Pretty 1: Rocky Ellie Dion

621 131 64
                                    

Chapter 1

ROCKY'S

"ARGHHHH! KAASAAARRR!"

Araw ng linggo ngayon at alas-otso pa lamang ng umaga. Kakatapos ko lang maligo at nakatapis pa ng tuwalya ang buong katawan ko. Kasalukuyan akong nakaupo at nakaharap sa salamin dito sa kwarto ko, at 'eto, sa sobrang bored ay nagtitiris na naman ako ng napakalaking tigyawat sa noo ko.

Kating-kati na ang mga daliri ko na magtiris ng mga sumpa sa mukha ko dahil nakakairita naman talaga! Diba?

Sinong hindi maiirita sa kung kada hawak mo sa mukha mo ay may makakapa kang nagmistulang mga bundok dahil sa hile-hilera pa sila at sobrang lalaki pa at kung sinusuwerte ka ay minsan namamaga pa. Yuck, ew.

Sa pagkakaalam ko, mukha 'to. Hindi mapa ng Pilipinas at mas lalong hindi Sierra Madre!

"Maligo ka kasi nang 'di ka magkaroon ng mga yan" rinig kong bulong ni Mama habang nagtutupi ng mga damit dito sa kwarto ko.

"Grabe ka naman Ma! Kita mong kakalabas ko lang ng banyo oh?" tila nagtatampong sagot ko sakanya habang nginunguso ang nakatapis na tuwalya sa buong katawan ko.

"Yan na ba yo'ng mukhang bagong paligo?" sandali siyang tumingin sa akin at bumalik sa pinagkakaabalahan niya.

"Tignan mo nga yang buhok mo, parang 'di ka babae, hindi pa kita nakikitang humawak ng suklay"

"Eh hindi naman kasi ako aalis." ani ko. Tama naman diba? Hehe.

Sino bang mga nagsusuklay sainyo kahit nasa bahay lang?

Psh. Epal naman 'to si Mama.

Napakamot nalang siya sa batok at pailing-iling pa sa akin.

"Osiya, magsuklay ka. Papabili ako sayo ng gamot diyan sa botika, isa pa, bumili ka din ng gamot diyan sa tigyawat mo"

Napatingin ako sa salamin. Tama siya, hindi ko napansin na dumudugo na pala yung tigyawat na kanina ko pa pinagdidiskitahan.

Sanay na kasi akong ginagawa 'to.

#BoredomeStrike

Tinanguan ko siya bilang pag sang-ayon. Kinuha ko na yung suklay at kung minamalas ka nga naman..

"Hehe naputol ma" ani ko habang naka peace sign pa sakanya dahil nabungi lang naman ang suklay. Ganoon na ba talaga katigas ang buhok ko? Siguro dahil tide bar ang sabon at shampoo ko.

"Bumili ka na lang ng bago."

Nagbihis na ako at sakto namang pagbaba ko ay nakahain na si Mama ng almusal naming dalawa.

.

I'm Rocky Ellie Dion, 17 years old. Maputi ako, pero ako ang nagpapatunay na hindi lahat ng maputi ay maganda. Napakarami ko kasing inaalagaang tigyawat sa mukha ko. Buni, kulugo, rashes at kung ano-ano naman sa katawan ko.

Para sa iba ay hindi ako maganda at never magiging tipo ng mga kalalakihan. Bukod sa pangit ay wala 'ring espesyal sa akin, siguro. Inaamin ko naman na may pagka-warfreak ako, hindi dahil sa trip ko lang, kundi dahil natuto akong lumaban sa mga pang-aalipusta sa akin ng ibang tao.

Kaso nga lang, malakas ang feeling ko na maganda naman talaga ako! Kaya kahit anong pangdo-down sa akin ng ibang tao ay 'di ako natitinag. Hello? Ang ganda ko kaya, ako nga lang ang nakakaalam!

Bukod pa doon ay sanay na sanay ang katawang lupa ko sa pakikipag-away, para nga daw akong lalaki makipag-basag ulo pero para sa akin lahat ng 'yon normal at isa lamang na self defese.

Do You Think I'm Pretty? [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon