MTJ : 15

1.9K 47 3
                                    

Queen's POV

Pagkatapos naming kumain umakyat na'ko sa kwarto, siya na lang daw maghuhugas ng mga plato. Haha. Kinuha ko muna yung phone ko at tiningan kung sino yung nagtext kanina.

From: 0928*******

Hi Jungkook! Pwede ka ba sa Saturday? Opening kasi ng resto ko, I want to see you there.

Hmmm...actually....halatang babae nagtext nito.. And she sounds like malandi? Kasi sa text pa lang niya..halata ko na. Haha.

To: 0928*******

Excuse me, you texted the wrong number.

From: 0928*******

Btw, see you tomorrow!

See you tomorrow? Na-wrong send ba siya? Pero parang oo na hindi? Kung hindi man... ano kaya 'to ni Jungkook? Kapatid? Eh bakit ganun ang text? Hays. Bakit ko ba inisiip 'to? Nawrong send lang siya..wrong send okay?!

__

5:00 am

Kakagising ko lang at bumangon na. Luh, ba't ang aga ko na ata magising ngayon? Hehe hindi naman ako ganto dati ah? Ginawa ko na yung routine ko at sinet ko muna yung alarm clock dun sa kwarto para di ko na gigisingin si Jungkook. Haha.

Binuksan ko yung ref at kakaunti na lang pala yung pagkain namin dito. Makapag-grocery nga mamaya. Bacon na lang ang kinuha ko.

__

Aba tapos nako magluto hindi pa rin gising si Jungkook? Aba, uminom ba yun ng sleeping pills at hanggang ngayon hindi pa gising? Hay nako. Umakyat nako sa kwarto para gising siya, aba kung hindi ko siya gigisingin baka malate kami. Wag naman.

Pagkabukas ko ng pin-

"AAAHH!" - SI JUNGKOOK YUNG SUMIGAW, OKAY? HINDI AKO. Sinara ko rin agad yung pinto, mababasag eardrums ko ee.

"Uso kasi maglock!!" - sigaw ko at tsaka bumaba.

Bumalik na lang ako sa dinning area at kumain na. Bahala siya, di ko siya aantayin. Well, ayoko ng idiscuss kung bakit uunahan ko siyang pumasok at kumain. Narinig ko namang pababa na siya ng hagdan, kaya tinapos ko na yung pagkain ko at tsaka hinugasan yung plato na ginamit ko.

Nakita ko namang kumakain na siya. So pwede nako umalis.

"San ka pupunta?" - tanong niya habang puno ng pagkain yunh bibig niya. Haha. Cute-- ERASE! ERASE! Wala akong sinabi okay?

"Uuna na ako sayo." - sabi ko at lumabas na, bubuksan ko palang yung pinto ng kotse ko pero pinigilan niya 'ko. Wow ambilis naman niya kumain? Tapos na agad? Teka, bakit ba ang sungit ko sa kanya? Eh ARMY naman ako? Hays.

"Sabay na tayo." - sabi niya at hinila ako dun sa kabila at pinagbuksan ng pinto. Gentleman naman pala eh. Haha.

Pumasok na rin siya at nagsimula ng magdrive. Habang ako nakatingin lang sa labas. Naiisip ko pa rin yung text kagabi. Swear. Babae nagtext nun. Halata ko eh. Hindi ko naman siguro siya makikita dahil malaki ang university diba? So hindi ko talaga siya makikita.

__

Lunch na ngayon at nandito kami ni Jungkook kasama ang Bangtan at si Bestiee sa canteen.

"JUNGKOOK!" - sabi nung babae sabay yakap kay Jungkook. Uhm.. sino siya?

Nakita ko naman na biglang nanlaki ang mata nilang lahat, kahit ako rin naman eh. Sino ba kasi 'tong babaeng 'to? Makayakap wagas.

Tapos ayan, humiwalay na yung babae sa pagkakayakap kay Jungkook, buti naman. Haha

"Jungkook, punta ka sa resto ko on Saturday, opening kasi eh. I want you to be there." - sabi niya with malanding tone. See? Malandi nga. I guess, siya yung nagtext kagabi.

