Pretty 3: Ashley Jein Monteroso

254 92 10
                                    

Chapter 3

STELLA'S


Namalayan ko na lamang ang sarili ko na sumusunod sa mga babaeng kanina na nanlalait samin ni Rocky at dito napadpad ang mga paa ko sa Baseball Field.

Yari talaga ako kay Rocky nito eh.

Paano, iniwan ko siya doon na naghahanap pa rin ng pangalan niya. Sayang nga lang at hindi kami magclassmate. For sure, malungkot na naman iyon.

Grade 7 pa lang kami noong maging magkaibigan kami. Hanggang sa pareho naming naiintindihan ang isa't-isa. Pangit ako, pero mas pangit siya! Paano, kaming dalawa ang nagproprotekta sa isa't-isa lalo na ay suking suki kami mabully ng mga estudyante.

Pero anong magagawa ko?

Hindi ko naman mapapalampas ang mga ganitong pagkakataon.

Bukod sa chismis ay may fafa dito!

Naandito kasi si Ash!

"Ash sakin nalang yan!"

"Handa akong saluhin yang baseball basta may kiss ako!!"

Ewan ko kung ano na namang trip niya today dahil first day of school tapos gumagawa na agad ng eksena.

But I am sure, na marami sa aming natutuwa!

Ashley Jein Monteroso - Campus Hearthrob at Hottie Fuckboy ng EHU

Bukod sa taglay niyang looks, brainy at mayaman pa, lalo pa siyang kinabaliwan ng maging fuckboy siya! Lahat na ata natikman niya, pwera lang saming mga exotic food na parang ipinagbabawal kainin niya.

Unfair! Napakaunfair niya!

Wala rin siyang sinusunod na rules, palibhasa ay may kapit dito sa school.

At oo, tama kayo ng hinala.

Isa rin ako sa mga malalanding babaeng naglalaway sakanya.

Matagal na akong may malanding pagtingin sakanya.

Oo, aminado naman ako sa sarili ko na malandi ako. Aba! Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa magkaroon ng lovelife kahit sa ganitong itsura ko noh!

Unlike Rocky, mas mataas ang fighting spirit at energy ko sa kaharutan. 'Yon kasi ay feeling pretty! Masyadong choosy akala mo naman kayganda! Pwe.

Napatulala na lang ako sa harapan.Halos apat na taon ko na siyang pinapantasya at heto pa rin ako sa malayo at nakanganga sa kagwapuhan niya!

Ang ganda ng mga mata niya, ang pupungay! Idagdag mo pa ang mapupula niyang labi at matangos na ilong. Sobrang kinis din ng balat niya, matangkad, sakto lang ang pangangatawan pero minsan na akong maglaway ng sobra dahil sa 6 packs abs niya.

Nagiinit pa rin ang mukha ko kapag naaalala ko 'yon.

Binosohan ko kasi siya hihihi

Kaso nga lang, nahuli niya ako at agad na binugbog. Pero okay lang, worth it naman hihi! Atleast naramdaman ko yung balat niya sa balat ko hihihi

Hindi rin alam ni Rocky ang tungkol doon. Sa totoo lang, sobrang protective non sa akin. Para ko na nga siyang Ate at kung sakaling malalaman niya ang tungkol doon, baka nagkaleche leche pa.

Naging classmate ko si Ash no'ng Grade 8 at doon nag start ang feelings at pagpapapansin ko sakanya. Noong mga panahon na 'yon ay hindi pa siya tinaguriang "Fuckboy" sa Campus.

Ang amo pa ng mukha niya n'on, at minsan niya na rin akong niligtas sa mga nambubully sa akin.
.
.
.
.

FLASHBACK

Do You Think I'm Pretty? [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon