanin ang bansang ito. Habang naglalakad ako kasama si Ashmir na natutulog sa aking balikat,may napansin akong pinag kakaguluhan ng mga tao malapit lamang ito sa prisento ng mga kawal ng palasyo, mayroon nakapaskil doon tungkol sa gaganaping palakasan, ang nasabing magwawagi ay magkakamit ng isang daang ginto. Malaki laki ang makukuha kung premyo kung sasali ako, wala na akong ginto, puro pilak nalang ang natira dahil sa kabibili ko ng mga bagay bagay na bago saaking paningin at syempre ang aking pagkain, pwede naman sumali kahit sino basta't nasa tamang edad ka.
Pumila ako para makasali sa patimpalak, ang haba naman ng pila, karamihan mga lalake na malalaki ang katawan, meron din ilang mga babae na masasabi ko na mayroon ding ibubuga. Malapit na ako sa unahan ng mayroong sumingit na malaking tao, parang malaking bato na tinubuan ng mukha hahaha ang sagwa naman.

Hoy bata, ako muna ang mauuna di hamak na mas malakas ako sayo, sa payat mong iyan unang round palang maaalis ka na. sabi ng lalaking mukhang bato.

Ang yabang naman ng lalake na ito, pigilan mo ako master tutustahin ko ang lalaking bato na iyan sabi ni Ashmir, na mukhang nagising dahil sa ingay ng lalaking bato.

Hayaan mo na siya Ashmir, ayokong gumawa ng gulo. mahinahon kung sabi.

Opo master, Ashmir na muling natulog.

Hinayaan ko na lamang ang lalaking bato na ito para walang gulo, sa wakas tapos na din ako, pangalan lang ang tinanong at edad, napagkamalan na naman akong lalake. Bukas na gaganapin ang nasabing palakasan kaya't kailangan ko ng magpahinga.

Naghahanap ako ng bahay paupahan malapit lamang sa pag gaganapan ng patimpalak. Habang naglalakad ako ay may lalakeng tumatakbo bitbit ang isang supot na naglalaman ng ginto, paano ko nalaman na ginto, isa sa aking mahika ang magkaroon ng pambihirang mata, hinahabol ito ng isang lalaking pula ang buhok, mukhang magnanakaw ang lalaking ito, sa dami ng tao sa bayan mahihirapan siyang huluhin ito, ayaw ko sa lahat ay may naaagrabyado, naghanap ako ng mataas na lugar na pwedeng tungtungan, umakyat ako sa sa bubong ng isang tindahan at hinanap kung nasaan na ang magnanakaw, nang malapit na siya saaking pwesto tinalunan ko ito, boom sapol sa batok, tinurukan ko ng karayom na may pampatulog. Dumating naman ang lalake na may kulay pulang buhok, tinitigan niya ako na para bang may ginawa ako, meron nga akong ginawa pinatulog ko yung lalake.

Tinanguan ko lamang siya dahil parang natulala lamang yung lalake at namumula ang mukha. Baka nagalit dahil pinakialaman ko yung hinuhuli niya, patay tayo diyan kailangan ko ng umalis.

Ehh.. nawawala ang panakip ko sa mukha baka nilipad ng hangin dahil tumalon ako kanina, hindi ko man lang napansin meron pa naman akong dalang panakip, umalis nalang ako sa lugar kung saan naiwan ang lalaking tulala.

Master mukhang may nabihag ka nanaman, nagustuhan ka ata ng ginoong may pulang buhok. Hahaha ang ganda mo talaga master, kaya dapat lang na itago mo ang iyong mukha, baka merun nanaman mabihag hahaha.

Tigilan mo ako Ashmir, natulala lang iyon sa gulat dahil mataas ang aking tinalon. Hindi niya naman ako sinagot bagkus tinawanan lang ako.

Sa isip ni Ashmir, masyadong inosente si master sa ganitong bagay. At napailing na lamang ito.

Elliot

Naglalakad ako sa aming bayan, gusto ko malaman kung may makakalaban ba akong malakas o puro katawan lang wala namang lakas, hindi naman nila mapapansin na ako ang Prinsipe nakabalot ang aking mukha. Napansin ko yung lalake na naningit sa pila, hinayaan lang naman siya ng balot na balot na Ginoo, hindi ko nalang sila pinansin at naglakad na lamang ako ng may mapansin akong ale na sumisigaw ng tulong mukhang nanakawan.

Hinabol ko yung lalake ang bilis niyang tumakbo mukhang may mahika ang magnanakaw at ito ay bilis, bagay talaga siyang maging magnanakaw. Hinahabol ko pa din ang magnanakaw, tinanggal ko na ang aking balabal dahil masyadong sagabal kaya't ang ibang tao ay napapansin na ako. Lumiko ang magnanakaw sa isang daan, malapit ko na sana siyang abutan ng biglang may kung anu o sino ang tumalon sa isang mataas na gusali, dahil sa bilis ng pangyayari hindi ko man lang nasundan ang ginawa niya, pagkakita ko sa magnanakaw wala na itong malay, kakausapin ko na sana yung tumulong saakin ng biglang lumingon ito saakin.

Dug.dug.dug.dug

Anung nangyari bakit ang bilis ng tibok ng puso ko, siya na ba ang babaeng papakasalan ko. Namula ako sa isipang siya ang aking mapapangasawa, ang ganda niya, kahit walang emosyon ang kanyang mukha napaganda talaga niya. Hindi ko man lang napansin na umalis na ang aking mapapangasawa.

Hahanapin kita kahit saan pa, aking Reyna.

 Si Knight at ang kanyang mga PrinsipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon