MTJ : 13

1.8K 49 0
                                    

Queen's POV

Nandito na ako ngayon sa canteen. Inaantay ko si Jungkook, ang tagal naman nun. Bigla namang dumating ang Bangtan.

"Heyoo! Oh Queen, ba't mag-isa ka?" - tanong ni V.

"Si Jungkook asan?" - tanong ni Jimin hehe. Teka, bakit si Jungkook ang hinahanap mo, eh nandito naman ako? Haha joke lang.

"Ewan ko dun. Bahala siya sa buhay niya." - sabi ko, aba 15 minutes na po kaya akong nag-aantay dito.

"Lagot talaga sakin 'yang si Jungkook pagdating dito! Pinag-aantay yung asawa niya e." - sabi naman ni Jin. Try ko kayang itext si Jungkook? Pwede rin. Para naman di nako nagaantay dito.

To: Jungkook Ilong

Asan ka na? Dalii, nag-aantay ako dito sa canteen.

Oo nga pala..walang nakakaalam na... ano.... hmmm.... pano ko ba sasabihin?

Hmm..

Walang nakakaalam na......

Na.. Mrs.Jeon na ako. Sila Rexxy at Bangtan lang ang nakakaalam nito. Kim pa rin ang apelyido ko dito sa school.

"Queen ano nga pa lang apelyido mo?" - tanong ni RapMon.

"Kim" - sabi ko kaya nagkatinginan sila.

"Kamag-anak mo si Taehyung?! Si Namjoon?! Si Jin?!" - gulat na tanong ni J-hope haha! Porket 'Kim' ang surname ko, kamag-anak ko na agad sila?! Pfft. Haha!

"Nope." - sabi ko kaya nagnod na lang sila. Chineck ko yung phone ko at di pa rin nagrereply si Jungkook. Ano bang nangyari dun? Tumayo na ako at nagpaalam sa Bangtan. Di tuloy ako makakakain ng lunch dahil sayo Jeon Jungkook!

Wait.. oo nga pala, pwede naman ako kumain ng lunch ng wala si Jungkook ah? Pwede nga.. pero parang ayoko eh. Bigla namang nag-vibrate yung phone ko.

From: Bestiee

Bestiee! Punta ka dito sa may bulletin board natin!

Si Rexxy pala, akala ko si Jungkook eh.

Pumunta nga ako sa may bulletin namin at may poster dun. Lumapit ako ng konti di ko kasi kita eh, medyo malabo mata ko.

Sino may gawa nito?! May pa JungQueen, JungQueen pang nalalaman! At.. saan nila nakuha picture ko?! Umalis na lang ako dahil ayokong makita yung picture namin dun. Asan ba talaga si Jungkook? Naman oh. Wala na! Tapos na ang lunch. Patay ka sakin mamaya Jungkook! Di kita hahatian sa lulutuin ko mamaya!

__

Uwian na ngayon at di pa rin nagrereply si Jungkook sa text ko kanina. Bahala siya. Basta pupunta na lang ako sa parking, dun ko na lang siya aantayin. Bakit nga ba ako mag-aantay? Eh pwede naman ako mag-taxi? Hays. Itetext ko nga ulit 'tong Ilong na'to mamaya pagintayin pa ako ng sampung taon dito eh.

To: Jungkook Ilong

Antayin kita dito sa parking.

Hmm... di nga pala sinasabi sakin ni Jungkook kung sino si Danica. Oh wait... bakit ba parang curious ako? Ah okay! Curiousity kills me nga pala.

From: Jungkook Ilong

Antayin mo ko dyan. 10 minutes.

Wow ah. Since 10 minutes pa naman bago dumating si Jungkook, bibili muna ako ng street food. Haha. Nakita ko naman si Ate na nagtitinda ng balat. Yun na lang bibilhin ko. Haha. Alam niyo ba yung balat? Yun yung balat ng manok, kaso di ka dapat masobrahan sa pagkain nun, masyadong mamantika.

"Ate balat nga po." - sabi ko at binigay kay ate yung bayad ko at kinuha ko na yung balat. Bumalik na rin ako sa parking. Sakto namang dumating si Jungkook. Hayy salamat, makakauwi na rin. Haha.

"Uy penge!" - ako na nga 'tong pinag-antay mo tapos hihingi ka pa? Ayos ah. Yun binigyan ko naman siya. Hala! Anong nakain ko?! Bakit ko siya binigyan?! Waahhh anong nangyayare sakin?! Bakit ang bait ko ngayon? Haha. Mabait naman talaga ako eh, pero kay Jungkook? No..no..no

Sumakay na siya sa kotse ng hindi man lang ako pinagbubuksan ng pinto. Grabe. Ang gentleman mo Jungkook!

___________________________

[Revised] 04.06.2017

Married To Jungkook (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon