Chapter 38 - Nearness

2 1 0
                                    

Chapter 38 - Nearness
**********

Hindi natuloy ang pagpunta ng pamilya ni JM sa bahay nung Christmas dahil may nauna na pala silang plano. Pero this countdown to new year, umoo sila na dito magcecelebrate with us. Pupunta rin dito sina Tito Ed (siya yung kapatid ni Itay na nagmamanage nung resto) kasama yung asawa at mga anak niya.

"Nay, nasa may entrance na raw sila JM!" Pag-iinform ko kay Inay na nasa kitchen at nagreready para sa pagluluto. Tutulong kasi si JM sa paghahanda ng media noche. Alam nyo naman yung boyfriend ko, pangarap maging chef.

"Queen, magpahinga ka na dito! Hayaan mo na si Ed ang magluto. Mapapagod ka pati si baby August." Rinig kong pagmamaktol ni Itay. Nasa Kitchen-Dining din sina Tito Ed at Tita Em (asawa niya). "Alam mo namang mahal na mahal ka ni Kuya kaya ayaw kang mastress." si Tito yun. Hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin or maasiwa sa kanila. Feeling teenagers talaga itong parents ko pati sina Tito. Puro pacute ang naririnig ko. Buti na lang talaga at hindi ako pumunta sa pwesto nila.

"Good afternoon po. Tara pasok kayo." Ako na ang nagbukas ng pinto para kina JM.

"Nandito na sila!" Sigaw ko. Magkakasunud na lumabas sila Inay, Itay, Tito Ed at Tita Em. Ayun, nagkuwentuhan sila ng kung anu-ano most especially sa mga pagkain later. Hinatid ko sina Chia at Mae (yung isa pang sister ni JM) sa Entertainment room namin. Nandoon si Kasey pati yung dalawang anak ni Tito. Halos magkakasing-edad lang sila maliban sa amin ni Kasey. Nakipagkulitan at naglaro kami habang busy ang iba sa pagluluto.

-

"HAPPY NEW YEAR!!!"

Sabay naming sigaw ng pumatak sa 12am yung orasan. Sa garden kami nagset ng media noche. Nagpaputok kami ng pop-pop at nagpailaw ng lusis at fountain. After nun, kainan na!!! Yung mga kasambahay namin pati yung driver na hindi umuwi sa probinsya nila,, kasama rin namin sa party na ito.

Grabe! Ang sasarap ng mga pagkain! Busog na busog yung mata at tiyan ko! Nakailang kuha na nga ako e. Haha!

"Oy dahan-dahan. Ang takaw mo!" Pagpuna sa akin ni JM pagbalik ko sa mesa, kami ang magkatabi sa isang long table na sinet namin nila Inay. "Masharhap kashi e!" Pagsasalita ko kahit may laman ang bibig ko. Nagmake face ito saka pinunasan ang gilid ng labi ko. "Manners Panget." Pagpapaalala nito. Nagpeace na lang ako para magsorry sa kanya.

Kahit walang sinasabi sa akin si JM, alam kong nasabon na siya ni Tito at Itay kanina nung preparation ng food. Parehong protective yun, mas malala lang si Itay dahil may babae siyang anak, which is kami ni Kasey. Pero siguro naman, hindi nila papalayuin si JM sa akin di ba? I mean, wala kami sa Telenobela plus, OA ang imagination ko.

Nagdedessert na kami nang tumayo sa gitna si Inay na kasunod si Itay. Self-proclaimed host sila. "Gift-giving na tayo! Pero kung wala, it's fine naman. You're presence is more enough. Mauna ka na King." Sabi ni Inay saka bumaling kay Itay. Nagsmile muna si Itay bago lumapit sa desk kung saan nakapatong yung mga gifts. Lahat kaming nandito ay may presents si Itay. Si Inay yung huli niyang inabutan. Umirit kami ng halikan niya ito. PDA much! Hahaha! Lahat ng mga thunders ay may regalo sa bawat isa sa amin na narito. May mga pera talaga e! Haha!

"Ma'am, Sir, tanggapin nyo po itong munti naming regalo para sa inyo." Pagsasalita ni Manang, isa sa mga kasambahay. Inabot nila yung gift kay Itay. Nakakatouch na nag-effort sila for us.

"Panget..." Nakanguso kong nilingon si JM. Seriously?! Yun talaga ang endearment nya sa akin! Kinuha niya yung kamay ko at may nilagay doon. "Simple lang yan pero sana magustuhan mo." Sinilip ko yung binigay niya na nasa maliit na pouch. Necklace ito, gawa sa stainless at may heart-shaped pendant. Nang salatin ko ito, parang may naka-engrave. Later ko na lang aalamin kung ano yung naka-engrave. I smiled to him. "Thanks Pandak! Oh." Nahihiya ako! Inabot ko na rin sa kanya yung regalo ko.

Just Love Me Right ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon