Chapter 13
ROCKY'S
"Hoy! Bumangon ka na nga riyan!" malakas na sigaw sa akin nang isang babaeng hindi ko naman kilala.May inihagis pa ito sa akin na kung ano kaya agad naman akong napadilat. Teka! Nakahiga ako sa kama. Nakatulog pala ako.
Kinusot ko naman ang mata ko at tumambad sa akin ang galit na galit na babae, siya si ate na nagbabantay dito sa clinic kanina.
Teka, diba may binabantayan ako?
Napalinga ako sa katabi ko at wala na doon ang kupal na si Ryu.
Putek!!!!
Bakit hindi manlang niya ako ginising?
At wala manlang thank you ha?
Kakaasar!
Napaka-kapal naman pala ng pagmumukha ng isang 'yon, pwe.
At iniwan pa akong mag-isa dito matapos niya akong artehan ng stay stay na 'yan! Bwisit!
Sinamaan ko naman ng tingin si Ate dahil sa kabadtrip-an.
"Puwede naman po akong gisingin ng maayos, kailangan may ihahagis pa?" mataray na sagot ko rito at hinawakan ang bimpong inihagis niya.
Ihahagis ko din sana 'yon pabalik sa'kanya pero nakapagtimpi ako at inilapag na lang 'yon sa gilid ng kama.
Napairap naman ito at hindi na ako sinagot. Tumayo na ako at pinagpagan ang sarili ko. Gusot-gusot naman ang uniform ko. Malikot kasi ako matulog, hindi na ako nagtaka.Bwisit talaga!!
Lumabas na ako ng clinic, at wow! Uwian na pala. Nasa labas na kasi halos lahat ng estudyante at konti na lang ang tao rito. Ang haba naman 'ata ng tulog ko.
Nanlaki naman ang mata ko nang may maalala ako.
Teka, may klase pa pala kami kanina! May pumasok kayang prof? Sana naman wala! Sana nilubos na nila yung meeting na 'yon.
Napatakbo ako sa room at wala ng tao roon, natanggalan naman ako ng tinik sa dibdib. Ang swerte naman kasi nang makita ko doon ang bag ko. Hindi iyon ginalaw o kaya pinagtripan.
Kinuha ko na 'yon at dali-daling lumabas. Nagsaksak muna ako ng earphones sa tenga ko bago naglakad. Hinanap naman ng mata ko ang pigura nina Yesha at Stella nang makarating na ako sa harap ng gate.
Dapat kasi ay naandito na sila. Hello? 12:20 PM na kaya, 12:00PM pa ang labasan. Kaya rin siguro ganon ang bati sa akin ni ate kanina ay dahil nga uwian na, pero hindi pa rin maganda ang ginawa niya pwe.
Agad kong kinapa sa bulsa ko ang cellphone ko at tinext si Stella kung nasaan na sila ni Yesha.
Nagreply naman ito agad. Nakauwi na daw sila dahil akala nila nauna na ako at humingi ng pasensiya.
Wow naman! Napakagaling!
Natuto na akong iwan ng kaibigan ko.
Porke' may bago?
Joke!
Nagsimula na akong maglakad, maglalakad na lang ako para makatipid. Sanay naman ako maglakad.
Ang hindi lang ako sanay ay ang walang maingay na kasama.
Stella.
Psh.
Napatigil ako sa paglalakad nang may naalala ako.
"Shit!" bulalas ko sa sarili.
Nakalimutan ko lang naman ang isa kong bag na may tatlong tupperware.
BINABASA MO ANG
Do You Think I'm Pretty? [ON-HOLD]
Novela Juvenil"Chaka man sainyong paningin, mas pangit naman ang nakatingin!" - Rocky Ellie Dion. N'ong nagpaulan 'ata ng kapangitan at kadugyutan, andon siya sa langit at nagdo-donate! Ang babaeng to the max sa kaswangitan, kadugyutan at kaastigan. Ngunit para s...