Chapter 11 - Heartbeat for U

3 1 0
                                    

Chapter 11 - Heartbeat for U
**********

*tokitokitokitokitoki*

Haaaayts! Heartbeat! Ano bang problema mo? Bakit ang abnormal ng tunog mo?!

Tahimik lang kaming nakaupo ni Jay sa may field habang may nagsa-soccer. Pasimple ko siyang tinitignan. Nakakaasar kasi up to now, nagrereplay yung mga sinabi niya- not the 'shokoy' part ah. Hindi tuloy akong makapagconcentrate sa panonood sa laro ni Marven.

"May sasabihin ka ba?"

I startled a bit. "What?"
This time, lumingon na siya sa akin. Halos magkapantay lang yung upper body namin, kaya saktong eye to eye kami.

"Sabi ko, may sasabihin ka ba? Kanina ka pa patingin-tingin e." JM

Heat rushed to my face. Nanlaki ang mga mata ko at napakagat ako sa labi. "W-wala. Ano, aalis na ko. Magreready pa ko e. Malapit ng mag-5pm." Tumayo na ko saka pinagpag ang palda.

"Saan ka pupunta Leader?" Tanong ng isa sa mga kagrupo ko. "Sa locker area. Malapit ng ang swimming e. Kayo na bahala sa mga kateam natin." Nagtanguan sila sa akin saka nagthumbs up. Tumayo na rin pala si JM.

"Sabay na tayo. Pupunta na rin naman ako sa music room e." - JM. I just nodded saka naglakad na. Magkalapit lang yung locker area sa music room kaya pwede kaming magsabay. Pero binilisan ko na yung lakad ko.

"Hintayin mo naman ako Panget! Ang bilis mong lumakad e!" Nahabol ako ni JM saka inakbayan. Inalis ko yung braso niya sa pagkakaakbay sa akin. "Wag mo nga akong akbayan! Ang bigat ng braso mo!"

Ngumiti siya saka binatukan ako. Ang gentleman niya noh? *insert sarcastic tone to the nth power* At hindi ako papayag na di ako makakaganti. Sinenyasan ko siya na may ibubulong ako. Nilapit niya yung tainga niya sa akin. Ngumiti ako saka binatukan ko rin siya ng mas malakas!

"Aray! Ang bigat talaga ng kamay mo Panget!" Nakasimangot ito habang hinihimas ang ulo niya. Inirapan lang siya. "Ikaw ang nauna. Gumanti lang ako."

Mas unang madadaanan yung music room. Nasakto naman na palabas si Yeol nung nandoon na kami. "Mark! Sakto ang dating mo! Hahanapin na sana kita e. Bakit kayo makasama?" Palipat-lipat ang tingin niya kay JayMark at sa akin. "Nagkasabay lang. Pupunta siyang locker area." Sagot ni Pandak.

Just Love Me Right ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon