MTJ : 24

1.4K 35 4
                                    

Queen's POV

"Well, it seems that you wanna ask me why. Do you want me to tell it?"

"We've been together since October 6, last year. In fact malapit na nga kami mag-anniversary eh. But he broke up with me."

"I-I'm sorry" - sabi ko, feeling ko dahil dun sa arranged marriage namin ni Jungkook, kaya sila nagka-hiwalay.

"Queen, magpapakatotoo na ako ha. Sa totoo lang, sobrang naiinis ako sayo. Alam mo ba kung bakit? Sa tuwing magkasama kami ni Jungkook, parang wala lang ako para sakanya. Alam mo bang sobrang sakit nun para sakin? Ako yung girlfriend niya pero kaibigan lang ang pakikitungo niya sakin! We never dated. Yes, never. Why? 'Cause he's busy watching you! He always follow you wherever you go. Kung papasok ka sa school, nandun rin siya. Pagka-magsho-shopping kayo ng bestfriend mo, nandun rin siya. He knows you more than me. " - halata ko talaga ang inis niya sakin sa tono pa lang ng pagsasalita niya.

"I'm sorry Danica."

"Sorry?! That's it, huh?! After ruining our relationship, eto lang ang gagawin mo?! You're just going to apologize? If you think that I'm accepting your apology, think twice. I don't accept apologies." - sabi niya at tumayo.

"I'll make sure that you'll suffer. You destroyed our relationship, I'll destroy yours too. But in other way." - sabi niya bago tuluyang umalis. Hindi ko alam. Hindi ko alam na ganito pala ang sitwasyon ni Danica dati. Pero hindi ko naman kasalanan kung bakit sila naghiwalay eh. Kung alam ko lang sana na magkakaganito, edi sana hindi na lang ako pumayag sa arranged marriage namin. Aish. Para rin akong ewan, ba't nga ba 'ko pumayag?

Natatakot lang ako sa pwedeng gawin ni Danica. Alam kong galit siya sakin, dahil ako ang dahilan kung bakit siya hiniwalayan ni Jungkook. Teka.. yung card ba? Yung birthday card ba na nakita ko dito sa bahay.. para kay Danica ba yun?

Pumunta ako sa kwarto at binuksan ko yung drawer namin ni Jungkook. May nakita akong mga papel doon. Isa na dito yung birthday card na nakita ko noon. Hindi ko na binasa yung mga nakasulat dun sa mga papel na nasa loob ng isang envelope. Ngunit may nakita akong journal. Alam kong hindi tama na gumalaw ng gamit ng may gamit pero parang may nagtutulak sakin na buksan ito.

Binuksan ko yung journal, at mayroong pangalan ni Jungkook dito. Pagkakuha ko nito, biglang may nahulog na papel. Pinulot ko ito at binasa ang nakasulat dito,

Seeing her cry kills me million times. I promise to myself that when we get married, I'll do everything to make her fall in love with me. She's the QUEEN and I'm the king. Haha. One day we will be together, Quindale Allysa Kim.

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Grabe naman 'tong pinagsusulat ni Jungkook eh. Di ako makapaniwala na siya ang nagsulat nito.

Sweetie calling...

Speaking of. Tumatawag pala siya.

"Hello?" - sabi ko at binalik ko na yung journal sa drawer, di ko na siguro bubuksan yun. Inaantok na talaga ako eh.

["Sweetie, I miss you. Kamusta ka dyan?"]

"Not so fine." - naalala ko si papa.

["Bakit?"]

"N-na c-coma si p-papa." - sabi ko at tuluyan nakong napaiyak.

["Huh?! Bakit, anong nangyari?"]

"Car accident"

["Car accident? Bakit anong nangyari? Nasaan ka ngayon?"] - di niya makapaniwalang tanong. Kahit ako rin naman eh. Di ko akalaing maaksidente si papa sa business trip.

"Dito sa bahay natin. Why?"

["Ah wala. Uhm 7 am na dyan, are you preparing for school already?"] - nagulat ako sa sinabi niya, oo nga pala. Aish. Di nga pala ako papasok ngayon. Ano bang nangyayari sakin?

"Nope, di ako papasok ngayon. Dun muna ako sa ospital. Bukas na lang siguro ako papasok."

["Okay. Magpahinga ka na muna, mukhang inaantok ka na. Base on your voice. Hahaha"]

"Oo na. Bye. Mag ingat kayo palagi ha." - sabi ko at sinet ko muna yung alarm ko. Isang oras lang ako matutulog. 9 am rin ako babalik sa ospital.

["Bye, you too, take care of yourself hangga't wala ako dyan. Maybe next week uuwi na rin kami dyan sa Manila."]

"Okay, bye." - sabi ko at inend ko na yung call. Chinarge ko muna yung phone ko dahil lowbat na, wala rin akong pagcha-chargan sa ospital eh. Ay wait, may powerbank pa pala ko. Pero lowbat na yun eh. Kinuha ko yung powerbank ko at chinarge ito katabi nung phone ko. Buti na lang at dalawa yung charger ko dito.

Humiga na ako sa kama at pumikit.

___

8:00 am

Nag-alarm na yung alarm ko kaya bumangon na ako at inayos yung pinaghigaan ko. Kahit medyo inaantok pa'ko, eh kailangan ko ng mag-ayos.

Pagkatapos kong maligo, nagluto muna ako ng breakfast ko. Hindi kasi ako nakakain kagabi hanggang kaninang umaga eh. So kailangan ko talagang kumain. Haha.

Bigla kong napaisip. Bakit hindi sinasabi sakin ni Jungkook na naging sila ni Danica? Or kahit kaunting clue or detail na naging sila. Oh wait, I remember. Yung sinabi niya sakin,

"I already had a past relationship? And she's here now? Wanting to destroy us?"

Yan yung mismong sinabi niya sakin. Hindi ko alam na eto pala yung ibig sabihin nang sinabi niya. Tapos yung sinabi pa ni Danica. Nung una naming pagkikita, yung halos nakadikit siya palagi kay Jungkook dati. Kaya pala parang may halong lungkot yung mukha niya nung nalaman niyang pareho na kami ng apelyido ni Jungkook.

Bakit ngayon ko lang narealized ang lahat ng ito? Bakit ngayon lang?

_______________________

[Revised] 04.06.2017

Married To Jungkook (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon