Chapter 2
ROCKY'S
Araw na ng Lunes, at hindi ko pala nabanggit na ngayon ang napaka clichè na kaganapan sa buong buhay ng isang estudyanteng katulad ko, ang first day of the class.Hindi naman ako kinakabahan o kung ano, dahil sanay naman na ako sa ganutong eksena.
Isa lamang akong nobody sa school at kung mapapansin lang ako ay dahil lang 'yon sa kapangi— este kagandahan ko.
Odiba? Charms ko din 'yon!
Akalain mo nga namang mas mapapansin ka kapag pangit ka?
Mag a-ala sais pa lamang ng umaga ngunit napagdesisyunan ko ng bumangon. Ala siyete pa naman ang simula ng klase at paniguradong hindi ako mala-late.
Hindi naman kasi ako katulad ng karamihan sa babae na mabagal kumilos at matagal ang oras sa pag-aayos.
Hello? Ano pa bang aayusin sa itsura kong 'to? Natural na 'to!
Natural beauty!
Walang ano-ano ay bumaba na ako agad sa sala para kumain. Heto lang naman ang nagpapa excite ng umaga ko, ang masasarap na luto ni Mama.
Hinalikan ko siya sa pisngi at binati. Ngumiti lang din siya at sinabihang maupo muna ako at maghahain pa lamang siya ng kakainin namin na almusal.
Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumapit sa akin.
"Bakit ma?"
"Naligo ka ba talaga?!"
"Kailangan pa ba no —"
Naputol ang sasabihin ko ng hinampas niya ako ng sandok."A-aray! Teka lang naman!"
"Aba't ang dugyot talaga! Maligo ka nang hindi ka mangamoy sa klase niyo!" bulyaw niya at wala na akong nagawa ng itulak niya ako sa banyo.
Haayyss.. Ano ba naman yan?!
Kagabi kasi nang makauwi ako ay naligo agad ako, imbis na damit pantulog ang suot ko, naisip ko na isuot na lang agad ang school uniform ko. Para ready na ready talaga ako!
Ano bang masama do'n? Wala namang pagbabago, lagi naman akong fresh!
Mas maganda nga 'yon eh diba?
Save time, save energy!
Nagbuhos na lamang ako with matching talon talon pa. Heto ang dahilan kung bakit ayoko na naliligo sa umaga eh..
Dahil sa lecheng tubig!
Mabilis kong tinapos ang pagligo ko. Pagkatapos ay nagbihis agad ako at sinuot uli yung uniform ko. Psh.
.
.
."Kailan mo pa ginagawa yang kadugyutan na yan?" bungad sa akin ni Mama nang makalabas ako.
"Kagabi ko lang naisipan 'yon. Wala namang masama!" nakangusong reklamo ko. Para naman kasi niyang sinasabi na ang baho-baho at ang dugyot-dugyot ko kung kumilos.
Eh hindi naman talaga diba?
Alam ko may mga ganoon ding gumagawa sainyo!
"Alam mo kaya ka hindi nagkakaroon ng mga manliligaw eh dahil hindi ka nag-aayos." 'yan na naman siya para kumbinsihin akong magkilos dalaga.
"Paaalalahanan lang kita Rocky, disisyete ka na! Matuto ka naman sa sarili mo."
"Hay nako ma, mapapagod ka lang. Sa mukhang 'to? Sa tingin niyo po ba may remedya pa?"
BINABASA MO ANG
Do You Think I'm Pretty? [ON-HOLD]
Teen Fiction"Chaka man sainyong paningin, mas pangit naman ang nakatingin!" - Rocky Ellie Dion. N'ong nagpaulan 'ata ng kapangitan at kadugyutan, andon siya sa langit at nagdo-donate! Ang babaeng to the max sa kaswangitan, kadugyutan at kaastigan. Ngunit para s...