Pretty 7: That Lunchbox

208 79 6
                                    

Chapter 7

SUSAN'S


"Aling Susan! Pakibuksan naman po ng gate!!"

Napatigil ako sa paghuhugas ng mga pinggan nang may malakas na kumakalampag sa gate habang sinisigaw ang pangalan ko.

Sino naman kaya ito?

"Nariyan na!"

Dali-dali ko 'yong pinagbuksan at laking gulat ko nang makita ko si Stella, ang kaibigan ng anak ko.

Pawis na pawis at tila'y pagod na pagod ito. Nanlaki naman ang mata ko at agad na nataranta nang makita ko kung sino ang walang malay na inaalalayan niya.

"Diyos ko! Anong nangyari sa anak ko?!" labis na lamang ang pagkabigla ko nang makita ang itsura ng anak ko, si Rocky.

Naiiyak ako na naaawa na hindi ko maintindihan. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko dahil sa kaawa-awang itsura niya ngayon. Hinang hina ito na parang binugbog ng sampung tao sa tantsa ko.

SINONG MGA HAYOP ANG MAY GAWA NITO?!

Agad kaming pumasok sa loob ng kuwarto ni Rocky at hiniga ito sa kama niya.

"ANONG NANGYARI?! BAKIT WALANG MALAY ANG ANAK KO?!"

"H-hindi ko po alam a-"

"Anong hindi mo alam?! Impossible! Ikaw lang ang laging kasama ng anak ko"

Natigilan na lang ako nang agad itong napatingin kay Rocky na kasalukuyang nagpapahinga at agad na naiyak.

"H-h-indi ko po talaga alam. Nasa labas na po ako ng gate 'non dahil ang usapan namin ni Rocky ay sa labas ang hintayan, nagulat na lang po ako nang may lalaking buhat buhat siya na wala nang malay at sinabing pinagtripan siya ng mga estudyante doon."

Patuloy pa rin siya sa pag-iyak habang kinukuwento ang tunay na nangyari sa anak ko. Kinuwento niya rin ang unang insidente na kung saan nabato si Rocky ng baseball sa ulo, dagdag niya pa ay himala 'raw na nakarecover ito agad at parang walang sakit na iniinda.

Hindi ito isang himala...

Wala ba talagang ibang magawa ang mga batang 'yon at trip lagi ang anak ko?

Matagal ko nang alam na binubully ang anak ko, elementary palang. Syempre ano paba? Nang dahil sa 'itsura niya. Kaya naman ay tinuruan ko ito maging matapang at lumaban nang sa gayon ay maprotektahan niya ang sarili niya at hindi siya tapak-tapakan nang sinuman dahil sa gusto lang nila.

Agad naman akong humingi ng pasensiya dahil siya pa ang napagbalingan ng galit ko dahil sa nangyari kay Rocky. Ngayon lang kasi umuwi ng ganito ang anak ko na para bang wala ng kalakas-lakas. Sa pagkakaalam ko ay lumalaban at malakas ang anak ko dahil..

Pinapalakas ko siya.

Nginitian niya lang ako at sinabing wala daw sakanya 'yon at naiintindihan kung bakit ganoon ang reaksyon ko, ang importante daw sakanya ay ang kalagayan ni Rocky.

Napakabait na bata...

Bigla pumasok sa isip ko ang kaibigan ko din noon noong highschool pa lamang ako, ganyan na ganyan din kaming dalawa, kapwa nagtutulungan at pinoprotektahan ang isa't isa kaso nauwi lang ang aming pagkakaibigan sa masamang trahedya.

Pero teka...

Tama ba ang narinig ko?

Lalaki?

"Nakilala mo ba 'yong lalaki na nagligtas sa anak ko?"

"H-hindi p-po."

"Pero yung gagong lalaki na nagbato ng baseball kay Rocky, kilala mo?" Agad naman siya nag-iwas ng tingin at dahan-dahang tumango.

Do You Think I'm Pretty? [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon