MTJ : 10

2K 65 12
                                    

Queen's POV

Habang nag-aayos kami ng mga gamit, may napansin lang ako na frame. Pero may nakatakip pa eh. Tinanggal ko yung kung ano mang nakatakip dito, malay natin artwork siya diba? Edi maganda.

Pero mali ako!

Yun yung..

Yung...

.

.

.

Yun yung wedding picture namin.

Ang bilis naman ipa-develop nun! Kahapon lang yun ah?

Oo nga pala kahapon lang pala yun.. feeling ko kasi 1 taon na eh!

"Ano yan?" - bigla-bigla namang sumusulpot 'tong si Jungkook eh!

"Edi wedding picture! Duh!" - mataray kong sabi, bakit ba?

"Oo nga alam kong wedding picture yan! Ang bilis naman kase! Kahapon lang naman tayo pinicturan eh!"

"Oo nga eh." - this time sarcastic na yung pagkakasabi ko. Haha.

"Nga pala, tapos ko ng ayusin yung mga gamit natin." - sabi niya, edi wow. De joke lang. Haha akalain mo yun? Lalaki yung nag-ayos? Haha. Ay teka... yung kotse ko nasa bahay pa! May pasok na nga pala bukas!

"Uhm.. Jungkook pupunta lang ako sa bahay ha."

"Bakit?"

"Kukunin ko lang y----"

Wae iri kkamkkamhan geonji niga eopsneun i goseun ♪ ♪

Ay! Cellphone ko yun!

Si papa lang pala yung tumatawag eh. Phew. Kala ko kung sino eh.

"Hello pa?"

["Nak, okay na ba sainyo yung bahay?"]

"Yes pa, okay na po."

[Okay, then good. Sige na anak, may meeting pa'ko. Bye."] - sabi ni papa at inend yung call. Linggo may meeting? Ano yun?

"Haha kanta pala namin ang ringtone mo! At line ko pa! Haha!" - sabi ni Jungkook habang tawa ng tawa, eh ano naman kung kanta nila yung ringtone ko?

"So whut?"

"Crush mo ko no? Don't worry, di kita iisnobin!" - tingnan mo 'to, ang assuming!

"Asa ka namang crush kita!" - oy walang aangal! Di ko kras yang ilong na yan!

"Tch. Bahala ka, mamaya mainlove ka pa sakin!" - edi wow.

"Bahala ka nga dyan! Kukunin ko na yung kotse ko!" - sabi ko at kinuha ko yung wallet ko, magta-taxi na lang ako papunta sa bahay.

"Sige. Oy may curfew tayo ah! 7 pm dapat nandito na!" - ano ka ba talaga Jungkook?

"Tanod ka?" - tanong ko.

"Hindi! Basta may curfew ah!" - eh ano pa bang magagawa ko? Nag-nod na lang ako. Lalabas na sana ako, pero nagsalita pa siya.

"Wag ka magingat!" - lol. Papatayin na ba ako neto?

"Ang bait mo grabe." - sabi ko at lumabas na. Baka mamaya daldalin pako neto, gabihin pako. Daldal rin niya no? Parang babae lang.

OMO!

Bakla ba siya?

Luh, bakla ang inarrange sakin?

Pero mukhang imposible.. kasi.. kasi.. kasi.. kasi ewan ko!!

May taxi na dumaan kaya sumakay nako.

--

Nandito na ako ngayon sa bahay kaya umakyat na muna ako sa kwarto ko para kunin yung susi nung kotse. Wala silang lahat dito, maliban sa maids namin. Sila Eomma, Unnie at Appa kasi, nasa business meeting. Tama ba? Or kung ano mang tawag dun sa business thingy na yun.

Nagpaalam na 'ko at lumabas na.

Nagdrive na 'ko pauwi.

After a few minutes...

Pagkapark ko ng kotse ko ay bumaba na agad ako. Binuksan ko yung pinto at may narinig akong boses ng babae sa loob. Oy, sino yun?

Pumasok nako at nakita ko si Jungkook at yung kausap niyang 'babae' na nagtatawanan. Sino ba 'tong babaeng 'to?

Umakyat na muna ako sa kwarto namin, baka makasira pa ako ng moment dyan. Nakatitig lang ako sa pinto, pero natauhan ako ng biglang bumukas ito, kaya umiwas agad ako ng tingin.

"Anong ginagawa mo dito?" - tanong niya.

"Wala. Baka makasira pa ako ng moment dyan eh!" - sabi ko at tumawa siya. Ano nanaman bang nakakatawa sa sinabi ko?

"Haha! Don't tell me nagseselos ka?" - sabi niya, o eh ano naman ngayon?

"H-hindi noh! Tsaka ikaw, wala pa tayong 48 hours kung ano-ano ng ginagawa mo!" - teka, ano ba yung sinabi ko?

"Tsk. Ang sabihin mo nagseselos ka. Tsaka pinsan ko yun, si Cheska." - hehe pinsan pala niya yun?

"A-ah g-ganun b-ba?" - napahiya na nga ako, nautal pa.

"Haha tara na nga ipapakilala kita." - sabi niya at bumaba na kami.

"Cheska this is Queen she's my wife. Queen, this is Cheska my cousin." - pagpapakilala niya at umupo na kami.

"Teka lang.. pano si Danica?" - tanong ni Cheska, kaya napatingin ako bigla kay Jungkook.

Sino si Danica?

_______________________________

[Revised] 04.03.2017

Married To Jungkook (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon