Chapter 8 - D.A.T.E.

3 0 0
                                    

Chapter 8 - D.A.T.E.
*********

"Galunggong galunggong kayo jan!"

"Tilapia mga suki! Sariwang sariwa!"

"Bili na kayo ng ubas! Seedless ito! 140 isang kilo na lang!"

"Tumpok ng saging! Bente na lang, bente na lang!"

"Samalamig samalamig kayo jan! Pamatid-uhaw!"

"Planggana planggana kayo jan! Matibay to mga mamimili!"

"Bananaque, Turon, Maruya kayo jan! Sampung piso lang!"

"What the?!"

Napaface palm ako ng marealize ko kung nasaan kami. Nalingon ko si Pandak na mukhang nag-eenjoy sa facial expression ko.

Sto. Niño Public Market

"Anong ginagawa natin dito?!" Nakahigh pitch kong tanong or rather, sigaw.

Umakto pa siyang nag-iisip bago sumagot. "Ahmm. Maglalaro ng habulan?" Sarkastikong sagot nito.

"Haha! So funny JM. Ano nga?" Naiinis na talaga ako!

"Sabog ka ba panget? Ano bang ginagawa sa palengke? Di ba mamimili?" This time, siya ang nang-irap sa akin.

Magkasalubong ang kilay na tinignan ko siya sa mata. "I mean, bakit dito? Pwede naman tayong mag-hypermarket o kaya sa SM ahh."

Bumuntong hininga siya saka kumurap-kurap. "Mas gusto ko dito. Mas sariwa ang tinda at mas mura. Hep! Wag mong sabihin na ikaw ang magbabayad kaya okay lang na mahal. Hindi naman sayo galing ang pera mo, sa parents mo pa rin. Saka, utang ito. Utang ko sayo, ayoko ng malaking utang."

Humalukipkip ako sa harapan niya saka nagpaypay. "Hindi naman kita sinisingil e. It is a voluntary act. Okay fine. Dyan na tayo mamili just stop lecturing. Daig mo pa yung mga teacher natin e." Inirapan ko siya saka nagpatuloy sa pagpapaypay.

Just Love Me Right ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon