Chapter 28 (first part)- Feel

2 1 0
                                    

Chapter 28 (first part) - Feel

*******

"Sana nga sinampal na lang ako e. Atleast yung sampal, pwede kong sanggain at pwede rin akong gumanti, hindi yung ganito."

-----

"Mine, anong gusto mong kainin? Papahanda ako sa baba para may makain tayo." Narinig kong tanong ni Timi. Nasa bahay nila ako. Napagdesisyunan kasi namin magreview together.

"Ikaw na bahala." Sagot ko saka nagpagulong-gulong sa kama niya. Napaikot sa akin yung kumot niya. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya pati ang pag-upo niya sa gilid ng kama. Nakangiting tumingin siya sa akin. "Para kang suman Mine." Pinisil niya ang ilong ko.

"Eeeeh! Huwag yung ilong ko!" Akmang kakagatin ko yung mga daliri niya na mabilis naman niyang naalis. Akala ko aalis na siya at bababa. Pero hindi siya umalis sa pwesto niya, nakatitig lang siya sa akin at may maliit na ngiti sa labi. "Matunaw naman ako nyan Timi!" Pagbibiro ko sa kanya. Ngumisi lang siya saka inalis yung buhok na nakaharang sa mukha ko. Mukha siguro akong bruha sa ayos ko ngayon.

"Oooy alam kong dyosa ako, wag mo ng masyadong ipahalata! Bumaba ka na! I'm starving." Nakalabi kong wika. Nagrereklamo na yung mga bulate ko e.

"Okay." Nilapit niya yung mukha niya sa akin at binigyan ako ng mabilis na halik. Patayo na sana si Tim nang magsalita ako. "Ay wait! Tayo mo muna pala ako. Tanggalin mo yung kumot." Umiling ito saka sinimulang alisin yung kumot na nakapulupot sa akin. Nakangiti kong inabot sa kanya ang dalawa kong kamay para magpatayo.

"I'll be back." Paalam niya saka lumabas na ng silid. Nakasandal ako sa headboard at nilibot ang tingin sa buong kwarto. Very masculine ang dating nito. Green and beige ang color ng walls at carpeted ang buong sahig. Nasa gitna ang kama niya na may blue cover. Sa kaliwa ay may pinto papuntang banyo. Nasa bahagi ring iyon ang kabinet ng mga damit at sapatos niya. Meron din siyang study table at shelves sa kanan. Sa harapan nun ay ang isang flat screen tv na nakaharap sa sofa.

Naisipan kong lumapit sa study table niya. Wow! Ang ayos ah, parang di nagagamit. Haha! Joke!

Napangiti ako nang makita ko ang picture namin ng nasa desk niya. Kuha ito nung second weeksary namin, sa loob ng isang ice skating ring.

Dinampot ko ang isa sa mga libro niyang naroon. Easy Trigo ang title. Binuklat ko ito nang may mahulog. "What is th-"

Napakunot ang noo ko nang makita kung ano iyon. It was a picture, picture of him and Remy. Sa larawan ay nakahalik pa si Remy kay Timothy na may hawak na mga lobo. May nakasulat pa sa likod nito. With my forever. ❤ Happy 8th be!

Bakit nakalabas pa ito?

"Mine, iaakyat na lang-- Ano yan?" Hindi ko namalayang nakapasok na pala si Timi at nakalapit sa akin. Inabot ko sa kanya yung picture. "Nahulog mula dito sa libro mo." Simple kong sagot.

"I didn't know na nakaipit pa pala ito dyan, akala ko na natago ko na. Sorry Mine." Mabilis niyang isinuksok iyon sa loob ng desk niya at inakay ako paupo sa may sofa.

"Galit ka?" Niyakap niya ako at ipinatong ang baba sa balikat ko. "Hindi. May dapat ba akong ikagalit?" Nakangiti kong balik-tanong sa kanya.

Umiling siya saka kinandong ako sa kanya. Ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko habang nakapulupot ang mga braso sa bewang ko. Tahimik ko lang na hinahaplos ang buhok niya.

"Mukhang matagal din na naging kayo ni Remy ah. Ilang months or years kayo ulit?" Curious kong tanong. Base sa mga picture kasi nila (na pinagto-throwback ni Remy sa I.G.), they looked very in love. Nakapagtataka na nagbreak sila. Alam ko, natanong ko na ito dati pero nakalimutan ko na naman yung sinabi niya.

Just Love Me Right ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon