Chapter 39 - Conflict between us

9 1 0
                                    

Chapter 39 - Conflict between us
*********

"Pero ang bilis talaga na naging kayo ha? Hindi man lang dumaan sa ligawan stage! Label agad!" Sabi ni Biance nang minsan kaming tumambay sa bahay nila. Saturday nun at naisipan naming magsleep over sa palasyo ni B.

"Hindi makamove on sa topic na yun B? Di ba nga, he want to help me na maisampal sa mukha ng ex ko at gf nitong hipon na may bago na ko!" Nakataas ang kilay na sabi ko habang yakap yung unan niya.

"Mala-saint pala ang drama ni JM ah. Bwaahahahahaha!" Binato ko ng unan si Biance ng tumawa siya na parang bruha.

"Pero seriously? Yun na yung dahilan niya? Para kasi sa akin, hindi iyun acceptable. There must be something. Ahh! I can't explaim it!" Dagdag pa ni Biance na ginulo ang buhok. Nilingon ko si Maryse na nakataas ang sulok ng labi. Itinaas nito ang hinlalaki.

I just shrugged about it. I don't mind it.

-

It's too obvious. JM is in love with Trixie. Yung notebook niya na napulot ko ay naglalaman ng mga tula at composition niya. Karamihan sa mga nakasulat doon ay tungkol sa pagmamahal sa kaibigan, an unrequited style of love about best friends. Isa sa mga tumatak sa isip ko yung poem niya na may pamagat na 'Irish'.

For your smile lights my world
Your cry breaks my heart.

I value that one you valued.
And take care of them the way you want.

Halata naman na para ito kay Trixie. Second name niya ang Irish. Kung may gusto pala si JM sa best friend niya, bakit hindi niya ito niligawan? Ano, natorpe siya? Natakot masira yung magandang friendship nila?

Duh! Life is a risk kaya. Kung hindi susugal, walang mangyayari noh!

"Uy pandak!" Kinulbit ko ang braso ni JM. "Oh? Bakit?" Nilingon niya ako at binaba yung librong binabasa.

"Sinong first love mo?" Walang preno kong tanong. Kita ko ang gulat sa mata niya. I want to know kung aamin siya.

"Baki mo natanong?" Bumalik ito sa pagbabasa. Aba! Bastos na bata! Hinampas ko siya ng malakas sa braso. "Manners ha?! Kinakausap kita tapos bigla kang magbabasa?"

"Napakamapanakit mo!" Pumorma na ito na kukutusan ako pero inunahan ko siya. "Babae ako! Be gentleman pandak!" Pinandilatan ko siya ng mata. Ngumisi ito saka nagngalumbaba. "Totoo ka bang babae panget? Di ba nagparetoke ka lang?"

Inaboy ko yung buhok niya at sinabunutan siya. "Arayyy! Oo na. Babae ka na! Matatanggal na yung anit ko! Bitaw! Ouch!" Sigaw nito. Nag-irapan kami sa isa't isa pagkatapos ko siyang bitawan.

"Sino nga yung first love JM?" Tanong ko ulit. "Hindi mo talaga bibitawan yung topic na yan?" Nakapoker face na sagot nito.
"Yup. Ang dali lang naman ng tanong ko ha?"

"Don't push it Lorelyn. I won't tell you." Ang scary ng tono ni JM kaya tumahimik na ko.

Bakit ayaw niyang sabihin? Hindi ba niya maamin sa sarili niya ang bagay na yun? Nakakainis! Napanguso ako sa idea ko.

"E have you ever been in love?" Panibagong pagtatanong ko. Bumuntong hininga ito saka tinignan ako. "Anong trip mo panget? Bored lang?" Ayan na naman yung mapang-asar niyang ngisi.

"Sumagot ka na lang noh!" Inirapan ko ulit siya. Natatawang nagtaas ito ng kamay. "Easy! Yes to your question. I'm actually in love." Nakangiting sagot nito.

"To whom?"

"To a wonderful girl. She's beautiful, witty, a bit maldita but lovable. She can make every man notice her without too much effort." His eyes beamed while saying those matters. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko kaya yung intensity na nilalabas ng mata niya.

Just Love Me Right ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon