Chapter 14 - Attempts

3 1 0
                                    

Chapter 14 - Attempts
**********

Tick tock tick tock tick tock


"Bubuksan ko ba o huwag muna?"

Mula kaninang pag-uwi, pinag-iisipan ko yung binigay ni Miss Esther. Yung envelope na kulay red. Pagulong-gulong ako sa kama habang hawak-hawak ito. Naku-curious kasi ako sa laman e. Parang tali lang.

"It's now or never!" Umupo na ako at akmang pupunitin na nang biglang may kumatok. "Ate, pwedeng pumasok?" Boses ni Kasey yun.

"Sige lang." Basta ko na lang itapon sa kung saan ang hawak ko. Haha! Medyo baliw e. "Ano yun Sis?" Tanong ko sa kanya pagkapasok niya. Humilata siya sa tabi ko saka inabot ang hawak niyang white envelope.

"Dumating yan kaninang 3pm." She said then grabbed my hello kitty stuff toy and hugged it.

Tinignan ko yung binigay niya. Ito ata yung sample invitation para sa debut ko. I carefully took the card inside the envelope. "Wow!" Ang ganda nung invitation. Nasunod talaga yung sinabi ko pati na rin yung iniimagine ko. Goddess talaga yung theme.

"Approve ba sayo?" I heard Kasey's voice. "Super! Ang fabulous nito!" Humiga ako sa tabi niya at niyakap siya. "Para saan tong yakap?" Tanong ni Kasey pero niyakap na rin ako pabalik. Bale nasa gitna namin si Hello Kitty. "Wala lang. Gusto ko lang. Hahaha!"

"Tama yung sinabi ni Inay. Magugustuhan mo. Sabi niya pala, pumunta daw tayo kay tita Mela bukas. Magpapasukat daw." - Kasey

Tumango lang ako. Tahimik lang kaming magkayakap nang kumalas na si Kasey at umupo. "Tulog na tayo. May pasok pa bukas. Good night." She kissed my forehead. Nasa tapat na siya ng pinto ko ng tawagin ko siya. Lumingon naman siya sa akin.

"Kapag ba may gusto kang makuha, hihintayin mo na lang ba itong dumating o gagawa ka ng paraan para mapasaiyo ito?" Tanong ko.

She stand quietly for a few minutes. Nakitingin lang ako sa kanya the whole time at pumapasok lahat sa utak ko yung sinabi niya. Kahit ayaw ko, it slowly infect me.

"Good night ate. Sweet dreams." Nakaalis na siya pero nakatulala pa rin ako. Minsan talaga, pakiramdam ko, mas matanda si Kasey sa akin. Hanggang sa pagtulog ko, which is I doubt if I really sleep, yun mga sinabi niya pa rin laman ng isip ko.

***

Walking dyosa zombie

Ramdam ko yung tingin ng mga estudyante sa akin. Ngayon lang ba sila nakakita ng dyosa ng parang zombie lumakad? Hindi talaga ako nakatulog kagabi. Narealize ko kasi na tama si Miss Esther. Hindi palaging okay ang maghintay. Paano kung sa mga panahon na naghihintay ka na marealize niya na ikaw ang gusto niya e biglang may ibang umeksena? Paano kung maagaw niya? Love will not always wait, sometimes you have to chase for it. Parang chance, hindi ka sigurado kung may pangalawa pa. Kaya habang nandyan pa, gumawa ka ng paraan.

Just Love Me Right ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon