Queen's POV
Nandito na kami ngayon sa isang hotel. May room para sa special events like this. Kaya dito kami. Nandito na rin yung ibang umattend sa kasal kanina. At kami? Naka-upo lang kami dito sa gitna. Pinagmamasdan lang namin yung mga bisita.
Pagkatapos nila kumain, may mga lumapit na samin para mag-congratulate. At may ibang nagbibigay ng regalo. Nag-excuse muna ako, gusto ko lang makasama muna sa Rexy haha.
"Bestiee~ you didn't tell me about this." - sabi niya oo nga pala. Eh kasi naman biglaan!
"Sorry na bestiee! Biglaan kasi 'to. Tsaka kahapon ko lang nalaman yung tungkol sa arranged marriage namin ni Jungkook, and the worst is.. sabi ni mama ngayon daw ang kasal. See? Wala man lang engagement party na naganap!" - sabi ko.
"Oo nga noh? Sigee I understand. Eto nga pala gift ko sayo!" - sabi ni Rexxyy sabay abot ng gift niya sakin. Mamaya ko nalang siguro 'to bubuksan. Bumalik nako sa inuupan namin ni Jungkook, dahil pipicturan daw kami.
After naming mapicturan ng kay rami, eh natapos na rin! Hay salamat! Gusto ko na talagang magpahinga! Nagpaalam na ang Bangtan, si Rexxyy at yung mga bisita namin.
Kasalukuyan kaming nasa elevator ngayon, papunta sa room namin dito sa hotel. Tahimik lang kami. Ang awkward kaya! Nang makarating na kami sa 6th floor kung nasan ang room namin, binuksan ko na agad yung room at pumasok na! Tinanggal ko na yung sapatos ko dahil ang sakit na ng paa ko dito!
Kumuha na agad ako ng pamalit kong damit at pumasok na sa cr para magpalit. Ang suot ko ngayon ay shorts at tshirt.
Pagkalabas ko ng cr, humiga na agad ako sa kama, at ganon rin si Jungkook.
Teka... iisa lang ang kama dito so it means..
Sa iisang kama kami matutulog!
Err..
Dapat dun siya sa couch!
Kinuha ko yung isang unan kung saan nakapatong na yung ulo niya.
"Uy! Akin na yung unan ko!" - sabi niya, no way!
"Ibibigay ko sayo 'to kung sa couch ka matutulog" -sabi ko at kumunot naman ang noo niya. Eh saan niya gusto? Sa sahig? Luh. Wag na sabihin pa niyang kinakawawa ko siya!
"Kama ko 'to este kama natin! Kaya pwede ako dito!" - sabi niya.. uhm.. magiisip na lang ako ng ibang paraan..
"May spray paint ka?" - tanong ko
"Wala! Aanhin mo ba yun?" - di gagana ang plan A ko! Isip ng iba...
"Tape?! Any kind of tape!" - sabi ko, at nalilito siya sa itsura niya. Eh..ano nga bang gagawin ko sa tape?
"Meron. Anong gagawin mo?" - yes! May tape siya!
"Lalagyan ko lang po ng tape yung kalhati ng kama! Kalhati sayo, kalhati sakin! At bawal kang lumagpas dun sa tape sa pagitan natin kundi..."
"Kundi?"
"Matutulog ka sa kalsada!" - ugh. Ano ba 'tong sinasabi ko?!
"Asa ka namang sa kalsada ako matutulog! Hello! May dorm pa kami! Pwede pako dun!" - eh di dun ka sa dorm niyo! Tapos inabot na niya yung tape, packing tape 'to eh! Teka, didikit ba'to ng ayos sa tela? Mamaya mawala dikit niyan! Aish! Basta bahala na! Nilagyan ko na ng tape yung kalhati ng kama at pagkatapos nun binalik ko na sa kanya ito.
Humiga nako at ganun din siya. Pinikit ko na yung mata ko at natulog na.
--
Good morniiing! Tumayo na'ko agad at naligo na, mamaya ko na gigisingin si Jungkook. May breakfast kasi kami ngayon kasama ang Bangtan at si Rexxyy. Tsaka 6:30 am palang oh, ang aga pa. Hindi ko alam bakit ako nagising maaga ngayon.
Pagkatapos ko gawin lahat ng gagawin, ginising ko na si Jungkook.
"Gising na~" - sabi ko habang tinatapik-tapik siya. Nakakailang ganyan nako pero hindi parin gumigising! Aish! Kalalaking tao tulog mantika!
"JEON JUNGKOOK GISING NA!" - sabi ko at buti naman gising na siya! Sus, kailangan pa palang sigawan 'to para magising!
"Aish. Aga-aga ginising mo na agad ako!"- sabi niya habang nags-stretching. Aww...ang cute- ERASE! ERASE!
"7 am na oh! May breakfast po tayo kasama ang Bangtan at bestfriend kooo!" - sabi ko at tumayo na siya. Inayos ko na yung kama at tinaggal ko na yung tape, since magche-check out na kami dito mamaya. Haha
Umupo muna ako at nagcellphone na lang muna. Binuksan ko yung wattpad ko at andami ko nanamang notifications. May mga nagpapa-followback, promote ng stories nila message board ko at kung ano-ano pa.
Pagka-angat ko ng ulo ko nakita ko si Jungkook na kakalabas lang ng cr kaya lumabas agad ako ng room. Aba, wala nakong mapupuntahan dun sa room eh.
Alam niyo naman siguro kung ba't ako lumabas diba?
Nagsalita na lang ako sa may pintuan, for sure naman rinig niya yung sasabihin ko.
"Bilisan mo dyan ah. Nag-aantay sila sa baba." - sabi ko at sumandal ako sa pintuan. Wala pang five minutes biglang bumukas yung pintuan para magulat ako. Aba! Ang tahimik ng pagkakasandal ko tapos biglang bubukas yung pinto!
Ayy.. ang stupid ko rin... bakit ba ako dun sumandal? Tsk.
"Tara na." - sabi niya at bumaba na kami. Oy wag kayo. Di kami yung tulad nung iba dyan na HHWW! Umupo na kami at syempre katabi ko si Jungkook, malamang asawa ko 'to eh. Napansin ko na parang may kulang...
"Teka, asan si Taehyung?" - tanong ko nandito na kasi kaming lahat maliban sa kanya.
"Nat-"
"GOOD MORNING EBERYBODYYYY~" - sabi ni Taehyung na nag-uunat-unat pa.
______________________________
[Revised] 04.03.2017
BINABASA MO ANG
Married To Jungkook (Completed)
FanficHighest rank in Fanfiction: #325 (as of July 10, 2017) Highest rank in Short Story: #66 (as of August 3, 2018) "Wag kayo magugulat ah? Bukas na yung kasal!" Sino bang hindi magugulat doon?! Ngayong araw ko nga lang nakilala yung in-arrange sakin...