Pretty 4: Crash

245 95 7
                                    

Chapter 4

ROCKY'S

Pagmulat ko ay agad kong inilibot ang mga mata ko, nasa pamilyar na kwarto ako, puti ang pinturang nagtataasang mga dingding at tinernuhan pa ng mga puting kurtina sa paligilid at hindi ako puwedeng magkamali, nasa clinic ako!

T-teka...

Clinic?

A-anong nangyari?

Babangon na sana ako nang matinding kumirot ang ulo ko

"A-aray!" napahawak ako sa ulo ko at napapikit. Ang sakit!

"Sa wakas, gising ka na! Huwag mo muna subukang bumangon please lang"

Pamilyar na boses...

At hindi ako pwedeng magkamali..

"S-stella"

Bakas sa mukha niya ang matinding pag-aalala sa akin, pero, hindi! Hindi ko maintindihan.

"Bakit naandito ako?" lumabas na pala sa bibig ko.

"Hindi mo ba talaga maalala?"

Tinignan ko na lamang siya na puno ng pagtataka. Napabuntong hininga naman siya at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Ikaw ang nakasalo ng baseball na ibinato ni Ash, kaso nasalo mo nga! Sobrang salo! Napuruhan ka pa!" sarkastikadong sermon nito sa akin.

At unti-unti ko nang naalala ang nangyari.

.
.
.

FLASHBACK.

Aalis na sana ako dahil wala akong interes sa sinasabi niyang pagsalo, hindi ko siya type!

Panget nga ako pero may dignidad pa rin naman ako, ewan ko lang sa katabi kong 'to! Psh.

Kung makasigaw din kasi parang akala niya naman papatulan siya ni Ash, patay na patay kasi siya dito matagal na.

Oo nga at gwapo nga ito, pero hindi rason 'yon para paglaruan ang mga babae, pangit man o maganda, lalo na kung katawan lang naman ang habol nito.

Diba?

Nasa katwiran naman ako?

Nagulat nalang ako na may sobrang tigas na bolang tumama sa ulo ko. Ang lakas ng impact at literal na tumilapon ako dahil doon.

Napanganga lamang ang lahat at nakatingin sa direksyon ko.

Walang kurap kurap at natulala.

Puta! Ang sakit!

Naramdaman kong may tumulong likido sa ilong ko at nang kapain ko 'yon ay may..

"D-dugo.."

Unti-unti nang umikot at manlabo ang paningin ko at tuluyan nang nawalan ng malay.

END OF FLASHBACK.

.
.
.

Sa wakas ay nakalabas na rin ako sa clinic kasama si Stella. Panirang first day naman 'to! Kung hindi ko lang nakutuban kanina na naandon sa field si Stella ay malamang hindi ako sumunod.

"Uy sorry ah" nakayukong sabi ni Stella habang nilalaro ang daliri niya.

"Ha? Bakit?"

"Kung wala ako doon kanina ay wala ka din sana doon, nagkaganyan ka pa tuloy" ani niya at tinuro ang itsura ko.

Hindi naman ganoon kalala, kaso mahahalata mo nga lang na grabe akong napuruhan dahil sa mga gasgas na nagkalat sa buong parte ng katawan ko.

Do You Think I'm Pretty? [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon