Chapter 22
*Kinabukasan*
ROCKY'S
Mas maaga ako gumising ngayon kaysa sa dating gawi. 4:30 pa lang ng umaga. Kahit antok na antok, kailangan ko. Aasikasuhin ko pa kasi si Mama bago ako pumasok ng school.
Pagdating ko kasi kagabi ay naga-apoy na ito sa lagnat.
Sobrang taas ng lagnat niya at halos umabot pa ng 41°C. Sinabihan ko pa siyang pumunta na kami sa hospital dahil sobrang taas na nito at hindi na normal.
Kahit bobo ako, alam ko pa rin naman ang mga normal sa hindi 'no!
Pero ang tanging sagot niya lang sakin ay magiging okay din siya agad...
basta daw okay ako, ay magiging okay din siya kaya pinagpahinga niya na ako agad.
Nakakapagtaka nga dahil hindi naman ito dating sakitin, at ngayon lang siya nagkaganito. Sa katigasan naman ng ulo niya ay siya ang nasunod.
Bumaba naman na ang lagnat niya kaninang madaling araw, pero hindi pa rin ako mapakali.
Kasalukuyan akong nasa salas at nagluluto ng almusal. Buti na lang kahit papaano ay may alam akong lutuin.
Walang iba kundi ang...
Pritong itlog! Hehehe joke
Dinalhan ko na siya ng almusal sa taas. Kinuha niya naman ito sa labas ng kwarto niya. Hindi pa din ito pumapayag na pumasok ako kaya hanggang sa labas ko lang ito hinatid.
Pagtapos ay bumaba na ako para kumain. Nang pasadahan ko ng tingin ang lagayan ng mga condiments sa gilid ng platuhan ay may napansin akong kakaiba.
Nakalagay ito sa transparent na maliit na container, wala rin itong pangalan kung anong brand niya kaya lalo akong nagtaka.
Dahil curious ako ay lumapit ako dito at tinaktak ang laman 'non. Lumabas ang kulay pink na kasing liit at pino ng asukal, pero may mas maliliit pa itong butil na kulay puti basta, kakaiba.
Nagkibit-balikat na lamang ako at hindi ko na lamang 'yon pinansin.Binalik ko rin ito sa kinalalagyan nito kanina.
Baka mamaya ay kay Mama lang ang bagay na 'yon hehe.
Nang matapos ako kumain ay sakto namang may kumatok, tamang tama at nariyan na rin si Stella sa labas kaya nagpaalam na ako kay Mama para pumasok ng school.
.
.
."Did u saw Ryu? He's really back!"
"Of course, I saw him wearing his brooch!"
"He's really hot and handsome"
"I can't wait for the other Kings!"
"It's just that sad because Ash can't have that brooch, anymore"
Ang mga chismisan na iyon ang umaalingawngaw sa loob ng cafeteria pagkapasok na pagkapasok ko.
Aba't sino pa nga ba ang mga 'yon? Ang mga fans lang naman 'yon ni Ryu at Ash.
Tama naman sila, lalong umangas ang dating ni Ryu sa suot niyang brooch at lalong sumungit tignan.
Pero, ano ang ibig sabihin ng kaninang narinig ko?
"Ash can't have that brooch anymore" means, mayroon talaga siya 'non dati?
Lalapitan ko sana ang table ng babaeng nagsabi n'on pero agad akong hinawakan sa braso ni Stella para pigilan.
BINABASA MO ANG
Do You Think I'm Pretty? [ON-HOLD]
Genç Kurgu"Chaka man sainyong paningin, mas pangit naman ang nakatingin!" - Rocky Ellie Dion. N'ong nagpaulan 'ata ng kapangitan at kadugyutan, andon siya sa langit at nagdo-donate! Ang babaeng to the max sa kaswangitan, kadugyutan at kaastigan. Ngunit para s...