Chapter 21
SUSAN'S
Saan na kaya ang anak ko? Nag-aalala na ako, 6:30 na ng hapon at madilim na sa labas.
Mamaya kung mapano pa siya, lalo na't may humahabol sakanya.
Nagpaalam naman ito sa akin kanina na may aasikasuhin lang siya kaya siya late makakauwi.
Pero alam ko ang nangyayari.
At hindi maganda ang kutob ko ngayon.
Nararamdaman ko siya.
.At dahil doon ay humihina ako.
.Kaya sana naman, mag-iingat siya.
.Lalo pa't nasa kanya ang kwintas.
..
.
.ROCKY'S
Kasalukuyan na akong naglalakad pauwi. Sobrang bigat ng pakiramdam ko, pagod na pagod ako.
Akalain mo ba namang tapusin ko 'yon lahat ng halos 12 hours?!! Buti na lamang ay marami akong baon na pagkain kanina dahil kada mapapagod ako ay tsumitsibog ako, hehe.
Hindi ko nga alam kung bakit parang hindi ako nauubusan ng lakas, lalo na't naisipan ko pa talagang maglakad.
Lantang gulay ang lakad ko ngayon at bagsak ang katawan. Mabagal din ang paglakad ko at sinasadsad ang sapatos sa lupa.
Madilim na sa mga eskinita at tanging poste na lamang ng ilaw ang nagsisilbing liwanag doon. Hindi naman ako natatakot.
Mas matakot sila sa akin 'no!
Laking gulat ko na lamang nang may matanaw akong grupo ng kalalakihan sa dulo ng eskinita na tinatahak ko.
Marami sila, lagpas anim siguro.
Sinubukan kong labanan ang kaba sa dibdib ko pero masyadong malakas ang kutob ko dahil pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari ngayon.
Naesatatwa ako sa kinatatayuan ko at ilang beses napalunok.
Binabawi ko na ang sinasabi ko!
Natatakot na ako..
HUHUHUHU
MAMAAAAAAA!
Tumigil ako sa paglakad at hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanila.
Papalapit sila sa akin.
Hindi ko alam kung bakit hinihintay ko silang makalapit sa pwesto ko at ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang unti-unti kong makilala ang mga demonyong lalaking nakangisi na ngayon ay nasa harap ko na.
"KAYO NA NAMAN?!" 'di makapaniwalang asik ko sakanila.
"NAMAN! MISS ME?" sagot ni Jejemon #1 na sinuntok ko noong nakaraan.
Aba't hindi pa talaga sila nadadala ha?!!
"MISS MO MUKHA MONG AMOY TULOK!" Sigaw ko rito at agad naman silang nagtawanan.
"Tignan ko lang kung magmatapang ka pa rin ngayon" kalmadong sabi nito at ngumisi.
Napalunok naman ako dahil sa sinabi niya at nanlaki na lang ang mga mata ako nang may ilabas itong patalim.
Tangina!!!!!
"Naudlot kasi nung nakaraan eh" mapang-asar na tono na sabi nito.
Unti-unti akong umatras na ikinatuwa naman nila.
BINABASA MO ANG
Do You Think I'm Pretty? [ON-HOLD]
Novela Juvenil"Chaka man sainyong paningin, mas pangit naman ang nakatingin!" - Rocky Ellie Dion. N'ong nagpaulan 'ata ng kapangitan at kadugyutan, andon siya sa langit at nagdo-donate! Ang babaeng to the max sa kaswangitan, kadugyutan at kaastigan. Ngunit para s...