"Ah ano kas-"

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig~" - pagkanta ni V kaya nabatukan siya ni Jimin. What does that mean? Ay mali.. Yung kanta.. what was that for? May meaning ba yun?

"Shut your mouth up." - iritang sabi ni Jungkook at umalis. Ano bang nangyagari? Tapos eto namang si girl, ayun sinundan si Jungkook. Ano siya, stalker?

Tiningnan ko sila RapMon, bigla silang umiwas ng tingin sakin. Bakit? Bakit nila iniwas yung tingin nila sakin?

"Bakit di kayo makatingin sakin?" - tamong ko, si Rexxy ganun rin umiwas rin siya sakin ng tingin. Lahat sila umiiwas ng tingin ah.

__

Tapos na ang klase namin ngayon kaya pupunta na kami sa supermarket. Hindi rin sinasabi sakin ni Jungkook, kung sino yung stalker niya. Haha pakelam ko nga ba? Pero bakit ganito? Bakit nung nakita ko yung babae kanina.. parang... parang...nasaktan ako? Hindi yung as in na nasaktan talaga ah.. parang ang lalim ng sinabi ko pag sinabi ko yung exact word.. eto na nga.. parang may kumirot sa puso ko nung nakita ko yung babae kanina.

See, ang lalim ng sinabi ko? Tingin ko nga wala sa vocabulary ko yan eh.

Pero bakit nga ganon? Bakit parang nasaktan ako nung nakita kong niyakap niya si Jungkook?

"Queen nandito na tayo." - sabi ni Jungkook, kaya natauhan ako. Edi ako na lutang.

Pumasok na kami sa loob ng supermarket ng walang pansinan. Pansin ko parang lutang din si Jungkook eh. Pero bakit? Gawa ba nung babae kanina?

Habang pumipili ako, biglang may sumigaw nanaman. Kainis na ah. Kaninang umaga pa ako nakakarinig ng sigaw.

"Babe! Jungkook!" - I know this voice.. lumingon ako para tingnan kung sino yung sumigaw nanaman, and... siya yung stalker ni Jungkook. Grabe ha? Maka 'babe' ha.

"Are you following me?" - tanong ni Jungkook kay stalker. Aish! Bahala kayo mag-usap dyan, basta bibili na ako ng pagkain!

Pagkatapos kong mamili dumiretso na ako sa foodcourt. Dun daw ako aantayin ni Jungkook, kaya sabi ko sakanya bumili na siya ng kakainin namin dun.

Pagdating ko naman sa foodcourt, nakita ko na nandun rin yung stalker niya. Stalker na lang ang itatawag ko sa kanya, aba kung nasan si Jungkook nandon rin siya eh. Edi stalker nga.

"Jungkook please, punta ka sa resto ko on Saturday. Gusto ko kasi talagang nandun ka sa opening eh. Pleaseee?" - pag mamakaawa ni stalker kaya siniko ko si Jungkook kaya napa-oo siya. Kawawa sa ate eh, nag mamakaawa na.

Habang kumakain kami nag-excuse naman si Jungkook, kaya kaming dalawa lang ni stalker ang nandito.

"Oh sorry di pa pala ako nagpapakilala. By the way, I'm Danica Lee, Danica na lang ang itawag mo sakin. And you are?" - marunong pala 'to magpakilala? Akala ko hindi eh. Haha joke lang.

"Quindale Allysa Kim-Jeon, Queen for short." - pagkasabi ko nun, bigla siyang nasamid. May mali ba sa sinabi ko?

"A-ah s-so it means, you're married to Jungkook?" - sabi niya pero nakita ko ang pagkairita sa mukha niya. Bakit naman?

"Yeah." - sabi ko at kumain ulit. So palitan na natin ang nickname niya from stalker to Danica. Haha

"Oh well, then congrats." - sabi niya, pero parang may bitterness eh. Oh, don't tell me bitter siya? Haha just kidding.

Bumalik na si Jungkook, at saktong tapos na kaming kumain.

________________________

[Revised] 04.06.2017

Married To Jungkook (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon