Chapter 30 - Step by step

2 1 0
                                    


Chapter 30 - Step by step
**********

♬Nice to meet you, where you been?
I could show you incredible things.
Magic, madness, heaven, sin♬

"TIME OUT MUNA!!!"

Maarteng nagpadausdos sa sofa si Biance. Ako naman umubob sa glass table nila Maryse at ginulo ang buhok. Shocks! Exhausted na yung brain ko!

"I think puputok na yung utak ko friends! Huhuhu! Grabe ituu~" Narinig kong palahaw ni Biance. Tinaas ko yung kamay ko at itinaas ang hinlalaki. "Agree bes. Na-pak ganern na yung brain cells natin!" Dagdag ko. Ginulo-gulo ko ulit yung buhok ko. Tumawa ng mahina si Maryse after naming tumili ng sabay ni Biance. Buti pa itong bff namin, effortless talaga sa pag-aaral. Fresh pa rin up to now. Kami? Mukha ng tuyo at bilasa.

"Pahinga muna kayo dyan. Kukuha lang ako ng pagkain sa baba." Naramdaman ko ang paggalaw ni Maryse sa tabi ko pati ang pagsara ng pinto.

Inaantok na ko. Ang aga ko pa namang gumising para magbake. Aiiiish! Bakit naalala ko pa? Iidlip nga muna ako para maerase yun.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nakaidlip, basta nagising na lang ako dahil sa isang mahigpit na yakap. Sinubukan kong umalis mula sa yumayakap sa akin kaso ayaw bumitaw.

"May galit ka ba sa akin?" Tanong ko sa mahinang boses saka marahang dumilat. Nabungaran ko ang nag-aalalang mukha ni Yeol. Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko at hinigpitan ang yakap sa akin.

"O-oy. Papatayin mo ba ako? Bitaw nga. Ang higpit mo namang yumakap." Tinulak-tulak ko pa siya para bumitaw pero hindi naman niya ginawa. Ang kuliiiit!~ Niluwagan lang niya ang pagkakayakap sa akin. Hinayaan ko na lang. Nakakapagod makipagtalo kay Yeol, hindi ka rin kasi mananalo.

"Anong drama mo Yeol?" Tanong ko sa kanya afterwards. Nasa study area pa rin ako nila Maryse. Nakita ko silang dalawa (si Maryse at si Biance) na parehong nakahiga sa lapag. Nakapikit si Biance, habang nagcecellphone naman si Maryse.

"Are you okay? Bakit hindi namamaga ang mata mo? Sorry ngayon lang ako nakarating dito, kagigising ko lang e. Tarantadong Timothy yun!" Inalis niya yung pagkakayakap sa akin saka kinulong ang mukha ko sa malalaki niyang kamay.

"I'm super duper fine! Ang O.A. mo bebe Yeol! Teka kanino mo pala nalaman na nandito ako?" Tanong ko sa kanya. Niyakap niya ulit ako at hinaplos ang buhok ko. "Tinext niya ako kanina Fei, ako ang nagsabing nandito ka." Nilingon ko si Maryse na nakatingin na pala sa akin. Tinanguan ko siya saka bumaling na ulit kay Yeol.

"Papalumpo ko yung Artayde na yun- ay hindi! Ako na mismo ang bubugbog sa tarantadong yun! Motherf*cker! Asshole!" Naramdaman ko ang paninigas ng kalamnan niya. Galit ang lolo nyo! Hinawakan ko ang kamay niyang nakakuyom at hinaplos ang braso niya.

"Baliw ka! Makukulong ka dahil doon noh! Umayos ka nga!" Yung kaninang paghaplos ko sa kanya ay naging hampas. Tumayo pa ko at sinabunutan ko pa siya. "Aray! Fei! Bakit ako ang binubugbog mo?!" Pilit na tinatanggal ni Yeol yung kamay ko sa buhok niya. Nang maalis niya ay niyakap niya ulit ako, mas mahigpit this time. "Ayan! Para di ka makapanakit!" Sigaw niya sa akin. Tumawa ako saka yumakap pabalik sa kanya.

"Really Yeol, ayos lang talaga ako. Oo masakit pero hindi naman ito deadly. Malayo sa bituka."

"Anong malayo? Malapit lang ang puso sa intestines Fei. And, heart is a vital organ to us. Mahirap kumilos kapag wasak ang puso." Tinignan ko si Biance na nakatagilid at nakaharap sa amin. Aba! Gising pala ang bruha.

"Ang talino ng arrive mo dun bes!" Nagbibiro kong sagot. Nagmake face lang siya sa akin saka bumalik sa pagiging serious face.

"Fei, kung gusto mong umiyak, hindi ka naman namin pinipigilan e. It's better nga e, atleast, nailabas mo yung nararamdaman mo. Hindi yun pinipigil mo." Panglelecture ni Sister Biance. Hahaha! Napapalatak ako sa umalis sa pagkakayakap kay Yeol.

Just Love Me Right ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon