Queen's POV
Tuesday.
'Uwaaah!! Kaklase natin si Jungkook ng BTS!'
'We're very lucky!!'
'I need to breathe gurrlss!'
'MY FANGIRL FEELS'
Rinig kong sabi ng mga kaklase ko. Si Jungkook kasi. Nandito sa room namin. Eto kasi yung third subject ko for this day. At hindi ko alam kung bakit nandito si Jungkook sa room namin.
"Queen." - sabi niya at biglang umupo sa tabi ko. Rinig ko naman yung mga bulong- bulong nung iba kong kaklase.
'Ay gurl, bakit siya tinabihan ni Kookie?'
'Baka girlfriend niya'
'Yan? Are you sure? No girlfriend since birth si Kookie'
'Yan girlfriend ni Jungkook? No way! She's too ugly for him!'
"Oy, bakit ka nandito? Diba sa kabilang building yung klase mo?"
"Dito na ang klase ko, starting today." - huh? Dito?
"What do you mean?"
"Tutal pareho naman tayo ng subjects, I decided to change my schedule. Same as yours."
"At bakit mo naman ginawa yun ha?" - tanong ko. Sorry na, masyado akong curious eh haha.
"Because of... HIM" - sabi niya, sabay turo sa may pintuan. Tiningnan ko kung ano yung tinuturo niya at nagulat ako sa nakita ko. Well kahapon, kaklase ko na siya for all of my subjects. Ewan ko lang ngayon.
'Uyy gurl, kaklase rin pala natin si Brix! Swerte natin wohoo!'
'Ay ang tindi! Nastar-struck ako!'
'Waah ang gwapo talaga ni Brix! Pak ganern!'
_
Tapos na ang klase namin ngayon kaya uwian na haha. Totoo nga yung sinasabi ni Jungkook na binago niya yung schedule ng subjects niya. So syempre, kasama ko siya buong araw. Pero ganun rin si Brix, kaklase ko rin siya sa lahat ng subjects. Nakakapagtaka lang, bakit parehong - pareho kami ni Brix ng schedule?
Hindi naman sa nag-aassume ako, pero nararamdaman ko na palagi siyang nakadikit sakin.
Sa classroom, laging nasa kaliwa ko si Jungkook at sa kanan ko naman si Brix. In short, sa gitna nilang dalawa ako nakaupo. Na-aawkward nga ako eh. Brix is very close to me, making the situation more awkward.
Si Jungkook naman, halos every minute na atang patingin- tingin sa'kin kanina eh.
"Uy Queen san mo gusto kumain?" - uh.. san nga ba? I want some Japanese food.. ah! Tonkatsu!
"Dun tayo sa Katsu Sora! Hehe pwede ba?" - sabi ko, sana pumayag siya. Haha. I really want to eat Tonkatsu!
"Ofcourse pwedeng-pwede! Tara na, gutom na rin ako eh! Haha!" - sabi niya at hinila ako sa parking. Halata ngang gusto na niyang kumain haha.
_
Pagkatapos naming umorder, nakita ko namang magsasalita sana siya kaso hindi tinuloy.
"What?" - sabi ko at tiningnan ko yung phone ko kung may nagtext or missed call.
"Wala pa pala tayong endearment. Haha" - endearment?
"Kailangan pa ba yun?"
"Oo! Uhh.. ano bang pwede?" - halatang nagiisip talaga siya ng endearment. Haha
"Babe?"
"Wag ang pangit! Parang pig haha."
"Honey?"
"Eww. Ayoko, yung unique naman." - sabi ko, habang nag-iisip rin. Haha. Bakit ba 'ko pumayag?
"Wala akong maisip" - sabay naming sabi, nagulat naman siya. Bakit naman?
"Nag-iisip ka rin?"
"Duh. Oo" - pagkasabi ko nun, bigla siyang ngumiti. What's wrong with him?
"Yesss! Yiee nag-try siyang mag-isip ng endearment namin! Ayiee~" - minsan talaga parang ewan 'tong si Jungkook eh. Haha. Interesado rin naman ako kahit papano.
"Ewan ko sayo."
"Nako, 'ewan ko sayo', kadalasang linya ng mga babaeng kinikilig. Wuuu. Ayiee. Kinikilig siya!" - luh. Anong nangyayari kay Jungkook? Bakit siya ganyan?
"You're not you, when you're hungry." - haha Snickers lang ang peg? Haha. Buti na lang at sinerve na rin agad yung inorder namin kaya kumain na kami.
__
Pagkatapos naming kumain, dumiretso na rin kami sa bahay dahil wala nanaman kaming pupuntahan. At kinukulit nanaman ako ni Jungkook dun sa endearment namin.
"May naisip ka na, Queen?" - actually meron na. Hindi unique 'to dahil wala na talagang pumapasok sa isip ko na pwedeng maging endearment.
"Sweetie." - sabi ko at tumahimik siya. Panget ba? Wala na kasi akong maisip eh.
"Oh yes! May endearment na tayo!! I love you sweetie!" - sabi niya sabay yakap sakin ng mahigpit. Ang higpit niya yumakap!
"A-ah a-ano s-sweetie, di ako makahinga sa yakap mo!" - sabi ko at nag-sorry naman siya.
"Sorry sweetie. Love you." - tumayo na ako bago pa niya makita na nag-blush ako sa sinabi niya.
"Heh! Matutulog na 'ko. Goodnight!" - sabi ko at umakyat na.
________________________
[Revised] 04.06.2017
BINABASA MO ANG
Married To Jungkook (Completed)
FanfictionHighest rank in Fanfiction: #325 (as of July 10, 2017) Highest rank in Short Story: #66 (as of August 3, 2018) "Wag kayo magugulat ah? Bukas na yung kasal!" Sino bang hindi magugulat doon?! Ngayong araw ko nga lang nakilala yung in-arrange sakin...