Chapter 12
ROCKY'S
Napatingin ako sa'kanilang dalawa. Pareho silang nakatitig sa akin, titig na nagtataka at nagtatanong. Marahil ay inaabangan nila ang explanation ko sa nangyari.Pucha! Ano sasabihin ko!?
Sinenyasan ko naman sila na kumain na at pumunta sa tambayan. Agad naman silang tumango at sumunod sa akin nang tahimik.
Walang imikan habang naglalakad. Ganoon katahimik at nakakailang!
Nang makarating ay agad akong umupo at ibinaba ang bag na dala-dala ko kanina pa.
Bakit niya ba kasi ginawa 'yon?!!!
Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang ginawa niya, arrghhh!!! 'Di ako makaget-over.
"C-c-close k-kayo Rocky?" sa wakas! Nagsalita na rin si Stella kahit nauutal ito. Agad ko naman siyang nilingon dahil do'n.
Nakatingin lang ito sa mga mata ko na parang kinikilatis kung totoo ba ang isasagot ko.
"H-hindi ah!" mariin na tanggi ko at kumunot ang noo.
"Eh ano ibig sabihin non?" tanong naman ni Yesha sa kabila nito.
Ano 'to?
Pinaghihinalaan ba nila ako?
"Hindi ko din alam!" dare-daretsong sagot ko at umirap.
"Baka mas gusto niyang galitin lalo si Becca kanina at pagtrip-an ako. Parang hindi niyo naman kilala ang kupal na 'yon!" dagdag ko at hindi na napigilan ang pangigigil dahil halos matapon ang binubuksan kong tupperware na pagkain namin.
Agad naman siguro nila napagtanto 'yon at nagsitanguan, psh.
Ano bang akala nila?
May ibig sabihin 'yon!?
W-wala 'no!!!
As if naman!
Nagsimula na kaming kumain at maya-maya pa'y bumalik na rin sa dati ang ingay naming tatlo.
Este silang dalawa!
"Hoy ikaw Yesha ah, may kamalditahan ka din palang tinatago!" natatawang dinuro-duro ni Stella si Yesha na nasa harap nito.
"Ikaw nga 'yon eh, akala ko papalpak ka sa English kanina!" sagot naman ni Yesha at lahat kami ay natawa.
"Pero si Rocky talaga ang pinakamalakas!" proud na sabi ni Stella at itinuro naman ako.
Agad naman napaangat ang kilay ko at tinignan sila ng "bakit-ako-look"
"Kung hindi naman pala ako maganda, bakit inggit na inggit ka?" pangagaya ni Stella sa boses ko kanina na ibinato kong linya kay Becca at nagtawanan na naman kami dahil sa sinabi niya.
"Gago!" pabirong mura ko sakanya at natatawang hinampas siya.
"Kumain ka na nga!" saway ko dahil hindi ito makaconcentrate sa pagkain dahil sa kakadaldal.
Oo, medyo naiilang pa rin ako sumali sa usapan nila kasi baka mamaya bigla nilang isingit sa usapan ang Ash na 'yon at mapunta sa akin ang topic.
Mamaya, nako! psh.
Kung ano pang isipin sa akin ng dalawang 'to, lalo na pareho pa silang patay na patay kay Ash na 'yon!
Yung kutong kupal na 'yon!!!!
BINABASA MO ANG
Do You Think I'm Pretty? [ON-HOLD]
Jugendliteratur"Chaka man sainyong paningin, mas pangit naman ang nakatingin!" - Rocky Ellie Dion. N'ong nagpaulan 'ata ng kapangitan at kadugyutan, andon siya sa langit at nagdo-donate! Ang babaeng to the max sa kaswangitan, kadugyutan at kaastigan. Ngunit para s...