Chapter 2

147 8 0
                                    

Ashmir

Madaling araw palang gising na ang dalawa at nagsimula na sila sa kanilang pagsasanay.

Pinatakbo niya ito na sampung beses sa sobrang lawak ng silid sanayan, daig pa ang buong track and flied sa lawak na pinag takbuhan ng bata, wala naman reklamo ang bata tumakbo lang ito ng tumakbo hanggang sampung ulit, pawis na pawis ang bata pagkatapos pero hindi naman siya hinihingal.

Magaling bata malakas ang iyong stamina, hindi ka agad napapagod.

Pag katapos patakbuhin nag pahinga ng kaunti at sinunod naman nila ang pag sasanay gamit ang sandata.

Inuna nila ang espada, tinuruan siya kung paano ang tamang paghawak, iba't ibang galaw gamit ang espada.

Tandaan mo ang espada ang isa sa pinaka magandang sandata na pwede mong magamit sa malapitang laban. Ang talim ng espada ay nababasi sa iyong paggamit, kahit gaano pa ito katalim kung hindi ka mahusay gumamit ay wala naman itong silbi.
Tumango naman ang bata sa kanya.

Nagpahinga muna sila sa kanilang pagsasanay, bumaba muna sila at kumain bago nila ituloy ang pag sasanay. Mayroon siyang mga katulong sa pagluluto ito ay ang mga elf, nagniningning na naman ang mata ng bata dahil sa mga pagkain nakahain sa hapag. Habang kumakain pinagmamasdan ni Celestina ang batang si Knight, walang itong tigil sa pagkain parang hindi kumain ng isang taon.

Pangsampung tao nanaman ang nakain niya ngayon araw, paano pa sa susunod mas matindi na ang aming pag sasanay mamumulubi talaga ako sa batang ito.

Pagkatapos kumain bumalik sila sa silid sanayan upang ituloy ang pagsasanay.

Ngayon naman ang ating sasanayin ang paggamit ng pana. Isa ang pana sa magandang gamitin para sa malayuang laban. Kailangan lagi kang alisto, matalas ang iyong paningin at pakiramdam sa lahat ng oras. Konsentrasyon ang laging kailangan, kahit gaano ka pa kagaling kung wala kang konsentrasyon ay wala itong silbi.

Halos lahat ng sandata ay sinanay siya. Sa limang taon na kanilang pagsasanay masasabing master na niya ang lahat ng sandata at kahit mano-manong laban ay napakahusay niya. Labing tatlo pa lamang ang edad niya ay masasabing na ni Celestina na kakaiba ang gandang taglay ni Knight.

Ngayon namaster mo na ang paggamit ng sandata, ang iyong kapangyarihan naman ang ating sasanayin. Alam ko na may kakayahan ka ng gamitin ang iyong mga kapangyarihan pero hindi mo pa ito nakokontrol ng maayos kailangan mo ng konsentrasyon para makontrol mo ito ng maayos. Umupo ka sa gitnang bahagi ng silid, mag konsentrate ka, isipin mo ang iyong kapangyarihan, padaluyin mo ito sa lahat ng bahagi ng iyong katawan, isipin mo na iisa lamang kayo ng iyong kapangyarihan. Nagawa niya naman ito ng maayos kaya nag eensayo na lamang ito para mamaster ang kanyang kapangyarihan.

Pagkatapos nilang magsanay pumunta siya sa talon para maligo at magsanay. Habang papunta siya sa talon mayroon siyang nakita na hayop, Isa itong lobo pero hindi basta lobo dahil mayroon itong siyam na buntot, napakalaki nitong lobo  sa laki nito ay maari ka ng sumakay, ang kulay nito ay malaginto sa dulong bahagi ng buntot ay parang nag aapoy at pula ang mga mata nito. Nakipagtitigan lamang sa kanya ang lobo, bigla na lamang itong lumapit sa kanya at dinalaan siya.

Knight

Nakakita ako ng isang napaka ganda at napakalaking lobo na may siyam na buntot, nakatitig lamang siya saakin at ang buong akala ko ay maglalaban kami dahil bigla na lamang itong sumugod saakin, nagulat na lamang ako ng dilaan niya ang aking mukha, napangiti na lamang ako habang dinidilaan ako ng lobo.

Ano ang iyong pangalan? tanong ko sa lobo.

Ashmir po master.
sabi niya saaking isipan.

Ang mga tulad ni Ashmir ay isa sa makapangyarihang hayop, ang alam ko kakaunti nalang ang lahi nila at napakailap nito. Bawat buntot ng nasabing lobo ay may kapangyarihang taglay. Mahirap din itong mapaamo.

Gusto mo ba akong maging master Ashmir. tumango naman ang lobo.

Pwede bang paliitin mo ang iyong sarili para mabuhat kita.
tumango ang lobo at naging maliit na lobo ito na parang bagong silang. Dinala ko si Ashmir sa tahanan ni Celestina habang nakapatong ito sa aking balikat, nagulat pa nga ito dahil sa dala ko.

Wow.. paano ka nakakuha niyan, alam mo bang matagal ko ng gustong mag alaga ng ganyang hayop, nakakaingit ka naman, pwede bang akin na lang siya.

Biglang nalamang lumaki si Ashmir at handa ng sugudin si Celestina.

Hahaha nag bibiro lamang ako, hindi kita kukunin, takot ko lang sa inyong dalawa bulong pa niya na narinig ko naman.

Pagkalipas ng limang taon,labing walong taong gulang na si Knight. Nais niyang umalis sa gubat at mag aral, gusto niyang maranasan kung paano mag aral sa isang eskwelahan. Nag paalam siya kay Celestina, umiiyak pa nga ito habang nag sasabi ng

Huwag mo akong kakalimutan ahh, kapag kailangan mo ng tulong ko tawagin mo lang ako at agad kitang pupuntahan. Mamimiss kita Knight para na kitang anak, ayaw ko man na umalis ka pero hindi kita pwedeng ikulong habangbuhay sa gubat. Hanapin mo ang iyong tunay na pagkatao, at maging mabait ka sa mga tao ahh.. hahaha napaka pasaway mo pa naman. Mahal na mahal kita Knight palagi kang mag iingat. Alam ko na kaya mo na ang iyong sarili mas malakas kana saakin ehh, pero mag iingat ka pa rin.

Niyakap naman siya ni Knight at inalo ito.

Salamat Master sa lahat.

Celestina

Aalis na ang aking alaga, napakalaki na ng pinagbago niya mas lalo siyang gumanda, tiyak na marami itong mapapaluhang binata. Malakas na rin siya, higit na mas malakas kaysa saakin.

Mag iingat ka Knight.

 Si Knight at ang kanyang mga PrinsipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon