Chapter 27 - Lame

4 1 0
                                    

Chapter 27 - Lame
**********

We never know what will happen next. Just like the weather, there are a lot of things that unpredictable.

---

I keep on giggling while tapping my phone. Katext ko si Timi. Break time ko at siya ay nasa klase nila but he said na wala pa raw yung teacher nila. He's giving me his corny pick up lines.
Baliw talaga.

~

To: TimiKo ❤

Ang mais mo Timi. Haha!
Hey, wala pa rin ba ang teacher nyo?

~

From: TimiKo ❤

Korni man, at least mahal na mahal ka. ;)
Nandito na si Sir, kanina pa.

~

To: TimiKo ❤

Bakit ka pa nagrereply? Makinig ka na uyy!

~

Sira to. May teacher na pala pero go lang sa pagrereply.

~

From: TimiKo ❤

Hahaha! Ayos lang yan mine. Boring kasi magturo ni Sir. >:)
Mas enjoy kayang katext ka.

~

To: TimiKo ❤

Bola! Basta! Makinig ka na. Later na tayo magtext.

~

From: TimiKo ❤

Iiiiiiihhh! :3 Mamimiss kita agad mine.

~

To: TimiKo ❤

O.A. much Tim? Haha! Sige na, mamaya na lang ulit. Magagalit na talaga ako. -_-

~

From: TimiKo ❤

WAAG PO! T___T Opo, makikinig na ko kay Sir kahit parang lullaby yung boses niya. I love you Fei. :*

~

To: TimiKo ❤

Love you too. ❤❤❤

~

"Fei, baka gusto mo ng tumigil sa katetext? Di mo na matapos-tapos yang kinakain mo oh! May gagawin pa tayo oyy!"

Dahan-dahan kong tinaas ang tingin ko kay Biance na nakaupo sa harap ko. Nasabi ko ba nasa garden kami at kasama ko sila? Kung hindi pa, ayan na.

Sobrang taas ang kilay ni Biance na nakatingin sa akin. "Problema mo B?" Takang tanong ko sa kanya saka sinimulan na ulit kumain.

"You." Maikling sagot nito. Tumayo siya at tinapon ang pinagkainan nila ni Maryse. Pagbalik niya ay inirapan niya ako. "Anong ako? Anong ginawa ko?" I look at her.

"Puro ka kasi Timothy! Not that I'm jealous ah! Don't you notice na napapabayaan mo na yung pag-aaral mo?" Biance hissed.

"Hindi ko pinapabayaan ang pag-aaral ko! May problema ba kung maglaan ako ng time para sa boyfriend ko? Di ba ganoon ka rin naman kay Iggy?" Mataas na ang tono ng boses ko. Tuloy lang kami sa pagsasagutan ni Biance. Mahahalata sa amin ang tensyon dahil sa parehong mataas ang tono namin. Lumapit ako sa tabi niya at hinatak ang buhok niya. Mabilis naman itong gumanti sa akin. Syempre, hindi ako papaapi!

Just Love Me Right ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon