Pretty 24: Becca x Rocky

150 56 10
                                    

Chapter 24

*Kinabukasan*

ROCKY'S

It's Friday! Maaga-aga rin akong bumangon para makapaghanda. Nasabi ko naman 'ata sainyo na kapag araw ng biyernes ay may swimming lesson kami di'ba?

Kaya nagbaon ako ng extra uniform, at ang seperate uniform namin para sa P.E class. Girls Scout lang ang peg. Ka-excite!

Bumaba na ako para kumain, okay na rin si Mama at siya na ang nakatoka na maghahain ngayon ng almusal.

Pagkababa ay sumalubong sa akin ang mabangong amoy ng niluluto niya sa kusina, kahit isang araw lang na hindi nakapaghain si Mama ng almusal sa akin ay pakiramdam ko isang linggo na, namiss ko kasi agad. Psh.

"Kain na" pagkasabi niya n'on ay umupo na ako at naglagay ng pagkain sa plato ko.

"Parang ang ganda ng gising mo ngayon nak?" natatawang tanong sa akin ni Mama na para bang may halong katsaw.

"Hmm hindi naman po Ma, excited lang kasi may swimming lesson kami eh" dare-daretsong sagot ko.

Tumango naman siya at ngumiti sa akin.

"O' eh ba't parang blooming naman ang anak ko?" hindi ko alam kung asar 'yon o papuri pero agad na lang ako napairap sa kawalan at hindi siya sinagot. Nako naman!

"Ah, alam ko na! Siguro may boyfriend ka na 'no?" napaismid naman ako sa sinabi niya. Kiniliti pa ako nito at sinundot sa tagiliran.

"A-anong boyfriend?! Wala 'no!" giit ko. Aba't 'eto talagang nanay ko! Psh.

"O' siya, basta ipakilala mo sa akin 'yan ah, lagi kang mag-iingat" paalala niya sa akin at tinuloy ang pagkain namin.

Nang matapos ay agad ko nang inayos ang sarili ko at tumingin sa salamin. Hindi ko alam pero namamalayan ko na lamang ang sarili ko na mag-ayos ayos ngayon, ano ibig sabihin nito?

Graduated na ako sa kadugyutan?

Wala sa sariling humalakhak ako ng mahina. Kahit sabihin mong gumraduate ako sa kadugyutan, hindi pa rin talaga mapagkakailang gan'to na talaga hitsura ko.

Maganda! Hello?

Bago umalis ay naglagay ako ng deodorant at nagwisik ng pabango. Bahagya ko ring sinuklay ng mga daliri ko ang buhok ko. Okay na!

Nagpaalam na ako kay Mama. Pagkabukas ko naman ng pinto ay saktong kakatok pa lamang si Stella.

Agad namang sumagi sa isip ko ang nangyari kahapon at humingi ng sorry sa'kanya. Hindi ko din alam kung bakit ako nagso-sorry, basta, hindi lang maganda ang pakiramdam ko sa nangyari.

Sabi niya naman ay okay na siya at wala na daw sakanya 'yon, lalo na't 'yon din ang hinala niya nung una kung bakit ako hinila ni Ash noon, siguro ay para matupad ang binitawan niyang salita.

Nagkibit-balikat na lamang ako at tuloy-tuloy kaming dalawa sa pagku-kuwentuhan habang papunta ng school.

.
.
.

"You're late, Ms. Dion!" salubong sa akin ni Sir Fernandez nang makapasok ako sa Bio Lab.

"Sorry po sir" 'yon na lamang ang nasabi ko habang nakayuko.

Nakakahiya!

Papaano!?

Nakalimutan kong ang first subject pala namin ay Biology at pinapapunta kami ng prof namin sa Bio Lab, pero anong ginawa ko?

Do You Think I'm Pretty? [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon