Chapter 24 - Lover and Hater

3 0 0
                                    

Chapter 24 - Lover and Hater
**********


Ngiting-ngiti ako pagpasok sa bahay. Naabutan ko pa si Kasey na kumakain ng ice cream sa living room.

"Masaya ka ata Ate?" Tanong niya sa akin matapos kong maupo sa tabi niya. Nginitian ko siya saka ngumanga. "Penge!"

"Pabebe! Umalis pala sila Itay. Two weeks daw sila sa Japan, may business proposal sila e." Pag-iinform niya sa akin habang sinusubuan ako ng ice cream. "Pero di nga sis, bakit parang iba yun aura mo? May nangyari ba?" Curious na tanong nito. Hindi inaalis ni Kasey ang tingin niya sa akin. Inipit ko ang buhok ko sa likod ng tainga.

"E kese, mey boyfriend ne ke. Herherher!" Pilipit ang dilang sagot ko. Tumingin siya sa akin na parang hindi makapaniwala saka tumawa. "Ang arte ng pagkakasabi ah. Well, congrats ate. Iyan ba yung kaMU? Si Timothy?"

Tumango ako sa kanya. Nang maubos na namin yung ice cream, umakyat na kami sa kanya-kanya naming kwarto. "Good night ate. I love you." Sabi ni Kasey na nakatayo na sa harap ng silid niya. Niyakap ko siya. "Good night din sis. Mahal ka rin ni ate."

***

Kanina pa ko nakahiga sa kama pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Masaya talaga ako. Si Timothy ang first boyfriend ko sa buong senior high school ko. Ramdam ko naman na mahal niya ako at alam ko sa sarili ko na, I'm falling for him also.

Teka, hindi pa pala ako nakakapagpost sa IG at twitter ng new status ko.

"Anong meron at nakagroup video call tayo?" Tanong ko kina Biance at Maryse. Pag-open ko kasi ay may incoming video call from them. Mukhang hinintay talaga nila ako.

["Friend!!! Kayo na ba?! Official na?!"] Nakasigaw na tanong ni Biance. Napansin kong pare-parehas kaming nakahiga na. Si Maryse, nagbabasa na naman.

"Paano mo nalaman B? Yes, kanina lang." Tumili si Biance pati ako. Sabog feels na! Kanina ko pa gustong may makausap e. Kailangan ilabas ang nararamdaman! Haha! ["Sabay pa talaga kayong tumili. Sakit sa tainga."] Inirapan kami ni Maryse. Tinago na niya yung binabasang libro, hindi na rin kasi niya maiintindihan yun dahil sa ingay namin.

["Di ka pa ba nag-oopen ng Twitter at I.G.? May post si Tim. Nakatag ka pa nga gaga!" - Biance]

"What!? Wait. Kunin ko lang yung lappy ko." I disconnected. Sa laptop, nag-log in agad sa Facebook ko habang chineck ko naman yung IG ko sa phone. I accepted their video call again.

Just Love Me Right ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon