Chapter 7 - Hindi Pwede

3 0 0
                                    

Chapter 7 - Hindi Pwede

[Fei's POV]

Para akong- No! Erase that! Para kaming zombie na lumabas ng classroom. Katatapos lang ng exam namin sa Trigo. At as usual, dumugo na naman ang utak ng karamihan sa amin. Nakaalalay si Yeol sa akin, hawak niya ako sa bewang ko.

"Ano bes? Buhay ka pa ba?" Nang-aasar na tanong ni Yeol. Kung maayos lang siguro ang pakiramdam ko, nasabunutan ko na siya. Pero dahil naubos ang energy ko, papalampasin ko ito.

"Tuyo na ata ang brain ko Yeol.
Huhuhu. Libre mo ko ng shake plisss?"

He chuckled. "Nagdrama ka pa, magpapalibre lang pala. Tsk. Tara na nga." Umayos na ko ng tayo saka nagtatalon-talon sa harap niya. "Mukha kang tanga Lor. Tama na yan. Haha! Maryse, B! Tara na!"

Saktong lumabas na rin sila. Si Maryse, chill lang habang si Biance ay parang nabaliw dahil ang gulo ng buhok.

"Ano Bian? Keri pa ba? Hahaha! Mukha kang si Sisa." Pang-aasar ko.

"Lychee talaga yang Trigo na yan! Saka, magkapagsalita ka naman Fei, para di ka ganito kanina. Nauna ka lang makapag-ayos at maenergize." Nakairap na sabi ni Biance saka kumuha ng suklay at salamin.

"Manlilibre kasi ako kaya ayan! Nabalik na sa sarili." Yeol said. Lumapit siya kay Maryse at nag-usap ng mga problem kanina sa exam. Susko! Ayokong marinig. Hahatakin ko pa lang si Biance nang kusa na siyang lumapit sa akin at lumayo sa dalawang iyon. Pareho kasi Math Wizard kaya nagkakaintindihan.

"Please Fei. Kung magbabanggit ka lang din naman ng kahit ano about sa exam, stop. Mababaliw na ko ng tuluyan!" Maarte pa itong nagpaypay habang sinusuklay ang buhok.

"No worries. Para namang may maaalala ako doon noh." Nagpaalam muna ako sa kanila na pupunta akong C.R.

***

Bago bumalik sa tapat ng room namin, dumaan muna ako sa locker ko para kunin ang Filipino book ko.

Napalingon ako sa kaliwa ng may kumaluskos. Ano yun? Nang wala namang lumabas ay kinuha ko na yung book ko. May kumaluskos na naman. Ayyy! Ang creepy naman nito.

"May tao ba jan?" Luminga-linga pa ako para makasigurado. Wala naman e. Nagmamadali kong sinara ang locker ko. I want to get out of here.

Just Love Me Right ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon