Chapter 33 - Dreams

2 1 0
                                    

Chapter 33 - Dreams
*********

"Ang arte mo talaga, hindi ka naman kagandahan. Fine, I will court you, para lang sa kaartehan mo, okay?"

Ngumiti ako sa kanya at tumango. Kinikilig talaga ako e. He slowly closed the gap between our faces and capture my lips.

Wait... Si JM ba itong kakissing scene ko?

Napabalikwas ako ng bangon. Naalimpungatan ako dun ah. Nanlalaki ang mga mata ko at bahagya nakaawang ang aking mga labi. Nang marealize kong mukha akong tanga sa itsura ko, dyosang tanga I mean, humiga ulit ako sa kama ko. Kinapa ko yung iPad sa side table at nagplay ng kahit anong music mula doon. Tumagilid ako at niyakap si Yosa, yung teddy bear ko.

Ang weird ng panaginip ko, kasing weird ng utak ko. Of all people, si James Marco Devega pa talaga ang makakasama ko sa ganoong klaseng panaginip! Tumihaya ako habang yakap pa rin si Yosa. Nakipagtitigan ako sa kisame ko na may kung anu-anong anek na nakadikit.

His soft lips touched mine.
It was so sweet.
It was magical.


"WAAAAAAAAAAAH!" Tili ko saka nagpagulong-gulong. Bwisit naman! Ano yun? Bakit may ganoon? Bakit may flashback ng panaginip?

Buti na lang at nakatakip sa bibig ko si Yosa, kung hindi, magigising na ang lahat dito sa house dahil sa lakas ng sigaw ko.

"What's wrong with me? Bakit pakiramdam ko totoo yun? Aaargh! Nakakahiya ito!" Ginulo-gulo ko pa yung buhok ko sa inis. Umupo ako at sumandal sa headboard.

"Okay Fei, panaginip lang yun. Dream only. Hindi ka inaya ni JM na maging kayo at lalo hindi kayo naghalikan! Produkto lang yung ng dyosa mong utak. Wuuuh! Ang witty mo talaga bes!" Pagkukumbinsi ko sa sarili ko. Napangiti na ko. Tama, wala lang talaga yun.

Napatingin ako sa braso ko at napasimangot. Meron akong dalawang mahabang kalmot doon. Hmmp. Impakta talaga yung si Remy! Ang kapal ng face na sugatan ang malaporselana kong balat! Bumilog ang mga mata ko dahil sa naalala. Oh my gosh! Inispeksyon ko pa mabuti yung sugat ko para makumpira na totoo ito at hindi ito drawing.

"It is real! It is real! Nesfruta- ay ano yun! Totoong kalmot nga! Akala ko kasama rin yun sa panaginip ko! Oh.no."

Napatalon pa ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Para akong nasa horror film kung kumilos, palinga-linga. Napigil ko ang paghinga ko ng makita kung sino ang tumatawag.

SI JAMES MARCO!!! Anong gagawin ko? Oh my gosh! Oh my gosh! Ibabato ko na sana yung phone ko nang marealize kong mahal pala ito kaya wag na lang.

Nagpakawala ako ng sunud-sunod ng paghinga bago pinaypayan ang sarili. Bakit parang uminit dito? "Fei, umayos ka! Stay confident! Woooh!" Mababaliw na ata ako sa kakausap sa sarili ko. Hay naku!

"Hoy! Bakit ka napatawag?" Buti naman at hindi ako nabulol.

["Good morning din girlfriend! Napakasweet mo talaga noh."] Sarkastiko ang boses ni Jm mula sa kabilang linya.

"Hoy! Anong girlfriend ka dyan?!" Nanlalaki na naman ang mga mata ko.

["May amnesia ka ba? Sinagot na kaya kita kahapon."] Kahit wala siya sa harap ko ay alam ko ng nakangisi na ang pandak na ito.

"Anong sinagot? Hindi kita nililigawan noh! Ang chixx mo naman!" Nanlalaki na rin ang butas ng ilong ko tapos may lumalabas ng usok mula dito.

["Ang pabebe mo panget. Pagkatapos mong sabihin sa akin na willing ka pa ring manligaw kahit na tayo na, ganyan ka. Pinagsamantalahan mo pa ang mga labi ko! I felt so used."]

Just Love Me Right ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon