Chapter 9 - Nerdy Cutie

5 0 0
                                    

Chapter 9 - Nerdy Cutie
*********



Entry #101

Dear Pinky,

May problema ba ang puso ko? May sakit ba ko? Kanina kasi, ang bilis ng heartbeat ko at ang abnormal ng tunog. Tapos, feeling ko may sira na ata ang eyes ko. Gumagwapo kasi si Pandak sa paningin ko! Hindi kaya, may gusto na ko-- WAAAAAAAH! NO WAY! Erase erase!

**********

"So settle na ba lahat? No more questions?"

Sabay-sabay na umiling ang mga nandito. Well, Friday ngayon. Nasa vacant room ako para magmeeting kasama ang mga kagroup ko sa Intrams. Ako ang na assign na leader! Wow di ba? Haha.

"Okay. So yun lang muna. Sa mga naassign sa iba't ibang work, I want your report as soon as possible. And for the schedule, kung sino man ang makakakita agad, kindly inform me. So yun lang, thank you for your time." Nakangiti kong sabi sa lahat.

Isa-isa na silang nagpaalam at lumabas hanggang sa kaming apat na lang ang natira. (Ako, JM, Trixie and Marven). Maarte kong umupo. Napagod ako doon ah. Tinignan ko si Jay ng masama. Siya kasi ang nagnominate sa akin na maging leader.

"Oh oh oh! Anong tingin yan panget?" Nang-aasar na sabi ni Jay.

"Nakakaasar ka!" Pinandilatan ko siya ng mata. Gusto ko siyang sabunutan.

"Bakit ka naman naaasar kay JM Fei? Ayaw mo bang maging leader?" I can hear curiosity in Marven's voice. Mabilis akong umiling. Hala! Baka maturn off sa akin si Marven.

"Hehehe. Hindi ah! Gustong-gusto ko kayang maging leader!" All smile pa ko nung sinabi ko yun. Syempre, paimpress kay Marven.

"That's nice. Don't worry, tutulungan kita kung gusto mo." Nakangiti rin na sabi ni Marven. Haaaay. Ang smile niya talaga, nakakainlove. I nodded saka pasimpleng inipit yung buhok ko sa likod ng tenga ko.

"Tara na. Uwi na tayo. Sumakit yung ulo ko sa History kanina." Nakalabing sabi ni Trixie habang nakahilig kay JM. "Tamad ka kasing magmemorize ng mga dates. Haha! Hatid na kita." Sagot ni Jay habang iniikot-ikot yung buhok ni Trixie.

Just Love Me Right ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon