Chapter 21 - Debutant Dyosa

3 0 0
                                    


Chapter 21 - Debutant Dyosa
**********


"Bitaw na. Nagugutom na ko." Inalis na ni Maryse ang pagkakayakap niya at tinulak kami ni Biance. "Matakaw ka talaga!" B teased her saka nakipag-apir sa akin.

"Wow ha? Nahiya naman ako sa inyong dalawa." Inirapan niya kami. Naupo na sa harap namin sina Yeol, Iggy at Kiko. Ipinatong ni Kiko yung plastic na hawak niya. Mga tatlo siguro yun.

"Ano yan?" Tanong ko. Isa-isa ng nilabas ni Yeol yung laman ng plastic. Wiiih! Pagkain pala. "Hinahanap namin kayo kanina pa para sabay-sabay tayong maglunch. Tapos naisip ni Ryse baka nandito kayo." Pagpapaliwanag ni Yeol. Ipinuwesto na nila yung mga pagkain sa harap namin.

"Yiieh! Alam mo talaga kung nasaan kami. Nakakatats!" Parang bulateng sabi ni B at akmang ikikiss na naman si Maryse. Iniharang niya ang kamay niya sa mukha ni Biance. "B! Puro laway mo na yung mukha ko dadagdagan mo pa?" Mataray na saad ni Maryse. Naka-'Leil' mode ata siya. Iyon ang term na ginagamit namin kapag nagmamaldita si Maryse.

Nagpout si B at tumabi kay Miggy. "Chungit! Meron ka ba?" Kumapit siya sa braso ng kasintahan. Nanlaki ang mata ni Maryse at nambato ng French fries. "Babe oh! Nang-aaway si 'Leil'!" Diniin niya pa yung word na Leil saka nagtago sa likod ni Iggy nang mambato ulit si Ryse.

"Ryse, wag magtapon ng pagkain. Kumain na tayo! Nagugutom na rin ako e." Yeol said. Kahit na kumain na kami ni B kanina, kumain pa ulit kami. Haha! Marami kasi silang dala e, saka mukhang masarap.

"Nakabili na kayo ng dress para sa debut ko?" I asked after we finished eating. Nagdedessert lang kami ng cookies. B raised her thumb while Maryse nodded. "Ahm. Kiko, Iggy, attend kayo sa debut ko. Here!" Buti na lang at may sobra pang invitation.

"Sure! Saan ba to gaganapin?" Nakangiting inabot ni Kiko at Miggy yung card. "Sa hotel namin, Queen Auberge. I expect you there." I said smiling. Five minutes before 1pm ay naglakad na kami papuntang room. Magkatabi lang ang classroom namin kila Iggy.

"Babe, pasok na kami. Mamaya na lang ulit." Nagkawayan lang sina Biance at Iggy, bawal kasi ang PDA sa corridor, well sa buong school naman, bawal e.

"Maryse, wait lang." Kahit si Maryse lang ang tinawag, nagstay pa rin kami ni B. Pumasok sandali si Kiko sa room nila. "Oh, pamunas." Pagkalabas niya ulit ay may dala na siyang wet wipes at inabot ito kay Maryse.

Just Love Me Right ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon