Chapter 13 - With the Girls

3 1 0
                                    

Chapter 13 - With the Girls
**********

Mga three minutes na siguro akong nakikipagtitigan sa phone ko. Hindi ko pa rin maabsorb fully yung message nya e. Nakakaasar naman!

"Fei, kahit patayin mo yang cp mo sa titig, hindi lalabas si Biance ka jan. Hayaan mo na siya. Hintayin na lang natin." Kalmadong sabi ni Maryse. Nakita kong kumakain siya ng fries.

"E kasi naman e! Siya ang nagsabing 2pm tayo magkikita! Kaasar naman!" Inirapan ko si Maryse saka binasa ulit yung text ni Biance.

-------------------

From: Biance.bff
2:39pm

Friends! Malelate ako. Halos kagigising ko lang e.
Maliligo pa lang ako e. Sorry. Love you po :*

----------

Tuloy lang ako sa pagbulong-bulong ko. Sa isip-isip ko, binubugbog ko na si B. "Fei, tumigil ka jan sa kabubulong. Para kang witch na nag-iicantation e. Nganga!" Sinubuan niya ako ng fries. Nakasimangot pa rin ako. "I-dip mo naman sa sundae Ryse." Umiling lang siya saka sumunod. Sinubuan niya ulit ako ng fries na may sundae.

"Dapat talaga, sangkaterbang relos ang iregalo natin kay B. Grabe siya!"

"Para namang di ka na nasanay sa kanya. Mula middle school magkakaibigan na tayo. Try kong pagsabihan mamaya, again!" Maryse

Kung may award lang for being late, siguradong si Biance Maegan Ramos na ang hahakot nun. Hindi pwedeng hindi siya malelate sa kahit anong event. Kahit yung mga importante, malelate at malelate siya.

"So ano, dito lang tayo habang hinihintay siya? Baka naman maorder na natin lahat dito." Nakapout kong sabi. Pinitik aqniya yung labi ko. Aww ha.

"Tumigil ka sa kangunguso mo, you look like a duck. Maglibot muna tayo sa mga store. Text na lang kamo siya kung nandito na siya sa mall. Tara!" Maryse

Pumasok kami sa Trojan, isang jewelry store. Malaki yung place kaya naghiwalay muna kami ni Maryse sa pagtingin. A bracelet caught my attention. It's a combination of yarn and aluminum. Nakaikot yung yarn sa aluminum tapos may palawit niyang tinapay which is made of silver (ata). Light blue and brown yung color ng yarn. I like it. May nakita rin akong necklace na may palawit na dyosa word. Babayaran ko na ito. Nandoon na rin si Maryse at nakapili.

Just Love Me Right ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon