Pretty 17: Punishment

110 66 1
                                    

Chapter 17

ROCKY'S


"No butts, Ms. Dion" galit na sabi sa akin ni Mr. Sanchez at ipinukpok pa ang desk nito sa sobrang inis.

"Sir, hindi ko po talaga alam. Promise po hindi na po ako uli pupunta doon" paliwanag ko.

Kanina pa ako nagmamakaawa sakanya na huwag niya na akong bigyan ng parusa, eh kasi hindi ko naman talaga alam!

Wala namang nagsabi sa akin ni isa na bawal pala ang lugar na 'yon, ni ang tahimik nga din doon at wala manlang pumupuntang kahit sino.

Limang taon! Limang taon kaming tumatambay doon pero wala ni isang sumita sa amin tapos ngayon napakalaking offense pala sa school na 'to ang pagpunta roon.

Leche lang!

Hindi ko matanggap!!

Lalo na nang malaman kong may nagsumbong kaya ako nahuli dito! Kainis!!!

Sasapakin ko talaga sa mukha ang nagsumbong, promise!

"Starting tomorrow, you will clean these facilities" mariin na sabi niya sa akin at may ibinigay na papel.

Napanganga ako nang mapagtantong isa itong mapa, mapa ng school. Napakalawak pala nito at maraming mga liblib na lugar na hindi ko pa napupuntahan.

Wow.

"Stop that Ms. Dion" saway sa akin ni Sir Sanchez nang makita ang tinititigan ko.

"Wala kang ibang pupuntahan at lilinisan, ang mga nakabilog lang ang sasadyain mo riyan" dagdag niya pa at dinuro ang papel.

Tama nga siya, ngayon ko lamang napansin na may mga nakabilog ngang lugar dito, kaya agad naman akong napabusangot.

'Nakng!!! Andamiiiiii!!

"Sir, wala na po bang ibang paraan?" nakangusong parang bata kong pagmamakaawa rito.

"Ms. Dion, that's place is really prohibited. I also want to, but you need to learn a lesson from it" makahulugang sabi nito sa akin at ngumiti.

Bakit ba pinagbabawal ang lugar na 'yon?

Wala nga akong maalala na iannounce 'yon na bawal ang mga ordinary students doon.

Nakakainis naman!!!

"Take care, Ms. Dion" paalam sa akin ni Sir Sanchez.

Bago pa ako humiling ng huling hirit ay tumalikod na ito sa akin.

Asar!

Nagpapapadyak naman akong lumabas ng office niya, leche!!!!

Lilinisan ko talaga ang lahat ng 'to!?

Maiyak-iyak kong tinitigan ang kabuuan ng mapang iyon. Napansin kong may nakalagay na malaking ekis sa lugar na ginawa naming tambayan.

Ano bang meron dito?

At bakit parang ayaw nilang dayuhin ito ng estudyante?

Ang ganda-ganda kaya roon, at ang tahimik pa ng lugar. Kung hindi naman pala nila 'yon hinahayaan dayuhan, bakit ang mga paro-paro doon ay ang gaganda? Parang inaalagaan pa nga ito dahil minsan ay may nakikita akong pagkain roon.

Napabuntong hininga naman ako at ipinasok na sa bag ang mapang 'yon.

No choice, wala naman akong magagawa kung hindi sundin ang utos ng nakakataas.

Psh!

Kinapa ko naman sa maliit na bulsa ng bag ko ang cellphone ko at itetext si Stella na huwag ng pumunta sa tambayan.

Do You Think I'm Pretty? [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon