Pretty 19: Plan

107 67 3
                                    

Chapter 19

BECCA'S

Finally! Nabigyan na din ng POV ni Ms. Author! Thank you, mwa.

Magtigil ka nga, Becca!

Opss, sorry!

Anyway, kilala niyo naman na siguro ako? I am Becca - Becca Zoe Real. Yeah, I know it! I am pretty, 'sing pretty ng name ko.

Who would thought na may isang hampaslupang tatawagin akong "Becca Baluga"? It's gross!! Ewiiie.

"Are you alright babe?" bumalik ang diwa ko nang magsalita si Brian. Yes, my boyfriend.

Oh let me rephrase that, one of my boyfriend/s.

Gulat much?

Well, practice not to be surprise next time. I am the daughter of Bellise and Zander Real, hihi. We are rich, filthy rich! Kaya ganoon na lamang ako tinuturing na reyna ng mga classmates ko, kasi alam nila..

Hindi ako agad agad mapapabagsak.

Kayang kaya ko lang naman tapalan ang mga bibig nila ng pera at gawin ang ipinauutos ko!

"Of course" nakangiting sagot ko rito at nag-wink pa.

Ngumiti naman siya agad sa akin but I saw him na nagbago ang face expression niya n'ong ngumiti ako.

"Babe? Ano 'yan?" he said and pointing at my front tooth.

"Why? What's wrong?" naguguluhan kong tanong at agad kinapa 'yon.

"May buhok kasi" nandidiring sagot nito sa akin at nakita ko pang masuka suka siya.

Hinila ko 'yon at tama nga, there's a hair! Omg hihihi, naipit pa 'yon sa braces ko, shhh, don't be green.

"It's nothing" sabi ko at itinapon sa kung saan ang nakuha kong buhok. I don't care.

He nodded and look away after that. Kumapit naman ako sa braso niya habang naglalakad kami sa hallway.

"Sorry about that, masyadong mahina ang mga pinapunta nating kaklase" bulong niya at ngumisi.

I know what he's referring to! Pumalpak lang naman ang plano naming tatlo, but wala naman ang sisi ko sakanya kundi na kay Yassi!

That stupid girl! I'll swear, tatanggalin ko siya bilang kanang kamay ko. Yeah, she's working for me. Besides, she is one of my loyal pet and "friend"?

Aghhh disgusting!!!

I don't have one.

And I don't need one.

All I need is money.

"Hey, Becca!" aligagang bati sa akin ni Yassi at hindi makatingin ng daretso sa mata ko.

Speaking of the evil, she's here!

Nakasalubong lang naman namin ito ni Brian at may dala-dalang napakaraming hand-outs at newspapers sa kamay niya.

Yes, she's a journalist. The head news director in our campus. Kaya kahit alam kong chunga ito, mapapakinabangan ko rin naman siya dahil sa dami ng nalalaman niya.

Sila ng team nila ang nag-gagather ng daily informations within the school, nagpo-post ng mga balita at issues at gumagawa ng dyaryo sa school na 'to and after scanning the data, they will distribute it every quarter sa public.

Ang newspaper ng university na ito ay mayroong pang-outside purposes means magagandang balita lang ang nakakalabas sa ibang tao and other universities para lalong makahikayat ng students dito.

Do You Think I'm Pretty? [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon